1 Corinto 16
Ang Biblia (1978)
16 Ngayon tungkol (A)sa ambagan sa (B)mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng (C)iniutos ko sa (D)mga iglesia ng (E)Galacia.
2 Tuwing unang (F)araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, (G)ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang (H)huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.
3 At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong (I)abuloy sa Jerusalem:
4 At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko.
5 Nguni't ako'y paririyan sa inyo, (J)pagkaraan ko sa Macedonia; sapagka't magdaraan ako sa Macedonia;
6 Datapuwa't marahil ako'y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw, upang ako'y tulungan ninyo sa aking paglalakbay (K)saan man ako pumaroon.
7 Sapagka't hindi ko ibig na kayo'y makita ngayon (L)sa paglalakbay; sapagka't inaasahan kong ako'y makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon.
8 Datapuwa't ako'y titigil sa (M)Efeso hanggang sa (N)Pentecostes;
9 Sapagka't (O)sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at (P)marami ang mga kaaway.
10 Ngayon (Q)kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya (R)ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman:
11 (S)Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya. Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay, upang siya'y makaparito sa akin: sapagka't inaasahan ko siya'y kasama ng mga kapatid.
12 Nguni't tungkol sa (T)kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon.
13 (U)Magsipagingat kayo, (V)mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, (W)kayo'y mangagpakalalake, (X)kayo'y mangagpakalakas.
14 (Y)Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.
15 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na (Z)ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang (AA)pangunahing bunga ng (AB)Acaya, at nangagsitalaga (AC)sa paglilingkod sa mga banal),
16 Na (AD)kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal.
17 At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: (AE)sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.
18 Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon.
19 Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni (AF)Aquila at ni Prisca[a] (AG)pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.
20 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. (AH)Kayo'y mangagbatian ng halik na banal.
21 Ang bati ko, ni (AI)Pablo na sinulat ng aking sariling kamay.
22 Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, (AJ)ay maging takuwil siya. (AK)Maranatha[b]
23 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.
24 Ang aking pagibig kay (AL)Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.
Footnotes
- 1 Corinto 16:19 Pricila.
- 1 Corinto 16:22 Maran-atha—ang ating Panginoon ay paririto.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978