1 Corinto 10:26-28
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
26 sapagkat (A) “ang lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng naririto.” 27 Kung anyayahan kayo ng isa sa mga hindi sumasampalataya at nais ninyong pumunta, anumang ihain sa inyo ay kainin ninyo nang walang pagtatanong dahil sa budhi. 28 Ngunit kung may magsabi sa inyo, “Inialay ito bilang handog sa templo,” ay huwag ninyong kainin, alang-alang sa taong nagsabi, at dahil sa budhi.
Read full chapter
1 Corinto 10:26-28
Ang Dating Biblia (1905)
26 Sapagka't ang lupa ay sa Panginoon, at ang kabuuan ng naririto.
27 Kung kayo'y aanyayahan ng isang hindi sumasampalataya, at ibig ninyong pumaroon; ang anomang ihain sa inyo ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi.
28 Datapuwa't kung sa inyo'y may magsabi, Ito'y inihandog na hain, ay huwag ninyong kanin, dahilan doon sa nagpahayag at dahilan sa budhi;
Read full chapter
1 Corinto 10:26-28
Ang Biblia, 2001
26 sapagkat(A) “ang lupa ay sa Panginoon at ang lahat ng naririto.”
27 Kung kayo'y anyayahan ng isang hindi sumasampalataya at ibig ninyong pumunta, ang anumang ihain sa inyo ay kainin ninyo na walang pagtatanong dahil sa budhi.
28 Subalit kung sa inyo'y may magsabi, “Ito'y inialay bilang handog,” ay huwag ninyong kainin, alang-alang sa taong nagsabi, at dahilan sa budhi.
Read full chapter
1 Corinto 10:26-28
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
26 Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, “Ang mundo at ang lahat ng naroroon ay pag-aari ng Panginoon.”
27 Kung imbitahan kayo ng isang hindi mananampalataya sa isang salo-salo at gusto ninyong dumalo, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo nang hindi na nagtatanong kung ito baʼy inihandog sa mga dios-diosan o hindi, upang hindi na kayo usigin ng inyong konsensya. 28 Ngunit kung sinabihan kayo na ang pagkain ay inihandog sa mga dios-diosan, huwag na kayong kumain, alang-alang sa nagsabi nito sa inyo, upang walang mabalisang konsensya.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®