1 Corinto 12:28-30
Magandang Balita Biblia
28 Naglagay(A) ang Diyos sa iglesya, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gumagawa ng mga himala, mga nagpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga tagapangasiwa, at mga nagsasalita sa iba't ibang mga wika. 29 Hindi lahat ay apostol, propeta o guro; hindi lahat ay binigyan ng kakayahang gumawa ng mga himala, 30 magpagaling ng mga maysakit, magsalita sa iba't ibang mga wika o magpaliwanag ng mga wikang ito.
Read full chapter
1 Corinto 12:28-30
Ang Biblia (1978)
28 At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y (A)mga apostol, ikalawa'y (B)mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka (C)mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, (D)mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.
29 Lahat baga'y mga apostol? lahat baga'y mga propeta? lahat baga'y mga guro? lahat baga'y mga manggagawa ng mga himala?
30 May mga kaloob na pagpapagaling baga ang lahat? (E)nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika? lahat baga ay nangagpapaliwanag?
Read full chapter
1 Corinto 12:28-30
Ang Biblia, 2001
28 At(A) ang Diyos ay naglagay sa iglesya, una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga gumagawa ng himala, saka mga kaloob ng pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang uri ng wika.
29 Lahat ba'y mga apostol? Lahat ba'y mga propeta? Lahat ba'y mga guro? Lahat ba'y mga manggagawa ng mga himala?
30 Lahat ba'y may mga kaloob ng pagpapagaling? Lahat ba'y nagsasalita ng mga wika? Lahat ba'y nagpapaliwanag?
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
