1 Corinto 16:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa ay maglaan ng bahagi ng kanyang kinikita at ipunin iyon upang hindi na kailangang mag-ambagan pa pagpunta ko riyan. 3 Pagdating ko riyan, bibigyan ko ng sulat ang mga taong pipiliin ninyo upang magdala ng inyong tulong sa Jerusalem. 4 At kung kailangang pumunta rin ako, sasama ako sa kanila.
Read full chapter
1 Corinto 16:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Tuwing unang (A)araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, (B)ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang (C)huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.
3 At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong (D)abuloy sa Jerusalem:
4 At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko.
Read full chapter
1 Corinto 16:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa sa inyo ay magbukod at maglaan ayon sa kanyang makakaya, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan pagdating ko.
3 At pagdating ko, ang sinumang inyong pipiliin, ay sila ang aking isusugo na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem.
4 Kung nararapat na ako ay pumaroon din ay sasamahan nila ako.
Read full chapter
1 Corinto 16:2-4
Ang Dating Biblia (1905)
2 Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.
3 At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem:
4 At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko.
Read full chapter
1 Corinto 16:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Tuwing unang araw ng linggo, ang bawat isa sa inyo ay magbukod at maglaan ng halaga ayon sa kanyang kinita, upang huwag nang magkaroon ng mga ambagan pagpunta ko. 3 At pagdating ko riyan, ang mga taong inyong mapili ay aking isusugo na may dalang mga sulat upang maghatid ng inyong kaloob sa Jerusalem. 4 Kung kinakailangan kong pumunta ay sasamahan nila ako.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.