1 Corinto 16:9-11
Ang Salita ng Diyos
9 Ito ay sapagkat isang malaki at mabisang daan ang binuksan sa akin doon at marami ang humahadlang.
10 Kapag dumating diyan si Timoteo, tiyakin ninyo na makakasama ninyo siya ng walang pagkatakot sapagkat gawain ng Panginoon ang kaniyang ginagawa, tulad ng ginagawa ko. 11 Kaya nga, huwag ninyo siyang hayaang hamakin ng sinuman, sa halip, tulungan ninyo siyang makahayo nang mapayapa upang makarating siya sa akin sapagkat hinihintay ko siya kasama ng mga kapatid.
Read full chapter
1 Corinto 16:9-11
Ang Biblia, 2001
9 sapagkat(A) isang maluwag na pintuan para sa mabisang paggawa ang nabuksan sa akin, at marami ang mga kaaway.
10 Kapag(B) si Timoteo ay dumating, sikapin ninyo na wala siyang anumang kinakatakutan sa gitna ninyo, sapagkat siya'y gumagawa ng gawain ng Panginoon, na gaya ko.
11 Sinuman ay huwag humamak sa kanya. Suguin ninyo siya sa kanyang paglalakbay na may kapayapaan upang siya'y makarating sa akin, sapagkat inaasahan ko siyang kasama ng mga kapatid.
Read full chapter
1 Corinto 16:9-11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
9 sapagkat (A) nabuksan para sa akin ang isang maluwang na pintuan tungo sa makabuluhang gawain, bagama't maraming sumasalungat.
10 Pagdating (B) ni Timoteo, sikapin ninyo na wala siyang anumang dapat ipangamba sa piling ninyo, sapagkat tulad ko ay ginagampanan niya ang gawain ng Panginoon. 11 Kaya't huwag siyang hamakin ng sinuman. Mapayapa ninyo siyang ihatid sa kanyang paglalakbay upang makabalik siya sa akin, sapagkat inaasahan ko siyang kasama ng mga kapatid.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
