Add parallel Print Page Options

Babala Laban sa Pagsamba sa Diyus-diyosan

10 Mga (A) kapatid, nais kong malaman ninyo na ang ating mga ninuno ay napasailalim ng ulap, at silang lahat ay tumawid sa dagat, at lahat ay nabautismuhan kay Moises sa ulap at sa dagat. Silang (B) lahat ay kumain ng parehong pagkaing espirituwal; at (C) lahat ay uminom ng parehong inuming espirituwal. Sapagkat sila'y uminom mula sa batong espirituwal na sumunod sa kanila, at ang Batong iyon ay si Cristo. Ngunit (D) hindi nasiyahan ang Diyos sa karamihan sa kanila, at sila'y pinuksa sa ilang. Ang (E) mga bagay na ito'y nagsisilbing halimbawa sa atin, upang huwag tayong magnasa ng masasamang bagay katulad nila. Huwag (F) kayong sumamba sa mga diyus-diyosan, tulad ng iba sa kanila. Ayon sa nasusulat, “Naupo ang taong-bayan upang kumain at uminom, at tumayo upang sumayaw.” Huwag (G) tayong makiapid, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila, kaya't sa loob ng isang araw ay may dalawampu't tatlong libo ang namatay.[a] Huwag (H) nating subukin si Cristo na gaya ng ginawang pagsubok ng ilan sa kanila, kaya't sila'y nilipol ng mga ahas. 10 Huwag (I) din tayong magreklamo, gaya ng iba na nagreklamo, at sila'y pinuksa ng taga puksa. 11 Ang mga bagay na ito ay nangyari sa kanila bilang halimbawa, at isinulat bilang babala sa atin na inabutan ng katapusan ng mga panahon. 12 Kaya't ang nag-aakalang siya'y nakatayo ay mag-ingat na baka siya'y mabuwal. 13 Ang bawat tuksong nararanasan ninyo ay pawang karaniwan sa tao. Ngunit mapagkakatiwalaan ang Diyos, at hindi niya hahayaang kayo'y tuksuhin nang higit sa inyong makakaya; kundi kalakip ng tukso ay magbibigay siya ng paraan ng pag-iwas upang ito'y inyong makayanan.

14 Kaya, mga minamahal ko, layuan ninyo ang pagsamba sa diyus-diyosan. 15 Kinakausap ko kayo bilang matitinong tao; kayo na ang humatol sa sinasabi ko. 16 Ang (J) kopa ng pagpapala na ating pinagpapala, hindi ba ito'y pakikibahagi sa dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputul-putol, hindi ba ito'y pakikibahagi sa katawan ni Cristo? 17 Sapagkat may isang tinapay at tayong marami ay iisang katawan, sapagkat tayong lahat ay nakikibahagi sa iisang tinapay. 18 Tingnan (K) ninyo ang Israel ayon sa laman, hindi ba't ang mga kumakain ng mga alay ay kabahagi sa dambana? 19 Ano nga ang ibig kong sabihin? Na ang alay sa mga diyus-diyosan ay may kabuluhan? O ang diyus-diyosan ay may kabuluhan? 20 Hindi! (L) Sa halip, ang mga bagay na iniaalay ng mga pagano ay iniaalay nila sa mga demonyo at hindi sa Diyos, at ayaw kong kayo'y maging kabahagi ng mga demonyo. 21 Hindi ninyo maaaring inuman ang kopa ng Panginoon at pati ang kopa ng mga demonyo. Hindi kayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at sa hapag ng mga demonyo. 22 (M) Ibubunsod ba natin sa panibugho ang Panginoon? Mas malakas ba tayo kaysa kanya?

Gawin ang Lahat sa Ikaluluwalhati ng Diyos

23 “Maaaring gawin (N) ang lahat ng bagay,” ngunit hindi lahat ng bagay ay kapaki-pakinabang. “Maaaring gawin ang lahat ng bagay,” ngunit hindi lahat ay makapagpapatibay. 24 Huwag maghangad ang sinuman para sa kanyang sariling kapakanan kundi para sa kapakanan ng iba. 25 Kainin ninyo ang lahat ng ipinagbibili sa pamilihan nang walang pagtatanong dahil sa budhi, 26 sapagkat (O) “ang lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng naririto.” 27 Kung anyayahan kayo ng isa sa mga hindi sumasampalataya at nais ninyong pumunta, anumang ihain sa inyo ay kainin ninyo nang walang pagtatanong dahil sa budhi. 28 Ngunit kung may magsabi sa inyo, “Inialay ito bilang handog sa templo,” ay huwag ninyong kainin, alang-alang sa taong nagsabi, at dahil sa budhi. 29 Ang tinutukoy ko ay ang budhi niya, hindi ang sa iyo. Sapagkat bakit ang aking kalayaan ay hahatulan ng budhi ng iba? 30 Kung ako'y nakikisalo nang may pasasalamat sa Diyos, bakit ako'y pipintasan dahil sa bagay na aking ipinagpapasalamat? 31 Kaya kung kayo man ay kumakain o umiinom, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos. 32 Huwag kayong maging sanhi ng gulo para sa mga Judio, o sa mga Griyego, o sa iglesya ng Diyos, 33 katulad ng pagsisikap kong bigyang kasiyahan ang lahat ng tao sa lahat ng bagay, at hindi ko hinahangad ang sarili kong kapakanan, kundi ang kapakanan ng marami, upang sila'y maligtas.

Footnotes

  1. 1 Corinto 10:8 Sa Griyego, nabuwal.

前車之鑑

10 弟兄姊妹,我希望你們知道,我們的祖先曾經在雲下走過紅海, 都在雲下、在海中受洗跟從了摩西。 他們都吃過同樣的靈糧, 都喝過同樣的靈水,因為他們從那與他們同行的屬靈磐石中得水喝,那磐石就是基督。 儘管如此,他們當中大多數人不討上帝的喜悅,倒斃在曠野。

如今這些事正好警戒我們,叫我們不要像他們那樣貪戀罪惡, 也不要像他們當中的人那樣去祭拜偶像,正如聖經上說:「百姓坐下吃喝,起來狂歡。」 我們也不要淫亂,像他們當中的人那樣,結果一天就死了兩萬三千人。 也不要試探主,像他們當中的人那樣,結果被蛇咬死了。 10 也不要發怨言,像他們當中的人那樣,結果被滅命的天使毀滅了。 11 發生在他們身上的這些事都是鑑戒,之所以記錄下來是為了警戒我們這活在末世的人。 12 所以,自以為站得穩的人要小心,免得跌倒。

13 你們遇見的誘惑無非是人們常見的。上帝是信實的,祂絕不會讓你們遇見無法抵擋的誘惑,祂必為你們開一條出路,使你們經得住誘惑。

切勿祭拜偶像

14 所以,我親愛的弟兄姊妹,你們要遠避祭拜偶像的事。 15 你們都是明白事理的人,可以判斷我說的對不對。 16 領聖餐時,我們為那福杯獻上感謝,這不表示我們有份於基督的血嗎?我們吃掰開的餅,這不表示我們有份於基督的身體嗎? 17 我們人數雖多,卻同屬一個身體,因為我們同享一個餅。

18 你們看以色列人[a],那些吃祭物的難道不是有份於祭壇嗎? 19 我這話是什麼意思呢?是說偶像和祭偶像的食物有什麼特別嗎? 20 當然不是,我的意思是那些異教徒所獻的祭是祭鬼魔的,而不是獻給上帝的。我不願意你們與鬼魔有任何關係。 21 你們不能又喝主的杯又喝鬼魔的杯,不能又吃主的聖餐又吃祭鬼魔的食物。 22 我們想惹主嫉妒嗎?難道我們比祂更有能力嗎?

信徒的自由

23 凡事我都可以做,但並非事事都有益處;凡事我都可以行,但並非事事都造就人。 24 無論是誰,不要為自己謀利,要為別人謀利。

25 巿場上賣的肉,你們都可以吃,不必為良心的緣故而詢問什麼, 26 因為世界和其中的萬物都屬於主。 27 如果有非信徒邀請你們吃飯,你們又願意去,那麼,桌上擺的各樣食物,你們只管吃,不必為良心的緣故而詢問什麼。 28 不過,如果有人告訴你這些是獻給偶像的祭物,你為了那告訴你的人和良心的緣故,就不要吃。 29 不過我指的不是你的良心,而是那人的良心。或許有人說:「我的自由為什麼要受別人的良心限制呢? 30 如果我存感恩的心吃,為什麼還要受批評呢?」

31 所以,你們或吃或喝,無論做什麼,都要為上帝的榮耀而做。 32 不要成為猶太人、希臘人或上帝教會的絆腳石, 33 就像我凡事儘量讓人滿意,不求自己的好處,只求眾人的好處,以便他們可以得救。

Footnotes

  1. 10·18 以色列人」希臘文是「從血統上講是以色列人」。

10 Sapagka't hindi ko ibig mga kapatid, na di ninyo maalaman, (A)na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, (B)at ang lahat ay nagsitawid sa dagat;

At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat;

At (C)lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu;

At (D)lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.

Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Dios; (E)sapagka't sila'y ibinuwal sa ilang.

Ang mga bagay na ito nga'y pawang naging mga halimbawa sa atin, upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na (F)gaya naman nila na nagsipagnasa.

Ni huwag din naman kayong mapagsamba sa mga diosdiosan, gaya niyaong ilan sa kanila; ayon sa nasusulat, (G)Naupo ang bayan upang magsikain at magsiinom, at nagsitindig upang magsipagsayaw.

Ni huwag din naman tayong (H)makiapid, na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid, at ang (I)nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo.

Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at (J)nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas.

10 Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan, na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan, at (K)nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak.

11 Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at (L)pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon.

12 Kaya't (M)ang may akalang siya'y nakatayo, magingat na baka mabuwal.

13 Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't (N)tapat ang Dios, (O)na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis.

14 Kaya, mga minamahal ko, (P)magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan.

15 Ako'y nagsasalitang tulad (Q)sa marurunong; hatulan ninyo ang sinasabi ko.

16 Ang saro ng pagpapala (R)na ating pinagpapala, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputolputol, hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo?

17 Bagaman tayo'y marami, ay iisa lamang tinapay, (S)iisang katawan: sapagka't tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay.

18 Tingnan ninyo (T)ang Israel na ayon sa laman: (U)ang mga nagsisikain baga ng mga hain ay wala kayang pakikipagkaisa sa dambana?

19 Ano ang aking sinasabi? na ang hain baga sa mga diosdiosan ay may kabuluhan? (V)o ang diosdiosan ay may kabuluhan?

20 Subali't sinasabi ko, na ang mga bagay na inihahain (W)ng mga Gentil, ay kanilang inihahain sa mga demonio, at hindi sa Dios: at di ko ibig na kayo'y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonio.

21 Hindi ninyo maiinuman (X)ang saro ng Panginoon, at ang saro ng mga demonio: kayo'y hindi maaaring makisalo sa dulang ng Panginoon, at sa dulang ng mga demonio.

22 O (Y)minumungkahi baga natin sa paninibugho ang Panginoon? tayo baga'y lalong malakas kay sa kaniya?

23 Lahat ng mga bagay ay matuwid; (Z)nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat. Lahat ng mga bagay ay matuwid; nguni't hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay.

24 Huwag (AA)hanapin ninoman ang sa kaniyang sarili, kundi ang ikabubuti ng kapuwa.

25 Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman (AB)dahilan sa budhi;

26 Sapagka't ang lupa ay (AC)sa Panginoon, at ang kabuuan ng naririto.

27 Kung kayo'y aanyayahan ng isang hindi sumasampalataya, at ibig ninyong pumaroon; ang anomang ihain sa inyo ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi.

28 Datapuwa't kung sa inyo'y may magsabi, Ito'y inihandog na hain, ay huwag ninyong kanin, (AD)dahilan doon sa nagpahayag at dahilan sa budhi;

29 Budhi, sinasabi ko, hindi ang inyong sarili, kundi ang sa iba; sapagka't bakit (AE)hahatulan ang kalayaan ng budhi ng iba?

30 Kung nakikisalo ako na may pagpapasalamat,(AF)bakit ako'y aalipustain ng dahil sa aking ipinagpapasalamat?

31 Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, (AG)gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.

32 Huwag kayong magbigay ng dahilang ikatitisod, (AH)sa mga Judio man, sa mga Griego man, o sa (AI)iglesia man ng Dios:

33 Na gaya ko (AJ)din naman, na sa lahat ng mga bagay ay nagbibigay lugod ako sa lahat ng mga tao, na hindi ko hinahanap ang aking sariling kapakinabangan, kundi ang sa marami, upang sila'y (AK)mangaligtas.