1 Corinto 16:12-14
Ang Biblia, 2001
12 Tungkol naman kay kapatid na Apolos, pinakiusapan ko siyang mabuti na dalawin kayo kasama ng ibang mga kapatid, subalit hindi pa niya nais na pumariyan ngayon. Ngunit siya'y darating kapag mayroon na siyang pagkakataon.
Pagwawakas at Pagbati
13 Magmatyag kayo, manindigan kayong matibay sa pananampalataya, magpakalalaki kayo, magpakatatag kayo.
14 Lahat ng inyong ginagawa ay gawin ninyo sa pag-ibig.
Read full chapter
1 Corinto 16:12-14
Ang Biblia (1978)
12 Nguni't tungkol sa (A)kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon.
13 (B)Magsipagingat kayo, (C)mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, (D)kayo'y mangagpakalalake, (E)kayo'y mangagpakalakas.
14 (F)Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.
Read full chapter
1 Corinto 16:12-14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 Tungkol naman kay kapatid na Apolos, nakiusap akong mabuti sa kanya na puntahan kayo kasama ng ibang mga kapatid. Wala pa siyang balak na pumunta riyan ngayon. Ngunit darating siya kapag nagkaroon na siya ng pagkakataon.
Pagwawakas at Pagbati
13 Magbantay kayo, manindigan kayo sa pananampalataya, magpakatapang kayo, magpakatatag kayo. 14 Gawin ninyo ang lahat nang may pag-ibig.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
