1 Corinto 16:15-17
Ang Biblia (1978)
15 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na (A)ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang (B)pangunahing bunga ng (C)Acaya, at nangagsitalaga (D)sa paglilingkod sa mga banal),
16 Na (E)kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal.
17 At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: (F)sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.
Read full chapter
1 Corinto 16:15-17
Ang Salita ng Diyos
15 Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid. Kilala ninyo ang sambahayan ni Estefanas. Alam ninyo na ito ang unang bunga ng Acaya at itinalaga nila ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga banal. 16 Ipinamamanhik ko na magpasakop din kayo sa kanila at sa bawat isang gumagawa at nagpapagal na kasama namin. 17 Ako ay nagagalak sa pagdating nina Estefanas, Fortunato at Acaico dahil ang inyong kakulangan ay pinunan nila.
Read full chapter
1 Corinto 16:15-17
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
15 Alam ninyo (A) na ang sambahayan ni Estefanas ang mga unang bunga ng pangangaral sa Acaia. Inilaan na nila ang kanilang sarili sa paglilingkod sa mga banal. Kaya't nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, 16 na magpailalim kayo sa pamumuno ng gayong uri ng mga tao at sa bawat isang nagpapagal at nakikiisa sa gawain. 17 Natutuwa ako sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, sapagkat kanilang pinunan ang inyong kakulangan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
