1 Corinto 10
Ang Salita ng Diyos
Mga Babala Mula sa Kasaysayan ng Israel
10 Mga kapatid, hindi ko ibig na hindi kayo makaalam. Ang mga ninuno natin ay naliliman ng ulap at silang lahat ay tumawid sa dagat.
2 Lahat sila ay binawtismuhan kay Moises sa ulap at sa dagat. 3 Iisa ang kinain nilang espirituwal na pagkain. 4 Iisa ang ininom nilang espirituwal na inumin dahil uminom sila mula sa espirituwal na bato na sumunod sa kanila. Ang batong ito ay si Cristo. 5 Subalit, hindi nalugod ang Diyos sa marami sa kanila kaya sila ay ikinalat niya sa ilang.
6 Ang mga ito ay halimbawa sa atin upang hindi tayo maghangad ng masasamang bagay tulad nang naging paghahangad nila. 7 Huwag din nga kayong sumamba sa diyos-diyosan tulad ng ilan sa kanila. Ayon sa nasusulat:
Ang mga tao ay umuupo upang kumain at uminom. Sila ay tumitindig upang maglaro.
8 Huwag din nga tayong makiapid tulad ng ilan sa kanila na nakiapid. Sa loob ng isang araw dalawampu’t tatlong libo ang bumagsak sa kanila at namatay. 9 Huwag din nating subukin si Cristo tulad ng ginawang pagsubok ng ilan sa kanila. Sa pamamagitan ng mga ahas sila ay namatay. 10 Huwag din kayong laging bumubulong tulad ng ilan sa kanila na laging bumubulong at namatay sa pamamagitan ng mangwawasak.
11 Ang lahat ng mga bagay na ito ay nangyari upang maging halimbawa. Ito ay isinulat para maging babala sa atin na kung kanino ang mga katapusan ng mga kapanahunan ay dumating. 12 Kaya nga, siya na nag-aakalang nakatayo ay mag-ingat at baka siya ay bumagsak. 13 Walang pagsubok na dumating sa iyo maliban sa karaniwang pagsubok sa tao. Ang Diyos ay matapat, na hindi ka pababayaang masubok nang higit sa makakaya mo. Kasabay ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para makaligtas ka nang sa gayon, makayanan mo ang pagsubok.
Ang Hain sa Diyos-diyosan at ang Hapag ng Panginoon
14 Kaya nga, mga iniibig, lumayo nga kayo sa pagsamba sa diyos-diyosan.
15 Tulad sa matalinong tao ako ay nagsasalita. Hatulan ninyo ang aking sinasabi: 16 Ang saro ng pagpapala, na aming pinagpala, hindi ba ito ay ang pakikipag-isa sa dugo ni Cristo? Hindi ba ang tinapay na pinagputul-putol, hindi baito ay ang pakikipag-isa sa katawan ni Cristo? 17 Tayo bagamat marami ay iisang tinapay dahil tayong lahat ay nakikibahagi sa iisang tinapay.
18 Tingnan ninyo ang Israel ayon sa laman. Hindi ba sila na kumain ng hain ay kapwa kabahagi sa dambana? 19 Anong sasabihin ko? Sasabihin ko bang may kabuluhan ang diyos-diyosan o ang inihain sa mga diyos-diyosan ay may kabuluhan? 20 Sinasabi ko: Ang inihahain ng mga Gentil ay inihahain nila sa mga demonyo at hindi sa Diyos. Hindi ko ibig na kayo ay maging kapwa kabahagi ng mga demonyo. 21 Hindi ka makaiinom sa saro ng Panginoon at sa saro ng mga demonyo. Hindi ka makakabahagi sa hapag ng Panginoon at sa hapag ng mga demonyo. 22 Iniinggit ba natin ang Panginoon? Higit ba tayong malakas kaysa sa kaniya?
Ang Kalayaan ng Mananampalataya
23 Para sa akin, ang lahat ng bagay ay ayon sa kautusan, subalit hindi lahat ng mga bagay ay kapakipakinabang. Para sa akin ang lahat ng mga bagay ay ayon sa batas ngunit hindi lahat ng bagay ay nakakapagpatibay.
24 Huwag hangarin ng sinuman ang para sa sarili niya kundi ang para sa kapakanan ng iba.
25 Anumang ipinagbibili sa pamilihan ay kainin ninyo. Huwag nang magtanong alang-alang sa budhi. 26 Ito ay sapagkat
ang lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng kasaganaan nito.
27 Kapag ang sinuman sa mga hindi sumasampalataya ay mag-anyaya sa inyo, pumunta kayo kung ibig ninyo. Kainin ninyo ang lahat ng inihanda sa inyo. Huwag nang magtanong alang-alang sa budhi. 28 Kapag may nagsabi sa iyo: Ito ay inihain sa diyos-diyosan. Huwag kang kumain alang-alang sa kaniya na nagsabi sa iyo at alang-alang sa budhi sapagkat ang lupa ay sa Panginoon at ang kasaganaan nito. 29 Ang budhi na sinasabi ko ay hindi ang sa iyo kundi ang sa iba. Bakit hahatulan ng ibang budhi ang aking kalayaan? 30 Ako ay nakikibahagi nang may pasasalamat. Bakit ako nilalait sa mga bagay na pinasalamatan ko?
31 Kaya nga, kung kakain kayo, o iinom o anumang gagawin ninyo, gawin ninyo ang lahat ng bagay para sa kaluwalhatian ng Diyos. 32 Huwag kayong maging katitisuran kapwa sa mga Judio at sa mga Griyego at sa iglesiya ng Diyos. 33 Ako sa lahat ng bagay ay nagbibigay-lugod sa lahat. Hindi ko hinahangad ang sarili kong kapakinabangan, kundi ang kapakinabangan ng marami upang sila ay maligtas.
1 Corinto 10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Babala Laban sa Pagsamba sa Diyus-diyosan
10 Mga (A) kapatid, nais kong malaman ninyo na ang ating mga ninuno ay napasailalim ng ulap, at silang lahat ay tumawid sa dagat, 2 at lahat ay nabautismuhan kay Moises sa ulap at sa dagat. 3 Silang (B) lahat ay kumain ng parehong pagkaing espirituwal; 4 at (C) lahat ay uminom ng parehong inuming espirituwal. Sapagkat sila'y uminom mula sa batong espirituwal na sumunod sa kanila, at ang Batong iyon ay si Cristo. 5 Ngunit (D) hindi nasiyahan ang Diyos sa karamihan sa kanila, at sila'y pinuksa sa ilang. 6 Ang (E) mga bagay na ito'y nagsisilbing halimbawa sa atin, upang huwag tayong magnasa ng masasamang bagay katulad nila. 7 Huwag (F) kayong sumamba sa mga diyus-diyosan, tulad ng iba sa kanila. Ayon sa nasusulat, “Naupo ang taong-bayan upang kumain at uminom, at tumayo upang sumayaw.” 8 Huwag (G) tayong makiapid, gaya ng ginawa ng ilan sa kanila, kaya't sa loob ng isang araw ay may dalawampu't tatlong libo ang namatay.[a] 9 Huwag (H) nating subukin si Cristo na gaya ng ginawang pagsubok ng ilan sa kanila, kaya't sila'y nilipol ng mga ahas. 10 Huwag (I) din tayong magreklamo, gaya ng iba na nagreklamo, at sila'y pinuksa ng taga puksa. 11 Ang mga bagay na ito ay nangyari sa kanila bilang halimbawa, at isinulat bilang babala sa atin na inabutan ng katapusan ng mga panahon. 12 Kaya't ang nag-aakalang siya'y nakatayo ay mag-ingat na baka siya'y mabuwal. 13 Ang bawat tuksong nararanasan ninyo ay pawang karaniwan sa tao. Ngunit mapagkakatiwalaan ang Diyos, at hindi niya hahayaang kayo'y tuksuhin nang higit sa inyong makakaya; kundi kalakip ng tukso ay magbibigay siya ng paraan ng pag-iwas upang ito'y inyong makayanan.
14 Kaya, mga minamahal ko, layuan ninyo ang pagsamba sa diyus-diyosan. 15 Kinakausap ko kayo bilang matitinong tao; kayo na ang humatol sa sinasabi ko. 16 Ang (J) kopa ng pagpapala na ating pinagpapala, hindi ba ito'y pakikibahagi sa dugo ni Cristo? Ang tinapay na ating pinagpuputul-putol, hindi ba ito'y pakikibahagi sa katawan ni Cristo? 17 Sapagkat may isang tinapay at tayong marami ay iisang katawan, sapagkat tayong lahat ay nakikibahagi sa iisang tinapay. 18 Tingnan (K) ninyo ang Israel ayon sa laman, hindi ba't ang mga kumakain ng mga alay ay kabahagi sa dambana? 19 Ano nga ang ibig kong sabihin? Na ang alay sa mga diyus-diyosan ay may kabuluhan? O ang diyus-diyosan ay may kabuluhan? 20 Hindi! (L) Sa halip, ang mga bagay na iniaalay ng mga pagano ay iniaalay nila sa mga demonyo at hindi sa Diyos, at ayaw kong kayo'y maging kabahagi ng mga demonyo. 21 Hindi ninyo maaaring inuman ang kopa ng Panginoon at pati ang kopa ng mga demonyo. Hindi kayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at sa hapag ng mga demonyo. 22 (M) Ibubunsod ba natin sa panibugho ang Panginoon? Mas malakas ba tayo kaysa kanya?
Gawin ang Lahat sa Ikaluluwalhati ng Diyos
23 “Maaaring gawin (N) ang lahat ng bagay,” ngunit hindi lahat ng bagay ay kapaki-pakinabang. “Maaaring gawin ang lahat ng bagay,” ngunit hindi lahat ay makapagpapatibay. 24 Huwag maghangad ang sinuman para sa kanyang sariling kapakanan kundi para sa kapakanan ng iba. 25 Kainin ninyo ang lahat ng ipinagbibili sa pamilihan nang walang pagtatanong dahil sa budhi, 26 sapagkat (O) “ang lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng naririto.” 27 Kung anyayahan kayo ng isa sa mga hindi sumasampalataya at nais ninyong pumunta, anumang ihain sa inyo ay kainin ninyo nang walang pagtatanong dahil sa budhi. 28 Ngunit kung may magsabi sa inyo, “Inialay ito bilang handog sa templo,” ay huwag ninyong kainin, alang-alang sa taong nagsabi, at dahil sa budhi. 29 Ang tinutukoy ko ay ang budhi niya, hindi ang sa iyo. Sapagkat bakit ang aking kalayaan ay hahatulan ng budhi ng iba? 30 Kung ako'y nakikisalo nang may pasasalamat sa Diyos, bakit ako'y pipintasan dahil sa bagay na aking ipinagpapasalamat? 31 Kaya kung kayo man ay kumakain o umiinom, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos. 32 Huwag kayong maging sanhi ng gulo para sa mga Judio, o sa mga Griyego, o sa iglesya ng Diyos, 33 katulad ng pagsisikap kong bigyang kasiyahan ang lahat ng tao sa lahat ng bagay, at hindi ko hinahangad ang sarili kong kapakanan, kundi ang kapakanan ng marami, upang sila'y maligtas.
Footnotes
- 1 Corinto 10:8 Sa Griyego, nabuwal.
1 Corinthians 10
New King James Version
Old Testament Examples
10 Moreover, brethren, I do not want you to be unaware that all our fathers were under (A)the cloud, all passed through (B)the sea, 2 all were baptized into Moses in the cloud and in the sea, 3 all ate the same (C)spiritual food, 4 and all drank the same (D)spiritual drink. For they drank of that spiritual Rock that followed them, and that Rock was Christ. 5 But with most of them God was not well pleased, for their bodies (E)were scattered in the wilderness.
6 Now these things became our examples, to the intent that we should not lust after evil things as (F)they also lusted. 7 (G)And do not become idolaters as were some of them. As it is written, (H)“The people sat down to eat and drink, and rose up to play.” 8 (I)Nor let us commit sexual immorality, as (J)some of them did, and (K)in one day twenty-three thousand fell; 9 nor let us [a]tempt Christ, as (L)some of them also tempted, and (M)were destroyed by serpents; 10 nor complain, as (N)some of them also complained, and (O)were destroyed by (P)the destroyer. 11 Now [b]all these things happened to them as examples, and (Q)they were written for our [c]admonition, (R)upon whom the ends of the ages have come.
12 Therefore (S)let him who thinks he stands take heed lest he fall. 13 No temptation has overtaken you except such as is common to man; but (T)God is faithful, (U)who will not allow you to be tempted beyond what you are able, but with the temptation will also make the way of escape, that you may be able to [d]bear it.
Flee from Idolatry
14 Therefore, my beloved, (V)flee from idolatry. 15 I speak as to (W)wise men; judge for yourselves what I say. 16 (X)The cup of blessing which we bless, is it not the [e]communion of the blood of Christ? (Y)The bread which we break, is it not the communion of the body of Christ? 17 For (Z)we, though many, are one bread and one body; for we all partake of that one bread.
18 Observe (AA)Israel (AB)after the flesh: (AC)Are not those who eat of the sacrifices [f]partakers of the altar? 19 What am I saying then? (AD)That an idol is anything, or what is offered to idols is anything? 20 Rather, that the things which the Gentiles (AE)sacrifice (AF)they sacrifice to demons and not to God, and I do not want you to have fellowship with demons. 21 (AG)You cannot drink the cup of the Lord and (AH)the cup of demons; you cannot partake of the (AI)Lord’s table and of the table of demons. 22 Or do we (AJ)provoke the Lord to jealousy? (AK)Are we stronger than He?
All to the Glory of God(AL)
23 All things are lawful [g]for me, but not all things are (AM)helpful; all things are lawful for me, but not all things [h]edify. 24 Let no one seek his own, but each one (AN)the other’s well-being.
25 (AO)Eat whatever is sold in the meat market, asking no questions for conscience’ sake; 26 for (AP)“the earth is the Lord’s, and all its fullness.”
27 If any of those who do not believe invites you to dinner, and you desire to go, (AQ)eat whatever is set before you, asking no question for conscience’ sake. 28 But if anyone says to you, “This was offered to idols,” do not eat it (AR)for the sake of the one who told you, and for conscience’ sake; [i]for (AS)“the earth is the Lord’s, and all its fullness.” 29 “Conscience,” I say, not your own, but that of the other. For (AT)why is my liberty judged by another man’s conscience? 30 But if I partake with thanks, why am I evil spoken of for the food (AU)over which I give thanks?
31 (AV)Therefore, whether you eat or drink, or whatever you do, do all to the glory of God. 32 (AW)Give no offense, either to the Jews or to the Greeks or to the church of God, 33 just (AX)as I also please all men in all things, not seeking my own profit, but the profit of many, that they may be saved.
Footnotes
- 1 Corinthians 10:9 test
- 1 Corinthians 10:11 NU omits all
- 1 Corinthians 10:11 instruction
- 1 Corinthians 10:13 endure
- 1 Corinthians 10:16 fellowship or sharing
- 1 Corinthians 10:18 fellowshippers or sharers
- 1 Corinthians 10:23 NU omits for me
- 1 Corinthians 10:23 build up
- 1 Corinthians 10:28 NU omits the rest of v. 28.
Copyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

