1 Corinto 15:1-2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Muling Pagkabuhay ni Cristo
15 Ngayon ay ipinapaalala ko sa inyo, mga kapatid, ang tungkol sa ebanghelyo[a] na ipinangaral ko sa inyo, na inyong tinanggap, na siya naman ninyong kinatatayuan. 2 Sa pamamagitan nito ay naliligtas kayo, kung panghahawakan ninyo itong mabuti. Kung hindi, kayo'y sumampalataya nang walang kabuluhan.
Read full chapterFootnotes
- 1 Corinto 15:1 o magandang balita.
1 Corinto 15:1-2
Ang Biblia, 2001
Ang Muling Pagkabuhay ni Cristo
15 Ngayon, mga kapatid, ipinaaalala ko sa inyo ang magandang balita[a] na ipinangaral ko sa inyo, na inyo nang tinanggap, na siya naman ninyong pinaninindigan,
2 na sa pamamagitan nito kayo ay ligtas, kung matatag ninyo itong panghahawakan—malibang kayo'y sumampalataya nang walang kabuluhan.
Read full chapterFootnotes
- 1 Corinto 15:1 o ebanghelyo .
1 Corinto 15:1-2
Ang Dating Biblia (1905)
15 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan,
2 Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.
Read full chapter
1 Corinto 15:1-2
Ang Salita ng Diyos
Ang Muling Pagkabuhay ni Cristo
15 Mga kapatid, ipinaalam ko sa inyo ang ebanghelyo na ipinangaral ko sa inyo na inyo ring tinanggap at inyong pinaninindigan.
2 Sa pamamagitan din nito kayo ay ligtas, kapag nanghahawakan kayong matatag sa salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na lamang kung sumampalataya kayo nang walang kabuluhan.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 1998 by Bibles International