Add parallel Print Page Options

23 Binibigyan natin ng malaking karangalan ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong marangal. Ang mga hindi magagandang bahagi ay higit nating pinagaganda. 24 Ngunit ang magagandang bahagi ay hindi na kinakailangang pagandahin. Subalit maayos na pinagsama-sama ng Diyos ang katawan. Ang mga bahaging may kakulangan ay binigyan niya ng higit na karangalan. 25 Ito ay upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa katawan at sa halip ay magmalasakitan sa isa’t isa ang lahat na bahagi.

Read full chapter

23 At yaong mga sangkap ng katawan, na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan;

24 Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan;

25 Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa't isa.

Read full chapter

23 Ang mga bahagi ng katawan na sa tingin natin ay walang karangalan, ay pinag-uukulan natin ng ibayong karangalan, at ang mga kahiya-hiyang bahagi natin ang lalong pinararangalan— 24 na hindi naman kailangan ng mga bahagi nating higit na magaganda. Subalit ang Diyos ang bumuo ng katawan sa paraang mabibigyan ng ibayong kapurihan ang bahaging may kakulangan. 25 Ito'y upang huwag magkaroon ng pagkakahati-hati sa katawan, kundi ang mga bahagi ay magkaroon ng parehong pagmamalasakit sa isa't isa.

Read full chapter