Add parallel Print Page Options

司提反被害,扫罗也欣然同意。

扫罗迫害教会

从那天起,耶路撒冷的教会大受迫害;除了使徒以外,所有的人都分散到犹太和撒玛利亚各地。 有些虔诚的人安葬了司提反,为他大大悲痛一番。 扫罗却残害教会,逐家进去,连男带女拉去坐监。

福音传到撒玛利亚

那些分散的人,经过各地,传扬福音真道。 腓利下到撒玛利亚城,宣讲基督。 群众听了腓利所讲的,看见他所行的神迹,就同心听从了他的话。 许多人有污灵附在他们身上,污灵大声喊叫了之后,就出来了;还有许多瘫子瘸子都医好了。 在那城里,就大有欢乐。

有一个人名叫西门,从前在城里行过邪术,使撒玛利亚的居民惊奇,他又自命不凡, 10 城里大大小小都听从他,说:“这就是那称为‘ 神的大能’的人。” 11 他们听从他,因为他长久用邪术,使他们惊奇。 12 等到腓利向他们传了 神的国的福音,和耶稣基督的名,他们就信了腓利,连男带女都受了洗。 13 连西门自己也信了,他受洗之后,常和腓利在一起,看见所发生的神迹和大能的事,就觉得很惊奇。

14 在耶路撒冷的使徒,听见撒玛利亚居民领受了 神的道,就差派彼得和约翰到他们那里去。 15 二人到了,就为大家祷告,要让他们接受圣灵。 16 因为圣灵还没有降在他们任何一个身上,他们只是受了洗归入主耶稣的名下。 17 于是使徒为他们按手,他们就受了圣灵。 18 西门看见使徒一按手,就有圣灵赐下来,就拿钱给他们, 19 说:“请把这权柄也给我,叫我为谁按手,谁就可以受圣灵。” 20 彼得对他说:“你的银子跟你一同灭亡吧!因为你以为 神的恩赐,是可以用钱买的。 21 你和这件事是毫无关系的,因为你在 神面前存心不正。 22 所以,你要悔改离弃这罪恶,要祈求主,也许你心中的意念可以得到赦免。 23 我看出你正在苦胆之中,邪恶捆绑着你。” 24 西门回答:“请你们为我求主,好让你们所说的,没有一样临到我身上。”

25 使徒作了见证,讲了主的道,就回耶路撒冷去,一路上在撒玛利亚人的许多村庄里传扬福音。

腓利对太监传讲耶稣

26 有主的一位使者对腓利说:“起来,向南走,往那从耶路撒冷下迦萨的路上去。”那条路在旷野里。 27 他就动身去了。有一个衣索匹亚人,是衣索匹亚女王干大基有权力的太监,掌管女王全部国库。他上耶路撒冷去礼拜。 28 他回去的时候,坐在车上读以赛亚先知的书。 29 圣灵对腓利说:“你往前去,靠近那车子!” 30 腓利就跑过去,听见他读以赛亚先知的书,就问他:“你所读的,你明白吗?” 31 他说:“没有人指导我,怎能明白呢?”于是请腓利上车,同他坐在一起。 32 他所读的那段经文,就是:

“他像羊被牵去宰杀,

又像羊羔在剪毛的人面前无声,

他总是这样不开口。

33 他受屈辱的时候,

得不到公平的审判,

谁能说出他的身世呢?

因为他的生命从地上被夺去。”

34 太监对腓利说:“请问先知这话是指谁说的?指他自己呢?还是指别人?” 35 腓利就开口,从这段经文开始,向他传讲耶稣。 36 他们一路走,到了有水的地方,太监说:“你看,这里有水,有甚么可以阻止我受洗呢?”(有些抄本在此有第37节:“腓利说:‘你若全心相信,就可以受洗。’他回答说:‘我信耶稣基督是 神的儿子。’”) 38 于是太监吩咐停车,腓利和他两人下到水中,腓利就给他施洗。 39 他们从水里上来的时候,主的灵就把腓利提去了,太监再也看不见他,就欢欢喜喜地上路。 40 后来有人在亚锁都遇见腓利。他走遍各城,传讲福音,直到该撒利亚。

Kasang-ayon si Saulo sa pagpaslang kay Esteban.

Ang Pag-usig ni Saulo sa Iglesya

Nang araw na iyon, sumiklab ang isang malawakang pag-uusig laban sa iglesya na nasa Jerusalem. Maliban sa mga apostol, nagkahiwa-hiwalay ang lahat ng mananampalataya sa buong lupain ng Judea at Samaria. Inilibing si Esteban ng mga lalaking masigasig sa kabanalan. Tumangis sila nang malakas dahil sa kanya. Samantala'y winawasak ni Saulo ang iglesya. (A) Pinapasok niya ang mga bahay-bahay, kinakaladkad at ibinibilanggo ang mga lalaki't babae.

Ang Pangangaral sa Samaria

Ang mga nagkawatak-watak nama'y naglakbay na ipinapahayag ang salita. Si Felipe ay bumaba sa lungsod ng Samaria at ipinangaral sa kanila ang Cristo. Nang marinig ng maraming tao ang mga sinabi ni Felipe at nang makita ang mga himalang ginawa niya, nagkaisa silang bigyan ng pansin ang kanyang sinasabi. Sapagkat lumalabas ang masasamang espiritu na sumisigaw nang malakas mula sa maraming taong sinapian; at maraming lumpo at pilay ang pinagaling. Kaya't nagkaroon ng malaking kagalakan sa lungsod na iyon. Ngunit isang taong nagngangalang Simon, ang gumagamit noong una ng salamangka sa lungsod; pinahahanga niya ang mga mamamayan ng Samaria at sinasabi niyang siya'y magaling. 10 Nakinig sa kanya ang lahat, buhat sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila. Sabi nila, “Ang taong ito ang tinatawag na dakilang kapangyarihan ng Diyos.” 11 Nakinig sila sa kanya, sapagkat sa loob ng mahabang panahon ay napahanga niya sila ng kanyang mga salamangka. 12 Ngunit nang naniwala sila kay Felipe na nangangaral ng Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos at sa pangalan ni Jesu-Cristo, sila ay nabautismuhan, mga lalaki at mga babae. 13 Mismong si Simon ay naniwala, at pagkatapos mabautismuhan ay nanatiling kasama ni Felipe. Namangha siya nang makakita ng mga himala at ng mga makapangyarihang gawa.

14 Nang mabalitaan ng mga apostol sa Jerusalem na tinanggap ng mga taga-Samaria ang salita ng Diyos, isinugo nila roon sina Pedro at Juan. 15 Pagdating doon ay ipinanalangin ng dalawa ang mga taga-Samaria upang tanggapin nila ang Banal na Espiritu. 16 Sapagkat hindi pa bumababa ang Espiritu sa kaninuman sa kanila. Sila'y nabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. 17 Ipinatong nina Pedro at Juan[a] ang kanilang mga kamay sa kanila at tinanggap nila ang Banal na Espiritu. 18 Nang makita ni Simon na ipinagkakaloob ang Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol, sila'y kanyang inalok ng salapi, 19 at sinabi, “Bigyan din ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang sinumang patungan ko ng aking mga kamay ay tumanggap ng Banal na Espiritu.” 20 Ngunit sinabi sa kanya ni Pedro, “Mapapahamak ka kasama ng iyong salapi! Akala mo ba'y mabibili mo ang kaloob ng Diyos? 21 Wala kang bahagi ni karapatan sa bagay na ito, sapagkat hindi naaayon sa Diyos ang iyong puso. 22 Kaya't pagsisihan mo ang kasamaan mong ito. Manalangin ka sa Panginoon at baka sakaling patawarin ka sa masamang hangarin ng iyong kalooban. 23 Sapagkat nakikita kong pinaghaharian ka ng inggit at alipin ka ng kasamaan.” 24 Sumagot si Simon, “Ipanalangin ninyo ako sa Panginoon upang hindi mangyari sa akin ang mga sinabi ninyo.”

25 Matapos silang makapagpatotoo at maipahayag ang salita ng Panginoon, bumalik sina Pedro at Juan[b] sa Jerusalem na ipinangangaral ang magandang balita sa maraming nayon ng Samaria.

Si Felipe at ang Eunukong Taga-Etiopia

26 Matapos ang mga ito, inutusan ng isang anghel ng Panginoon si Felipe, “Tumindig ka at pumunta patungong timog, sa daang pababa mula sa Jerusalem patungong Gaza. Ito'y ilang na daan.” 27 Tumindig nga siya at umalis. Dumating naman ang isang eunukong taga-Etiopia, na tagapamahala ng buong kayamanan ni Candace, ang reyna ng Etiopia. Galing ang eunuko sa Jerusalem upang sumamba. 28 Pauwi na siya noon, nakasakay sa kanyang karwahe at binabasa ang aklat ni propeta Isaias. 29 Sinabi ng Espiritu kay Felipe, “Lumapit ka at makisakay sa karwaheng ito.” 30 Kaya't tumakbong palapit si Felipe at kanyang narinig na binabasa ng lalaki ang aklat ni propeta Isaias. Tinanong siya ni Felipe, “Nauunawaan mo ba ang binabasa mo?” 31 Sumagot siya kay Felipe, “Paano ko ito mauunawaan kung walang magpapaliwanag sa akin?” At kanyang inanyayahan si Felipe na sumakay at maupong kasama niya. 32 Ito (B) ang bahagi ng Kasulatang binabasa niya:

“Tulad ng tupang dinala sa katayan;
    at ng korderong hindi umiimik sa harap ng kanyang manggugupit,
    gayundin hindi niya ibinubuka ang kanyang bibig.
33 Sa kanyang pagpapakababa ay ipinagkait sa kanya ang katarungan.
    Sino ang makapaglalarawan sa kanyang lahi?
    Sapagkat inalis sa lupa ang kanyang buhay.”

34 Sinabi ng eunuko kay Felipe, “Maaari bang sabihin mo sa akin kung sino ang tinutukoy ng propeta, ang kanya bang sarili o iba?” 35 Mula sa talatang ito, ipinangaral ni Felipe sa lalaki ang Magandang Balita tungkol kay Jesus. 36 Sa kanilang paglalakbay, nakarating sila sa isang lugar na may tubig. Sinabi ng eunuko, “Tingnan mo, may tubig! Ano'ng hadlang upang ako'y mabautismuhan?” 37 [At sinabi ni Felipe, “Kung sumasampalataya ka nang buong puso ito'y mangyayari. Sumagot ang eunuko, “Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ang Anak ng Diyos.”][c] 38 Pinahinto ng eunuko ang karwahe at lumusong silang dalawa sa tubig. At binautismuhan siya ni Felipe. 39 Nang umahon sila sa tubig, biglang inagaw ng Espiritu ng Panginoon si Felipe, at hindi na siya nakita ng eunuko. Nagagalak itong nagpatuloy sa kanyang paglalakbay. 40 Samantala, natagpuan si Felipe sa Azotus. Mula roon ay ipinangaral niya ang Magandang Balita sa lahat ng mga bayan hanggang sa makarating siya sa Cesarea.

Footnotes

  1. Mga Gawa 8:17 Sa Griyego, nila.
  2. Mga Gawa 8:25 Sa Griyego sila.
  3. Mga Gawa 8:37 Wala ang talatang ito sa mga mas naunang manuskrito.

Si Saulo ay sumang-ayon sa pagpatay sa kanya.

Pinag-usig ni Saulo ang Iglesya

Nang araw na iyon, nagkaroon ng malawakang pag-uusig laban sa iglesya na nasa Jerusalem; at lahat ay nagkahiwa-hiwalay sa buong lupain ng Judea at Samaria, maliban sa mga apostol.

Inilibing si Esteban ng mga taong masipag sa kabanalan, at sila'y tumangis nang malakas dahil sa kanya.

Ngunit(A) winawasak ni Saul ang iglesya sa pamamagitan ng pagpasok sa bahay-bahay, kinakaladkad ang mga lalaki't babae, at sila'y ipinapasok sa bilangguan.

Ipinangaral sa Samaria ang Magandang Balita

Ang mga nagkawatak-watak ay naglakbay na ipinangangaral ang salita.

Si Felipe ay bumaba sa bayan ng Samaria at ipinangaral sa kanila ang Cristo.

Ang maraming tao ay nagkakaisang nakikinig sa mga sinabi ni Felipe nang kanilang marinig siya at nakita ang mga tanda na ginawa niya.

Sapagkat lumabas ang masasamang espiritu sa maraming sinapian na nagsisisigaw nang malakas; at maraming lumpo at pilay ang pinagaling.

At nagkaroon ng malaking kagalakan sa lunsod na iyon.

Ngunit may isang tao na ang pangalan ay Simon, na noong una ay gumagamit ng salamangka sa lunsod at pinahanga ang mga tao sa Samaria, ang nagsasabing siya'y isang dakila.

10 Silang lahat ay nakinig sa kanya buhat sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila, na sinasabi, “Ang taong ito ang kapangyarihan ng Diyos na tinatawag na Dakila.”

11 Siya'y pinakinggan nila, sapagkat sa loob ng mahabang panahon ay kanyang pinahahanga sila ng kanyang mga salamangka.

12 Ngunit nang naniwala sila kay Felipe na nangangaral ng mabuting balita tungkol sa kaharian ng Diyos at sa pangalan ni Jesu-Cristo, sila ay nabautismuhan, mga lalaki at mga babae.

13 Maging si Simon mismo ay naniwala at pagkatapos mabautismuhan, nanatili siyang kasama ni Felipe. Namangha siya nang makakita ng mga tanda at ng mga dakilang himalang ginawa.

14 Nang mabalitaan ng mga apostol na nasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Diyos, sinugo nila sa kanila sina Pedro at Juan.

15 Ang dalawa ay bumaba at ipinanalangin sila upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo,

16 sapagkat hindi pa ito dumarating sa kaninuman sa kanila, kundi sila'y nabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus.

17 Ipinatong nina Pedro at Juan[a] ang kanilang mga kamay sa kanila at tinanggap nila ang Espiritu Santo.

18 Nang makita ni Simon na ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol, sila'y inalok niya ng salapi,

19 na sinasabi, “Bigyan din ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang sinumang patungan ko ng aking mga kamay ay tumanggap ng Espiritu Santo.”

20 Ngunit sinabi sa kanya ni Pedro, “Ang iyong salapi'y mapahamak na kasama mo, sapagkat inakala mong makukuha mo ang kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng salapi!

21 Wala kang bahagi ni karapatan man sa bagay na ito, sapagkat ang puso mo'y hindi matuwid sa harapan ng Diyos.

22 Kaya't pagsisihan mo ang kasamaan mong ito. Manalangin ka sa Panginoon at baka sakaling ipatawad sa iyo ang hangarin ng iyong puso.

23 Sapagkat nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng kapaitan at nasa gapos ng kasamaan.”

24 Sumagot si Simon, “Ipanalangin ninyo ako sa Panginoon upang wala sa mga sinabi ninyo ang mangyari sa akin.”

25 Sina Pedro at Juan,[b] pagkatapos na makapagpatotoo at masabi na nila ang salita ng Panginoon, ay bumalik sa Jerusalem na ipinangaral ang ebanghelyo sa maraming nayon ng mga Samaritano.

Si Felipe at ang Pinunong Taga-Etiopia

26 Pagkatapos ay sinabi ng isang anghel ng Panginoon kay Felipe, “Tumindig ka at pumunta patungong timog, sa daang pababa mula sa Jerusalem patungong Gaza.” Ito'y isang ilang na daan.

27 At tumindig nga siya at umalis. May isang lalaking taga-Etiopia, isang eunuko at tagapamahala ni Candace na reyna ng mga taga-Etiopia. Siya ang namamahala ng buong kayamanan ng reyna. Ang eunuko[c] ay nagpunta sa Jerusalem upang sumamba.

28 Siya'y pabalik na at nakaupo sa kanyang karwahe, binabasa niya ang propeta Isaias.

29 Sinabi ng Espiritu kay Felipe, “Lumapit ka at makisakay sa karwaheng ito.”

30 Kaya't tumakbo si Felipe doon, at kanyang narinig na binabasa niya si Isaias na propeta, at sinabi niya, “Nauunawaan mo ba ang binabasa mo?”

31 Sumagot naman ito, “Paano nga ba, malibang may tumulong sa akin?” At kanyang inanyayahan si Felipe na umakyat at maupong kasama niya.

32 Ang(B) bahagi ng kasulatan na binabasa niya ay ito:

“Tulad ng tupa na dinala sa katayan;
    at sa isang kordero na hindi umiimik sa harap ng kanyang manggugupit,
    gayundin hindi niya ibinubuka ang kanyang bibig.
33 Sa kanyang pagpapakababa ay ipinagkait sa kanya ang katarungan.
    Sino ang makapaglalarawan sa kanyang lahi?
    Sapagkat inalis sa lupa ang kanyang buhay.”

34 Sinabi ng eunuko kay Felipe, “Ipinapakiusap ko, tungkol kanino sinasabi ito ng propeta, sa kanya bang sarili, o sa iba?”

35 Nagpasimulang magsalita si Felipe,[d] at simula sa kasulatang ito ay ipinangaral niya sa kanya ang magandang balita ni Jesus.

36 Sa kanilang pagpapatuloy sa daan, nakarating sila sa may tubig, at sinabi ng eunuko, “Tingnan mo, narito ang tubig! Ano ang nakakahadlang upang akoy mabautismuhan?”

[37 At sinabi ni Felipe: Kung nananampalataya ka ng buong puso ay mangyayari. Sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Diyos.]

38 Iniutos niyang itigil ang karwahe at lumusong si Felipe at ang eunuko sa tubig. At binautismuhan siya ni Felipe.[e]

39 Nang umahon sila sa tubig, inagaw ng Espiritu ng Panginoon si Felipe; at hindi na siya nakita ng eunuko at nagagalak na nagpatuloy siya sa kanyang lakad.

40 Ngunit natagpuan si Felipe sa Azotus. Sa pagdaraan ay ipinangaral niya ang ebanghelyo sa lahat ng mga bayan hanggang sa makarating siya sa Cesarea.

Footnotes

  1. Mga Gawa 8:17 Sa Griyego ay nila .
  2. Mga Gawa 8:25 Sa Griyego ay sila .
  3. Mga Gawa 8:27 Sa Griyego ay siya .
  4. Mga Gawa 8:35 Sa Griyego ay Ibinuka ni Felipe ang kanyang bibig .
  5. Mga Gawa 8:38 Sa Griyego ay niya .