Add parallel Print Page Options

Ang Cristong Ipinako sa Krus

Mga kapatid, nang ako ay dumating sa inyo, hindi ako dumating na nagpapahayag sa inyo ng patotoo ng Diyos sa pamamagitan ng matatayog na pananalita o karunungan.

Sapagkat aking ipinasiyang walang anumang malaman sa gitna ninyo, maliban na si Jesu-Cristo, at siya na ipinako sa krus.

Ako'y(A) nakasama ninyo na may kahinaan, takot, at lubhang panginginig.

Ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng mapang-akit na mga salita ng karunungan, kundi sa pagpapamalas ng Espiritu at ng kapangyarihan,

upang ang inyong pananampalataya ay huwag maging batay sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos.

Ang Tunay na Karunungan ng Diyos

Subalit sa mga may gulang na ay nagsasalita kami ng karunungan, gayunma'y hindi ang karunungan ng panahong ito, o ng mga pinuno sa panahong ito, na ang mga ito'y mauuwi sa wala.

Kundi nagsasalita kami tungkol sa karunungan ng Diyos, na hiwaga at inilihim, na itinalaga ng Diyos bago ang mga panahon para sa ikaluluwalhati natin.

Walang sinuman sa mga pinuno ng sanlibutang ito ang nakaunawa nito, sapagkat kung naunawaan nila, ay hindi sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian.

Subalit(B) kagaya ng nasusulat,

“Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga,
    at hindi pumasok sa puso ng tao,
    ay ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila na nagmamahal sa kanya.”

10 Ngunit ang mga ito ay ipinahayag sa amin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu; sapagkat sinisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, maging ang malalalim na mga bagay ng Diyos.

11 Sapagkat sinong tao ang nakakaalam ng isipan ng isang tao, kundi ang espiritu ng tao na nasa kanya? Kaya't walang nakakaalam ng mga isipan ng Diyos, maliban sa Espiritu ng Diyos.

12 Ngayon ay aming tinanggap, hindi ang espiritu ng sanlibutan, kundi ang Espiritung mula sa Diyos, upang aming malaman ang mga bagay na walang bayad na ibinigay sa amin ng Diyos.

13 Na ang mga bagay na ito ay aming sinasabi hindi sa mga salitang itinuro ng karunungan ng tao, kundi ng itinuturo ng Espiritu na ipinapaunawa ang mga espirituwal ng mga espirituwal.

14 Ngunit ang taong hindi ayon sa espiritu ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos, sapagkat ang mga iyon ay kahangalan sa kanya at hindi niya iyon nauunawaan, sapagkat ang mga iyon ay nauunawaan sa pamamagitan ng espiritu.

15 Ngunit nauunawaan ng taong espirituwal ang lahat ng mga bagay, subalit hindi siya nauunawaan ng sinuman.

16 “Sapagkat(C) sino ang nakakaalam ng pag-iisip ng Panginoon, upang siya'y turuan niya?” Subalit nasa amin[a] ang pag-iisip ni Cristo.

Footnotes

  1. 1 Corinto 2:16 o atin .

Si Cristo na Ipinako sa Krus

Mga kapatid, nang pumunta ako sa inyo, hindi ako dumating na nagbabalita sa inyo ng hiwaga[a] ng Diyos ayon sa kahusayan ng pananalita o ng karunungan. Sapagkat napagpasyahan ko noong kasama ninyo ako na walang anumang makilala, maliban kay Jesu-Cristo, siya na ipinako sa krus. Ako nga'y nakasama ninyo nang may kahinaan, may takot, at matinding panginginig. Ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng mga mapanghikayat na salita ng karunungan, kundi sa pagpapakita ng kapangyarihan ng Espiritu, upang ang inyong pananampalataya ay hindi mapasalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos.

Ang Pagpapahayag ng Banal na Espiritu ng Diyos

Ngunit sa mga nasa hustong gulang ay nagsasalita kami ng karunungan, gayunma'y hindi ang karunungan ng kapanahunang ito, o ng mga pinuno sa kapanahunang ito, na pawang mawawalan ng kabuluhan. Sa halip, ang sinasabi namin ay ang hiwaga at itinagong karunungan ng Diyos, na kanyang itinalaga bago pa nagkaroon ng mga panahon para sa kaluwalhatian natin. Wala ni isa man sa mga pinuno ng kapanahunang ito ang nakaalam nito, sapagkat kung ito'y nalaman nila, hindi sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian. Subalit tulad ng nasusulat,

“Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga,
    at hindi pumasok sa puso ng tao,
ay ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila na nagmamahal sa kanya.”

10 Ngunit ipinahayag ito sa amin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu; sapagkat sinisiyasat ng Espiritu ang lahat ng bagay, pati ang malalalim na bagay tungkol ng Diyos. 11 Sapagkat sino ang nakaaalam ng mga iniisip ng isang tao, kundi ang espiritu ng tao na nasa kanya? Gayundin naman, walang nakaaalam ng mga iniisip ng Diyos, kundi ang Espiritu ng Diyos. 12 Kami ay tumanggap, hindi ng espiritu ng sanlibutan, kundi ng Espiritung mula sa Diyos, upang malaman namin ang mga bagay na walang bayad na ipinagkaloob sa amin ng Diyos. 13 At ang mga bagay namang ito ay ipinapahayag namin hindi sa pamamagitan ng mga salitang ayon sa pagtuturo ng karunungan ng tao, kundi sa pagtuturo ng Espiritu, na aming ipinapaunawa ang mga bagay na espirituwal sa mga espirituwal. 14 Ngunit ang taong di-espirituwal ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos, sapagkat kahangalan ang mga iyon sa kanya at hindi niya iyon nauunawaan, yamang ang mga iyon ay hinahatulan sa espirituwal na paraan. 15 Hinahatulan naman ng taong espirituwal ang lahat ng mga bagay, at hindi siya hinahatulan ng sinuman. 16 “Sapagkat sino ang nakaaalam sa pag-iisip ng Panginoon, upang magpayo sa kanya?” Subalit taglay namin[b] ang pag-iisip ni Cristo.

Footnotes

  1. 1 Corinto 2:1 Sa ibang manuskrito, patotoo, at sa iba, pagliligtas.
  2. 1 Corinto 2:16 o natin.

Mga kapatid, ako ay dumating sa inyo na naghahayag ng patotoo patungkol sa Diyos, hindi sa pamamagitan ng kahusayan ng pananalita o karunungan. Ito ay sapagkat pinagpasiyahan kong walang malamang anuman sa inyo maliban kay Jesucristo na ipinako sa krus. Nakasama ninyo ako sa kahinaan, sa pagkatakot at lubhang panginginig. Ang aking pananalita at pangangaral ay hindi sa mapanghikayat na pananalita ng karunungan ng tao. Sa halip, ito ay sa pagpapatunay ng Espiritu at ng kapangyarihan. Ito ay upang ang inyong pananampalataya ay hindi ayon sa karunungan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Diyos.

Karunungang Mula sa Espiritu

Gayunman, kami ay nagsasalita ng karunungan sa may mga sapat na gulang na. Ngunit ang sinasalita namin ay hindi ang karunungan ng kapanahunang ito, ni ng mga namumuno sa kapanahunang ito na mauuwi sa wala.

Sinasalita namin ang karunungan ng Diyos sa pamamagitan ng isang hiwaga. Ito ang nakatagong karunungan na itinalaga ng Diyos bago pa ang kapanahunang ito para sa ating kaluwalhatian. Wala ni isa man sa mga namumuno sa kapanahunang ito ang nakakaalam patungkol dito. Kung nalaman lang nila ito, hindi na nila sana ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian. Subalit ayon sa nasusulat:

Ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila na umiibig sa kaniya ay hindi nakita ng mga mata, ni hindi narinig ng tainga at hindi pumasok sa puso ng mga tao.

10 Ngunit ang mga ito ay inihayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang sumasaliksik ng lahat ng mga bagay maging ang mga malalalim na bagay ng Diyos. 11 Ito ay sapagkat sinong tao ang nakaka­alam ng mga bagay ng tao, maliban sa espiritu ng tao nanasa kaniya? Ganoon din ang mga bagay ng Diyos, walang sinumang nakakaalam maliban sa Espiritu ng Diyos.

12 Ngunit hindi namin tinanggap ang espiritu ng sanlibutan. Sa halip, ang tinanggap namin ay ang Espiritu na mula saDiyos upang malaman namin ang mga bagay na ipinagkaloob sa amin ng Diyos. 13 Ang mga bagay na ito ang aming sinasabi: Hindi sa pamamagitan ng mga salitang itinuro ng karunungan ng tao kundi sa mga salitang itinuro ng Banal na Espiritu. Ini­hahalintulad namin ang mga espirituwal na bagay sa espirituwal na bagay. 14 Hindi tinatanggap ng likas na tao ang mga bagay na ukol sa Espiritu ng Diyos sapagkat kamangmangan sa kaniya ang mga ito at hindi niya ito maaaring malaman dahil ang mga ito ay nasisiyasat sa kapa­raanang espirituwal. 15 Ang taong sumusunod sa Espiritu ay nakakasiyasat ng lahat ng mga bagay ngunit walang sinumang nakakasiyasat sa kaniya.

16 Ito ay sapagkat sino nga ang nakaalam ng isipan ng Panginoon? Sino ang magtuturo sa kaniya?

Ngunit kami, nasa amin ang kaisipan ni Cristo.