Lucas 19
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Si Jesus at si Zaqueo
19 Pumasok at nagdaan si Jesus sa Jerico. 2 May isang lalaki doon na ang pangalan ay Zaqueo. Siya ay pinuno ng mga maniningil ng buwis at mayaman. 3 Sinisikap niyang makita kung sino si Jesus, subalit dahil sa dami ng tao ay hindi niya ito makita sapagkat siya ay pandak. 4 Kaya't patakbo siyang nauna at umakyat sa puno ng sikomoro, sapagkat si Jesus ay malapit nang dumaan doon. 5 Pagdating ni Jesus sa tapat niyon, tumingala siya at sinabi kay Zaqueo, “Zaqueo, dalian mo, bumaba ka sapagkat ngayo'y kailangan kong tumuloy sa iyong bahay.” 6 Kaya't nagmamadaling bumaba si Zaqueo at tuwang-tuwang pinatuloy si Jesus sa kanyang bahay. 7 Ang lahat ng nakakita nito ay nagsimulang magbulungan, “Pumasok siya upang maging panauhin sa bahay ng isang makasalanan.” 8 Tumayo si Zaqueo at sinabi sa Panginoon, “Panginoon, masdan po ninyo, ibibigay ko sa mahihirap ang kalahati ng aking pag-aari. At kung mayroon man akong dinaya, ibabalik ko iyon nang apat na ulit.” 9 At sinabi sa kanya ni Jesus, “Sa araw na ito, ang kaligtasan ay dumating sa bahay na ito, sapagkat ang taong ito ay anak din ni Abraham. 10 Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang naligaw.”
Ang Talinghaga ng Sampung Gintong Salapi(A)
11 Habang pinakikinggan nila ang mga ito, isinalaysay pa ni Jesus ang isang talinghaga, sapagkat malapit na siya sa Jerusalem at inaakala nilang ang paghahari ng Diyos ay kaagad mahahayag. 12 Kaya sinabi niya, “Isang maharlikang tao ang pumunta sa malayong lugar upang maging hari, at pagkatapos ay bumalik. 13 Bago umalis, tinawag niya ang sampu niyang alipin, binigyan ang mga ito ng gintong salapi[a] at sinabi sa kanila, ‘Gamitin ninyo ito sa negosyo hanggang sa aking pagbabalik.’ 14 Ngunit kinapootan naman siya ng mga mamamayan at nagsugo ang mga ito ng kinatawan na nagsabing, ‘Ayaw naming maging hari ang taong ito.’ 15 At nang sumapit ang kanyang pagbabalik pagkatapos niyang maging hari, pinatawag niya ang kanyang mga aliping binigyan niya ng salapi upang alamin kung ano ang tinubo nila sa pangangalakal. 16 At lumapit ang una na nagsabi, ‘Panginoon, ang inyong gintong salapi ay tumubo ng sampu.’ 17 Kaya sinabi niya sa kanya, ‘Magaling, mabuting alipin! Sapagkat naging tapat ka sa kaunti, mamahala ka sa sampung lungsod.’ 18 Lumapit ang ikalawa at nagsabi, ‘Panginoon, tumubo ng lima ang inyong gintong salapi.’ 19 At sinabi rin niya rito, ‘Ikaw naman, mamahala ka sa limang lungsod.’ 20 Lumapit ang isa pang alipin at nagsabi, ‘Panginoon, narito po ang inyong gintong salapi na aking ibinalot sa panyo. 21 Sapagkat natakot po ako sa inyo dahil kayo ay isang taong mahigpit. Kinukuha ninyo ang hindi ninyo itinabi, at inaani ninyo ang hindi ninyo itinanim.’ 22 Sumagot ang hari, ‘Masamang alipin! Sa iyong bibig na rin nanggaling ang aking hatol sa iyo. Alam mo na palang ako ay mahigpit, na kinukuha ko ang hindi ko itinabi at inaani ko ang hindi ko itinanim, 23 bakit hindi mo man lang inilagay sa bangko ang salapi? Nang sa gayon, sa aking pagbabalik ay kumita man lang ako sa tubo nito.’ 24 At sinabi niya sa mga nakatayo roon, ‘Kunin ninyo sa taong ito ang gintong salapi at ibigay sa may sampu.’ 25 Sinabi nila sa kanya, ‘Panginoon, mayroon na po siyang sampu.’ 26 ‘Sinasabi ko sa inyo, bibigyan pa ang sinumang mayroon na, ngunit ang wala, kahit ang nasa kanya ay kukunin pa. 27 Tungkol naman sa aking mga kaaway na ayaw na ako'y maghari sa kanila, dalhin ninyo sila rito at patayin sila sa aking harapan.’ ”
Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem(B)
28 Pagkasabi nito, nagpatuloy si Jesus sa pag-akyat sa Jerusalem. 29 Nang malapit na siya sa Betfage at Betania, sa lugar na tinatawag na Bundok ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawa sa mga alagad. 30 Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Sa pagpasok ninyo roo'y makikita ninyo ang isang batang asno na nakatali na hindi pa nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 31 Kung may magtanong sa inyo, ‘Bakit ninyo kinakalagan iyan?’ ganito ang sabihin ninyo, ‘Kailangan ito ng Panginoon.’ ” 32 Sumunod ang mga inutusan, at natagpuan nga nila ang asno ayon sa sinabi sa kanila. 33 Habang kinakalagan nila ang batang asno ay tinanong sila ng may-ari nito, “Bakit ninyo kinakalagan ang batang asno?” 34 Kaya't sinabi nila, “Kailangan ito ng Panginoon.” 35 Dinala nila ang batang asno kay Jesus at matapos ilagay sa likod nito ang kanilang mga balabal, siya ay pinasakay nila dito. 36 Samantalang siya'y nakasakay sa batang asno, inilalatag naman ng mga tao ang kanilang damit sa daan. 37 Nang malapit na siya sa daan pababa sa Bundok ng mga Olibo, ang lahat ng napakaraming mga alagad ay nagsimulang magsaya at magpuri sa Diyos nang pasigaw tungkol sa nasaksihan nilang mga kababalaghan. 38 Sinabi nila,
“Pinagpala ang Haring dumarating sa pangalan ng Panginoon!
Kapayapaan sa langit at luwalhati sa kataas-taasan.”
39 Ilan sa mga Fariseo na nasa karamihan ay nagsabi sa kanya, “Guro! Sawayin mo ang iyong mga alagad.” 40 Ngunit sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa inyo, kung tatahimik ang mga ito, magsisigawan ang mga bato.” 41 Nang papalapit na siya sa Jerusalem at natatanaw na niya ang lungsod, ito'y kanyang tinangisan. 42 Sinabi niya, “Kung alam mo lang sana sa araw na ito kung ano ang magdudulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit ngayon, itinago ang mga ito sa iyong mga mata. 43 Sapagkat darating sa iyo ang mga araw na magtatayo ng moog ang iyong mga kaaway at palilibutan ka nila at lulusubin ka nila sa bawat panig. 44 Ibabagsak ka nila sa lupa, ikaw at ang iyong mga anak na nasa iyo. Wala silang ititirang bato na nasa ibabaw ng ibang bato; sapagkat hindi mo kinilala ang panahon ng pagdalaw sa iyo ng Diyos.”
Nilinis ni Jesus ang Templo(C)
45 Pumasok si Jesus sa templo, at sinimulan niyang itaboy ang mga nagtitinda roon. 46 Sinasabi niya sa kanila, “Nasusulat,
‘Ang tahanan ko ay magiging bahay-dalanginan;’
ngunit ginawa ninyo itong pugad ng mga magnanakaw.”
47 Araw-araw siyang nangangaral sa templo. Sinikap siyang patayin ng mga punong pari, ng mga tagapagturo ng Kautusan, at ng mga pinuno ng bayan, 48 ngunit wala silang matagpuang paraan upang maisagawa ito sapagkat ang mga tao ay nakatuon sa pakikinig sa kanya.
Footnotes
- Lucas 19:13 Sa Griyego, mina, ang katumbas ay humigit-kumulang sa tatlong buwang sahod ng isang karaniwang manggagawa.
路加福音 19
Chinese Contemporary Bible (Traditional)
撒該悔改
19 耶穌進了耶利哥,正從城裡經過。 2 有個人名叫撒該,是稅吏長,家財豐厚。 3 他想看看耶穌,可是因為周圍人多,他身材矮小,無法看見。 4 他便跑到前面,爬上一棵桑樹觀看,因為耶穌會從那裡經過。
5 耶穌走到那裡,抬頭招呼他說:「撒該,快下來!今天我要住在你家。」
6 撒該連忙爬下來,興高采烈地帶耶穌回家。 7 百姓見狀,都埋怨說:「祂怎麼到一個罪人家裡作客?」
8 撒該站起來對主說:「主啊,我要把我一半的財產分給窮人。我欺騙過誰,就還誰四倍。」
9 耶穌說:「今天救恩臨到這家了,因為他也是亞伯拉罕的子孫。 10 人子來是要尋找和拯救迷失的人。」
十個奴僕的比喻
11 眾人在聽的時候,耶穌又為他們講了一個比喻,因為祂快到耶路撒冷了,人們以為上帝的國馬上就要降臨了。
12 耶穌說:「有一位貴族要到遠方去受封為王,然後返回。 13 臨行前,他召集了十個奴僕,發給每人一千個銀幣,吩咐他們,『你們在我出門期間要用這些錢做生意。』
14 「可是他的人民卻憎恨他,他們隨後派一個代表團去請願說,『我們不要這人作我們的王。』
15 「那貴族受封為王回來後,召齊十個奴僕,想知道他們做生意賺了多少。 16 第一個奴僕上前稟告說,『主啊,我用你給我的一千個銀幣賺了一萬個銀幣。』
17 「主人說,『好,你真是個好奴僕!你既然在小事上忠心,就派你管理十座城。』
18 「第二個奴僕上前說,『主啊,我用你給我的一千個銀幣賺了五千個銀幣。』
19 「主人說,『我派你管理五座城。』
20 「另一個奴僕上前說,『主啊,這是你先前給我的一千個銀幣,我一直把它包在手帕裡。 21 因為你很嚴厲,沒有存還要取,沒有種還要收,所以我怕你。』
22 「主人聽了,對那奴僕說,『你這個惡奴僕!我要按你自己的話定你的罪。你既然知道我很嚴厲,沒有存還要取,沒有種還要收, 23 為什麼不把我的銀幣存進錢莊,到我回來時可以連本帶利收回來?』
24 「接著,他吩咐站在旁邊的奴僕,『收回他那一千個銀幣,賞給那個賺了一萬銀幣的。』
25 「他們說,『主啊,那個人已經有一萬銀幣了。』
26 「主人答道,『我告訴你們,凡有的,還要給他更多;凡沒有的,連他僅有的也要奪走。 27 至於那些反對我作王的仇敵,把他們捉回來,在我面前處決。』」
騎驢進耶路撒冷
28 耶穌說完這個比喻,就走在眾人前面上耶路撒冷去。
29 快到橄欖山附近的伯法其和伯大尼時,耶穌派了兩個門徒,說: 30 「你們去前面的村莊,進村的時候,必看見一頭從來沒有人騎過的驢駒拴在那裡,你們把牠解開牽來。 31 若有人問你們為什麼把牠解開,就說,『主要用牠。』」
32 兩個門徒出去後,所遇見的情形正如耶穌所說的。 33 當他們解開驢駒時,主人果然問他們:「你們為什麼解開驢駒?」
34 他們說:「主要用牠。」
35 他們牽著驢駒回去見耶穌,又把自己的外衣搭在驢背上,扶耶穌上驢。
36 耶穌騎著驢前行,眾人用外衣為祂鋪路。 37 祂正走下橄欖山,將近耶路撒冷的時候,眾門徒因為以往所見的神蹟奇事,就歡騰起來,高聲讚美上帝:
38 「奉主名來的王當受稱頌!
天上有平安,至高處有榮耀!」
39 百姓中有幾個法利賽人對耶穌說:「老師,你要責備你的門徒。」
40 耶穌說:「我告訴你們,如果他們閉口不言,這些石頭都要呼喊了!」
為耶路撒冷哀哭
41 耶穌快到耶路撒冷時,看見那城就哀哭, 42 說:「今天你若知道那能帶給你平安的事就好了!可惜這事現在是隱藏的,你看不見! 43 因為有一天敵人要在你周圍築起壁壘把你團團圍住,四面攻擊你。 44 他們要把你夷為平地,毀滅你城牆裡的兒女,不會留下兩塊疊在一起的石頭,因為你沒有認識到上帝眷顧你的時刻。」
耶穌潔淨聖殿
45 耶穌進入聖殿趕走裡面做買賣的人, 46 並對他們說:「聖經上說,『我的殿要成為禱告的殿』,你們竟把它變成了賊窩。」
47 祂天天在聖殿教導人,祭司長、律法教師和百姓的官長都想殺祂, 48 只是無從下手,因為百姓都十分喜愛聽祂講道。
Luke 19
New International Version
Zacchaeus the Tax Collector
19 Jesus entered Jericho(A) and was passing through. 2 A man was there by the name of Zacchaeus; he was a chief tax collector and was wealthy. 3 He wanted to see who Jesus was, but because he was short he could not see over the crowd. 4 So he ran ahead and climbed a sycamore-fig(B) tree to see him, since Jesus was coming that way.(C)
5 When Jesus reached the spot, he looked up and said to him, “Zacchaeus, come down immediately. I must stay at your house today.” 6 So he came down at once and welcomed him gladly.
7 All the people saw this and began to mutter, “He has gone to be the guest of a sinner.”(D)
8 But Zacchaeus stood up and said to the Lord,(E) “Look, Lord! Here and now I give half of my possessions to the poor, and if I have cheated anybody out of anything,(F) I will pay back four times the amount.”(G)
9 Jesus said to him, “Today salvation has come to this house, because this man, too, is a son of Abraham.(H) 10 For the Son of Man came to seek and to save the lost.”(I)
The Parable of the Ten Minas(J)
11 While they were listening to this, he went on to tell them a parable, because he was near Jerusalem and the people thought that the kingdom of God(K) was going to appear at once.(L) 12 He said: “A man of noble birth went to a distant country to have himself appointed king and then to return. 13 So he called ten of his servants(M) and gave them ten minas.[a] ‘Put this money to work,’ he said, ‘until I come back.’
14 “But his subjects hated him and sent a delegation after him to say, ‘We don’t want this man to be our king.’
15 “He was made king, however, and returned home. Then he sent for the servants to whom he had given the money, in order to find out what they had gained with it.
16 “The first one came and said, ‘Sir, your mina has earned ten more.’
17 “‘Well done, my good servant!’(N) his master replied. ‘Because you have been trustworthy in a very small matter, take charge of ten cities.’(O)
18 “The second came and said, ‘Sir, your mina has earned five more.’
19 “His master answered, ‘You take charge of five cities.’
20 “Then another servant came and said, ‘Sir, here is your mina; I have kept it laid away in a piece of cloth. 21 I was afraid of you, because you are a hard man. You take out what you did not put in and reap what you did not sow.’(P)
22 “His master replied, ‘I will judge you by your own words,(Q) you wicked servant! You knew, did you, that I am a hard man, taking out what I did not put in, and reaping what I did not sow?(R) 23 Why then didn’t you put my money on deposit, so that when I came back, I could have collected it with interest?’
24 “Then he said to those standing by, ‘Take his mina away from him and give it to the one who has ten minas.’
25 “‘Sir,’ they said, ‘he already has ten!’
26 “He replied, ‘I tell you that to everyone who has, more will be given, but as for the one who has nothing, even what they have will be taken away.(S) 27 But those enemies of mine who did not want me to be king over them—bring them here and kill them in front of me.’”
Jesus Comes to Jerusalem as King(T)(U)
28 After Jesus had said this, he went on ahead, going up to Jerusalem.(V) 29 As he approached Bethphage and Bethany(W) at the hill called the Mount of Olives,(X) he sent two of his disciples, saying to them, 30 “Go to the village ahead of you, and as you enter it, you will find a colt tied there, which no one has ever ridden. Untie it and bring it here. 31 If anyone asks you, ‘Why are you untying it?’ say, ‘The Lord needs it.’”
32 Those who were sent ahead went and found it just as he had told them.(Y) 33 As they were untying the colt, its owners asked them, “Why are you untying the colt?”
34 They replied, “The Lord needs it.”
35 They brought it to Jesus, threw their cloaks on the colt and put Jesus on it. 36 As he went along, people spread their cloaks(Z) on the road.
37 When he came near the place where the road goes down the Mount of Olives,(AA) the whole crowd of disciples began joyfully to praise God in loud voices for all the miracles they had seen:
“Peace in heaven and glory in the highest!”(AC)
39 Some of the Pharisees in the crowd said to Jesus, “Teacher, rebuke your disciples!”(AD)
40 “I tell you,” he replied, “if they keep quiet, the stones will cry out.”(AE)
41 As he approached Jerusalem and saw the city, he wept over it(AF) 42 and said, “If you, even you, had only known on this day what would bring you peace—but now it is hidden from your eyes. 43 The days will come upon you when your enemies will build an embankment against you and encircle you and hem you in on every side.(AG) 44 They will dash you to the ground, you and the children within your walls.(AH) They will not leave one stone on another,(AI) because you did not recognize the time of God’s coming(AJ) to you.”
Jesus at the Temple(AK)
45 When Jesus entered the temple courts, he began to drive out those who were selling. 46 “It is written,” he said to them, “‘My house will be a house of prayer’[c];(AL) but you have made it ‘a den of robbers.’[d]”(AM)
47 Every day he was teaching at the temple.(AN) But the chief priests, the teachers of the law and the leaders among the people were trying to kill him.(AO) 48 Yet they could not find any way to do it, because all the people hung on his words.
Footnotes
- Luke 19:13 A mina was about three months’ wages.
- Luke 19:38 Psalm 118:26
- Luke 19:46 Isaiah 56:7
- Luke 19:46 Jer. 7:11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.