Add parallel Print Page Options

11 那时,天下人的口音、言语都是一样。 他们往东边迁移的时候,在示拿地遇见一片平原,就住在那里。 他们彼此商量说:“来吧!我们要做砖,把砖烧透了。”他们就拿砖当石头,又拿石漆当灰泥。 他们说:“来吧!我们要建造一座城和一座塔,塔顶通天,为要传扬我们的名,免得我们分散在全地上。” 耶和华降临,要看看世人所建造的城和塔。

变乱口音

耶和华说:“看哪,他们成为一样的人民,都是一样的言语,如今既做起这事来,以后他们所要做的事就没有不成就的了。 我们下去,在那里变乱他们的口音,使他们的言语彼此不通。” 于是,耶和华使他们从那里分散在全地上,他们就停工不造那城了。 因为耶和华在那里变乱天下人的言语,使众人分散在全地上,所以那城名叫巴别[a]

10 的后代记在下面。洪水以后二年,一百岁生了亚法撒 11 亚法撒之后,又活了五百年,并且生儿养女。 12 亚法撒活到三十五岁,生了沙拉 13 亚法撒沙拉之后,又活了四百零三年,并且生儿养女。 14 沙拉活到三十岁,生了希伯 15 沙拉希伯之后,又活了四百零三年,并且生儿养女。 16 希伯活到三十四岁,生了法勒 17 希伯法勒之后,又活了四百三十年,并且生儿养女。 18 法勒活到三十岁,生了拉吴 19 法勒拉吴之后,又活了二百零九年,并且生儿养女。 20 拉吴活到三十二岁,生了西鹿 21 拉吴西鹿之后,又活了二百零七年,并且生儿养女。 22 西鹿活到三十岁,生了拿鹤 23 西鹿拿鹤之后,又活了二百年,并且生儿养女。 24 拿鹤活到二十九岁,生了他拉 25 拿鹤他拉之后,又活了一百一十九年,并且生儿养女。 26 他拉活到七十岁,生了亚伯兰拿鹤哈兰

亚伯兰离吾珥往迦南

27 他拉的后代记在下面。他拉亚伯兰拿鹤哈兰哈兰罗得 28 哈兰死在他的本地迦勒底吾珥,在他父亲他拉之先。 29 亚伯兰拿鹤各娶了妻:亚伯兰的妻子名叫撒莱拿鹤的妻子名叫密迦,是哈兰的女儿,哈兰密迦亦迦的父亲。 30 撒莱不生育,没有孩子。 31 他拉带着他儿子亚伯兰和他孙子哈兰的儿子罗得,并他儿妇亚伯兰的妻子撒莱,出了迦勒底吾珥,要往迦南地去。他们走到哈兰,就住在那里。 32 他拉共活了二百零五岁,就死在哈兰

Footnotes

  1. 创世记 11:9 就是“变乱”的意思。

Ang tore ni Babel.

11 At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita.

At nangyari, na, sa kanilang paglalakbay sa silanganan, ay nakasumpong sila ng isang kapatagan sa (A)lupain ng Sinar; at sila'y nanahan doon.

At nagsangusapang, Halikayo! tayo'y gumawa ng mga laryo, at ating lutuing mabuti. At inari nilang bato ang laryo (B)at ang betun ay inaring argamasa.

At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, (C)na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa.

Pagkakaroon ng iba't ibang wika.

(D)At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao.

At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga'y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin.

Halikayo! tayo'y (E)bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita.

(F)Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa (G)ibabaw ng buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan.

Kaya ang pangalang itinawag ay Babel; sapagka't doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa.

Mga inanak ni Sem.

10 (H)Ito ang sali't saling lahi ni Sem. May isang daan taon si Sem at naging anak si Arphaxad, dalawang taon pagkatapos ng bahang gumunaw,

11 At nabuhay si Sem, pagkatapos na maipanganak si Arphaxad, ng limang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

12 At nabuhay si Arphaxad, ng tatlong pu't limang taon, at naging anak si Sala.

13 At nabuhay si Arphaxad pagkatapos na maipanganak si Sala, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

14 At nabuhay si Sala ng tatlong pung taon, at naging anak si Heber:

15 At nabuhay si Sala pagkatapos na maipanganak si Heber, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

16 (I)At nabuhay si Heber ng tatlong pu't apat na taon, at naging anak si Peleg:

17 At nabuhay si Heber pagkatapos na maipanganak si Peleg, ng apat na raan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

18 At nabuhay si Peleg ng tatlong pung taon, at naging anak si Reu:

19 At nabuhay si Peleg pagkatapos na maipanganak si Reu, ng dalawang daan at siyam na taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

20 At nabuhay si Reu ng tatlong pu't dalawang taon, at naging anak si Serug:

21 At nabuhay si Reu pagkatapos na maipanganak si Serug, ng dalawang daan at pitong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

22 At nabuhay si Serug ng tatlong pung taon, at naging anak si Nachor:

23 At nabuhay si Serug pagkatapos maipanganak si Nachor, ng dalawang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

24 At nabuhay si Nachor ng dalawang pu't siyam na taon, at naging anak si Thare:

25 At nabuhay si Nachor pagkatapos na maipanganak si Thare, ng isang daan at labing siyam na taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

26 At nabuhay si Thare ng pitong pung taon, (J)at naging anak si Abram, si Nachor at si Haran.

Ang sangbahayan ni Thare.

27 Ito nga ang mga lahi ni Thare. Naging anak ni Thare si Abram, si Nachor, at si Haran; at naging anak ni Haran si Lot.

28 At namatay si Haran bago namatay ang kaniyang amang si Thare sa lupaing kaniyang tinubuan, sa Ur ng mga Caldeo.

29 At nagsipagasawa si Abram at si Nachor: ang pangalan ng asawa ni Abram ay (K)Sarai; at ang pangalan ng asawa ni Nachor, ay (L)Milca, anak ni Haran, ama ni Milca at ama ni Iscah.

30 (M)At si Sarai ay baog; siya'y walang anak.

31 At ipinagsama ni Thare si (N)Abram na kaniyang anak, at si Lot na anak ni Haran, na anak ng kaniyang anak, at si Sarai na kaniyang manugang, asawa ni Abram na kaniyang anak; (O)at samasamang nagsialis sa Ur ng mga Caldeo upang magsipasok sa lupain ng Canaan, at nagsidating sila sa Haran, at nagsitahan doon.

32 At ang mga naging araw ni Thare ay dalawang daan at limang taon: at namatay si Thare sa Haran.

Ang Tore ng Babel

11 Noon, ang buong lupa ay iisa ang wika at magkakatulad ang salita.

Sa kanilang paglalakbay sa silangan, nakatagpo sila ng isang kapatagan sa lupain ng Shinar, at sila'y tumira doon.

At sinabi nila sa isa't isa, “Halikayo! Tayo'y gumawa ng mga tisa at ating lutuing mabuti.” At ang kanilang bato ay tisa at alkitran ang kanilang semento.

Sinabi nila, “Halikayo! Magtayo tayo ng isang lunsod at isang tore na ang taluktok nito ay hanggang sa langit, at gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili, baka tayo magkawatak-watak sa ibabaw ng buong lupa.”

Bumaba ang Panginoon upang tingnan ang lunsod at ang tore na itinayo ng mga anak ng mga tao.

At sinabi ng Panginoon, “Tingnan ninyo, sila'y iisang bayan at may isang wika; at ito ay pasimula pa lamang ng kanilang gagawin, at ngayon, walang makakapigil sa anumang kanilang binabalak gawin.

Halikayo! Tayo'y bumaba at ating guluhin ang kanilang wika, upang hindi nila maunawaan ang pananalita ng bawat isa.”

Kaya't ikinalat sila ng Panginoon mula roon sa ibabaw ng buong lupa, at huminto sila sa pagtatayo ng lunsod.

Kaya't ang ipinangalan dito ay Babel, sapagkat doon ay ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa, at mula roon ay ikinalat sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa.

Ang mga Anak ni Sem(A)

10 Ito ang mga salinlahi ni Sem. May isandaang taong gulang si Sem nang maging anak si Arfaxad, dalawang taon pagkatapos ng baha.

11 Nabuhay si Sem ng limandaang taon pagkatapos na maipanganak si Arfaxad, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

12 Nang si Arfaxad ay tatlumpu't limang taon, naging anak niya si Shela.

13 Nabuhay si Arfaxad ng apatnaraan at tatlong taon pagkatapos na maipanganak si Shela, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

14 Nabuhay si Shela ng tatlumpung taon, at naging anak si Eber.

15 Nabuhay si Shela ng apatnaraan at tatlumpung taon pagkatapos na maipanganak si Eber, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

16 Nabuhay si Eber ng tatlumpu't apat na taon, at naging anak si Peleg.

17 Nabuhay si Eber ng apatnaraan at tatlumpung taon pagkatapos na maipanganak si Peleg, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

18 Nabuhay si Peleg ng tatlumpung taon, at naging anak si Reu.

19 Nabuhay si Peleg ng dalawang daan at siyam na taon pagkatapos na maipanganak si Reu, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

20 Nabuhay si Reu ng tatlumpu't dalawang taon, at naging anak si Serug.

21 Nabuhay si Reu ng dalawang daan at pitong taon pagkatapos na maipanganak si Serug, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

22 Nabuhay si Serug ng tatlumpung taon, at naging anak si Nahor.

23 Nabuhay si Serug ng dalawang daang taon pagkatapos maipanganak si Nahor, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

24 Nabuhay si Nahor ng dalawampu't siyam na taon, at naging anak si Terah.

25 Nabuhay si Nahor ng isandaan at labinsiyam na taon pagkatapos na maipanganak si Terah, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

26 At nabuhay si Terah ng pitumpung taon, at naging anak sina Abram, Nahor at Haran.

Ang Sambahayan ni Terah

27 Ito ang mga lahi ni Terah. Naging anak ni Terah sina Abram, Nahor, at Haran; at naging anak ni Haran si Lot.

28 Unang namatay si Haran kaysa sa kanyang amang si Terah sa lupaing kanyang tinubuan, sa Ur ng mga Caldeo.

29 At nagsipag-asawa sina Abram at Nahor. Ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai, at ang pangalan ng asawa ni Nahor ay Milca, na anak na babae ni Haran na ama nina Milca at Iscah.

30 At si Sarai ay baog; siya'y walang anak.

31 Isinama ni Terah si Abram na kanyang anak, at si Lot na anak ni Haran, na anak ng kanyang anak, at si Sarai na kanyang manugang na asawa ni Abram na kanyang anak at sama-samang umalis sa Ur ng mga Caldeo upang magtungo sa lupain ng Canaan. Dumating sila sa Haran, at nanirahan doon.

32 At ang mga naging araw ni Terah ay dalawandaan at limang taon, at namatay si Terah sa Haran.

The Tower of Babel

11 Now the whole world had one language(A) and a common speech. As people moved eastward,[a] they found a plain in Shinar[b](B) and settled there.

They said to each other, “Come, let’s make bricks(C) and bake them thoroughly.” They used brick instead of stone,(D) and tar(E) for mortar. Then they said, “Come, let us build ourselves a city, with a tower that reaches to the heavens,(F) so that we may make a name(G) for ourselves; otherwise we will be scattered(H) over the face of the whole earth.”(I)

But the Lord came down(J) to see the city and the tower the people were building. The Lord said, “If as one people speaking the same language(K) they have begun to do this, then nothing they plan to do will be impossible for them. Come, let us(L) go down(M) and confuse their language so they will not understand each other.”(N)

So the Lord scattered them from there over all the earth,(O) and they stopped building the city. That is why it was called Babel[c](P)—because there the Lord confused the language(Q) of the whole world.(R) From there the Lord scattered(S) them over the face of the whole earth.

From Shem to Abram(T)

10 This is the account(U) of Shem’s family line.

Two years after the flood, when Shem was 100 years old, he became the father[d] of Arphaxad.(V) 11 And after he became the father of Arphaxad, Shem lived 500 years and had other sons and daughters.

12 When Arphaxad had lived 35 years, he became the father of Shelah.(W) 13 And after he became the father of Shelah, Arphaxad lived 403 years and had other sons and daughters.[e]

14 When Shelah had lived 30 years, he became the father of Eber.(X) 15 And after he became the father of Eber, Shelah lived 403 years and had other sons and daughters.

16 When Eber had lived 34 years, he became the father of Peleg.(Y) 17 And after he became the father of Peleg, Eber lived 430 years and had other sons and daughters.

18 When Peleg had lived 30 years, he became the father of Reu.(Z) 19 And after he became the father of Reu, Peleg lived 209 years and had other sons and daughters.

20 When Reu had lived 32 years, he became the father of Serug.(AA) 21 And after he became the father of Serug, Reu lived 207 years and had other sons and daughters.

22 When Serug had lived 30 years, he became the father of Nahor.(AB) 23 And after he became the father of Nahor, Serug lived 200 years and had other sons and daughters.

24 When Nahor had lived 29 years, he became the father of Terah.(AC) 25 And after he became the father of Terah, Nahor lived 119 years and had other sons and daughters.

26 After Terah had lived 70 years, he became the father of Abram,(AD) Nahor(AE) and Haran.(AF)

Abram’s Family

27 This is the account(AG) of Terah’s family line.

Terah became the father of Abram, Nahor(AH) and Haran. And Haran became the father of Lot.(AI) 28 While his father Terah was still alive, Haran died in Ur of the Chaldeans,(AJ) in the land of his birth. 29 Abram and Nahor(AK) both married. The name of Abram’s wife was Sarai,(AL) and the name of Nahor’s wife was Milkah;(AM) she was the daughter of Haran, the father of both Milkah and Iskah. 30 Now Sarai was childless because she was not able to conceive.(AN)

31 Terah took his son Abram, his grandson Lot(AO) son of Haran, and his daughter-in-law(AP) Sarai, the wife of his son Abram, and together they set out from Ur of the Chaldeans(AQ) to go to Canaan.(AR) But when they came to Harran,(AS) they settled there.

32 Terah(AT) lived 205 years, and he died in Harran.

Footnotes

  1. Genesis 11:2 Or from the east; or in the east
  2. Genesis 11:2 That is, Babylonia
  3. Genesis 11:9 That is, Babylon; Babel sounds like the Hebrew for confused.
  4. Genesis 11:10 Father may mean ancestor; also in verses 11-25.
  5. Genesis 11:13 Hebrew; Septuagint (see also Luke 3:35, 36 and note at Gen. 10:24) 35 years, he became the father of Cainan. 13 And after he became the father of Cainan, Arphaxad lived 430 years and had other sons and daughters, and then he died. When Cainan had lived 130 years, he became the father of Shelah. And after he became the father of Shelah, Cainan lived 330 years and had other sons and daughters