1 Corinto 1:23-25
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
23 subalit ang Cristong ipinako sa krus ang ipinapangaral namin. Para sa mga Judio ito ay katitisuran at sa mga Hentil naman ay kahangalan. 24 Ngunit para sa mga tinawag, Judio man o Griyego, si Cristo ang kapangyarihan ng Diyos at ang karunungan ng Diyos. 25 Sapagkat ang itinuturing na kahangalan ng Diyos ay higit sa karunungan ng mga tao, at ang itinuturing na kahinaan ng Diyos ay higit sa kalakasan ng mga tao.
Read full chapter
1 Corinto 1:23-25
Ang Biblia, 2001
23 subalit ipinangangaral namin ang Cristo na ipinako sa krus, na isang katitisuran sa mga Judio at kahangalan sa mga Hentil,
24 ngunit sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griyego, si Cristo ang kapangyarihan ng Diyos at ang karunungan ng Diyos.
25 Sapagkat ang kahangalan ng Diyos ay higit na matalino kaysa mga tao, at ang kahinaan ng Diyos ay higit na malakas kaysa mga tao.
Read full chapter
1 Corinto 1:23-25
Ang Biblia (1978)
23 Datapuwa't ang (A)aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus, na sa mga Judio ay (B)katitisuran, at sa mga Gentil ay kamangmangan;
24 Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang (C)kapangyarihan ng Dios, at (D)ang karunungan ng Dios.
25 Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
