提多书 2
Chinese New Version (Simplified)
要传讲纯正的道理
2 至于你,你应当讲合乎纯正的道理。 2 劝年老的男人要有节制、庄重、自律,在信心、爱心、忍耐上都要健全。 3 照样,劝年老的妇女行为要敬虔,不说谗言,不被酒奴役,用善道教导人, 4 好提醒年轻的妇女爱丈夫爱儿女, 5 并且自律、贞洁、理家、善良、顺从自己的丈夫,免得 神的道受毁谤。 6 照样,劝年轻的男子要自律。 7 无论在甚么事上你都要显出好行为的榜样,在教导上要纯全,要庄重, 8 言词要纯正,无可指摘,使反对的人因为无从毁谤,就自觉惭愧。 9 作奴仆的,要凡事顺服自己的主人,讨他欢喜,不要顶嘴。 10 不要私取财物,却要显示绝对的诚实,好使我们救主 神的道理,在凡事上都得着尊荣。
11 神拯救万人的恩典已经显明出来了。 12 这恩典训练我们除去不敬虔的心,和属世的私欲,在今生过着自律、公正、敬虔的生活, 13 等候那有福的盼望,就是我们伟大的 神,救主耶稣基督荣耀的显现。 14 他为我们舍己,为的是要救赎我们脱离一切不法的事,并且洁净我们作他自己的子民,热心善工。 15 你要传讲这些事,运用各样的权柄去劝戒人,责备人;不要让人轻看你。
Tito 2
Ang Biblia (1978)
2 Nguni't magsalita ka ng mga bagay na nauukol sa aral na (A)magaling:
2 Na ang matatandang lalake ay maging mapagpigil, (B)mahusay, mahinahon ang pagiisip, (C)magagaling sa (D)pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis:
3 Na gayon din ang matatandang babae (E)ay maging magalang sa kanilang kilos, hindi palabintangin ni paalipin man sa maraming alak, mga guro ng kabutihan;
4 Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na (F)magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon,
5 Mangagpakahinahon, mangagpakalinis, mangagpakasipag sa bahay, magagandang-loob, pasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang (G)salita ng Dios:
6 Iaral mo rin naman sa mga bagong tao na sila'y mangagpakahinahon ng pagiisip:
7 Sa lahat ng mga bagay ay magpakilala kang ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong aral ay ipakilala mo ang walang kamalian ang kahusayan,
8 Pangungusap na magaling, (H)na di mahahatulan; (I)upang sila na nasa kabilang panig ay mahiya, nang walang anomang masamang masabi tungkol sa atin.
9 Iaral mo sa mga (J)alipin na sila'y pasakop sa kanikaniyang Panginoon, at kanilang kalugdan sa lahat ng mga bagay; at huwag mga masagutin;
10 Huwag mangagdaya, kundi mangagpakita ng buong buting pagtatapat; upang pamutihan sa lahat ng mga bagay (K)ang aral ng Dios na (L)ating Tagapagligtas.
11 Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao,
12 Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan (M)at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutan ito;
13 Na hintayin yaong (N)mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng (O)kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;
14 Na siyang (P)nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, (Q)upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili (R)ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pagaari.
15 Ang mga bagay na ito ay iyong salitain at iaral at isaway ng buong kapangyarihan. (S)Sinoman ay huwag humamak sa iyo.
Tito 2
Ang Biblia, 2001
Ang Mahusay na Aral
2 Ngunit ikaw naman, magsalita ka ng mga bagay na angkop sa mahusay na aral.
2 Ang matatandang lalaki ay dapat maging mapagpigil sa sarili, kagalang-galang, matino, malakas sa pananampalataya, sa pag-ibig, at sa pagtitiis.
3 Sabihan mo rin ang matatandang babae na maging magalang sa kanilang asal, hindi mapanirang-puri, ni paalipin man sa alak; dapat silang magturo ng kabutihan,
4 upang kanilang maturuan ang mga kabataang babae na ibigin ang kani-kanilang mga asawa, ibigin ang kanilang mga anak,
5 maging matino, dalisay, masipag sa gawaing bahay, mabait, na nagpapasakop sa kani-kanilang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Diyos.
6 Gayundin naman, himukin mo ang mga kabataang lalaki na maging matino sa pag-iisip.
7 Sa lahat ng mga bagay ay ipakita mo ang iyong sarili na isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong pagtuturo ay magpakita ka ng katapatan, pagiging kagalang-galang,
8 wastong pananalita na hindi mapipintasan, upang ang kalaban ay mapahiya, na walang anumang masamang masasabi tungkol sa atin.
9 Ang mga alipin ay magpasakop sa kanilang mga panginoon at magbigay ng kasiyahan sa lahat ng mga bagay, at huwag maging palasagot,
10 ni huwag mangungupit, kundi magpakita ng lubos at tunay na katapatan, upang sa lahat ng bagay ay mapalamutian nila ang aral ng Diyos na ating Tagapagligtas.
11 Sapagkat nagpakita ang biyaya ng Diyos, na nagdadala ng kaligtasan sa lahat ng tao,
12 na nagtuturo sa atin na matapos itakuwil ang kasamaan, at mga makamundong pagnanasa, ay dapat tayong mamuhay nang may katinuan, matuwid at banal sa kasalukuyang panahon,
13 habang hinihintay natin ang mapalad na pag-asa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
14 Siya(A) ang nagbigay ng kanyang sarili alang-alang sa atin, upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at pakalinisin para sa kanyang sarili ang sambayanang pag-aari niya na masigasig sa mabubuting gawa.
15 Ipahayag mo ang mga bagay na ito. Mangaral ka at sumaway na may buong kapamahalaan. Huwag mong hayaang hamakin ka ng sinuman.
Tito 2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Wastong Aral
2 Subalit ikaw naman, magturo ka nang ayon sa tamang aral. 2 Turuan mo ang matatandang lalaki na maging mahinahon, marangal, mapagpigil sa sarili, at maging matatag sa pananampalataya, sa pag-ibig, at sa pagtitiis. 3 Sabihan mo rin ang matatandang babae na mamuhay na kagalang-galang, huwag maninirang-puri at huwag maging mahilig sa alak. Dapat silang magturo ng kabutihan 4 upang maturuan nila ang mga kabataang babae na mahalin ang kanilang asawa at mga anak, 5 maging mahinahon at dalisay, mahusay mamahala ng kanyang tahanan, mabait, masunurin sa kani-kanilang asawa upang hindi mapulaan ang salita ng Diyos. 6 Turuan mo rin ang mga kabataang lalaki na magpigil sa sarili. 7 Sa lahat ng bagay ay maging halimbawa ka ng kabutihan. Maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo. 8 Angkop na salita ang dapat mong gamitin upang hindi mapintasan ang itinuturo mo. Sa gayo'y mapapahiya ang mga kumakalaban sapagkat wala silang masasabing masama laban sa atin. 9 Turuan mo ang mga alipin na magpasakop at maging kalugud-lugod sa kanilang mga panginoon. Hindi rin sila dapat nakikipagtalo sa mga ito, 10 at hindi dapat pagnakawan. Sa halip, ipakita nilang mapagkakatiwalaan sila sa lahat ng pagkakataon upang maipakita nila sa kanilang ginagawa na kaakit-akit ang turo tungkol sa Diyos na ating Tagapagligtas.
11 Sapagkat nahayag na ang kagandahang-loob ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao. 12 Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at mga pagnanasang makasanlibutan, upang mabuhay tayong may pagpipigil sa sarili, matuwid at maka-Diyos sa kasalukuyang panahon, 13 habang hinihintay natin ang katuparan ng ating mapagpalang pag-asa, ang maluwalhating pagdating ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. 14 Siya (A) ang naghandog ng kanyang sarili para sa atin upang tayo'y palayain sa lahat ng kasamaan, at linisin upang maging sambayanang kanyang pag-aari at masigasig sa paggawa ng mabuti. 15 Ituro mo ang lahat ng ito. Gamitin mo ang iyong kapangyarihan upang magpalakas ng loob ng tao at sa pagsaway. Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
