Roma 4
Ang Salita ng Diyos
Pinaging-matuwid si Abraham sa Pamamagitan ng Pananampalataya
4 Ano nga ngayon ang sasabihin natin sa natagpuan ni Abraham na ating ninuno ayon sa laman?
2 Ito ay sapagkat kung si Abraham ay pinaging-matuwid sa pamamagitan ng mga gawa, mayroon siyang dahilang magmalaki, ngunit hindi sa Diyos. 3 Ano ang sinasabi ng kasulatan? Sinasabi:
Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos at iyon ay ibinilang sa kaniya na katuwiran.
4 Ngayon kapag gumawa ang isang tao, ang sahod niyaay hindi ibinibilang na biyaya kundi ibinibilang na utang. 5 Ngunit sa kaniya na hindi gumagawa ngunit sumasampalataya sa kaniya na nagpapaging-matuwid sa mga hindi kumikilala sa Diyos, ang kaniyang pananampalataya ay ibinibilang na katuwiran. 6 Gayundin ang sinabi ni David. Sinabi niya na pinagpala ang isang tao kapag ibinibilang ng Diyos ang katuwiran na hiwalay sa mga gawa:
7 Pinagpala sila na mga pinatawad sa hindi nila pagkilala sakautusan ng Diyos, sila na ang mga kasalanan ay tinakpan. 8 Pinagpala ang taong ang kasalanan ay hindi ibibilang ng Panginoon sa kaniya sa anumang kaparaan.
9 Ito bang pagiging pinagpala ay para sa mga nasa pagtutuli lamang o para rin sa mga hindi nasa pagtutuli? Ito ay sapagkat sinasabi nating ang pananampalataya ay ibinilang na katuwiran kay Abraham. 10 Papaano nga ito ibinilang? Ito ba ay nang tinuli na siya o nang bago pa siya tinuli? Hindi nang tinuli na siya kundi nang bago pa siya tuliin. 11 Siya ay tumanggap ng tanda ng pagiging nasa pagtutuli. Ito ay tatak ngkatuwiran na mula sa pananampalatayang nasa kaniya bago pa man siya tinuli. Ito ang tanda na siya ay magiging ama ng lahat na mga hindi nasa pagtutuli na sumampalataya upang ang katuwiran ay maibilang din sa kanila. 12 Si Abraham ay hindi lamang ama ng mga nasa pagtutuli. Siya ay ama rin ng nasa pagtutuli na mga lumalakad sa mga bakas ng pananampalataya ng ating amang si Abraham na nasa kaniya nang hindi pa siya tuli.
13 Ito ay sapagkat si Abraham at ang kaniyang lahi ay tumanggap ng pangako na siya ay magiging tagapagmana ng sanlibutan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kautusan kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya. 14 Ito ay sapagkat kung ang mga tagapagmana nga ay ang mga gumaganap ng kautusan, ang pananampalataya ay walang kabuluhan. Ang pangako ay walang bisa. 15 Ito ay sapagkat ang kautusan ay nagbubunga ng galit, dahil kung walang kautusan, walang pagsalangsang.
16 Kaya nga, ang pangako ay sa pamamagitan ng pananampalataya upang ito ay maging ayon sa biyaya at upang ito ay maging tiyak sa lahat ng lahi. Ito ay hindi lamang sa mga nasa kautusan kundi sa mga nasa pananampalataya ni Abraham na siyang ama nating lahat. 17 Ayon sa nasusulat:
Itinalaga kitang ama ng maraming bansa.
Ito ay sa harap ng Diyos na kaniyang sinampalatayanan, na bumubuhay ng mga patay at tumatawag na magkaroon ng mga bagay na wala pa.
18 Sa kawalang pag-asa, sumampalataya si Abraham na umaasa at sa gayon siya ay naging ama ng maraming bansa. Ito ay ayon sa sinabi:
Magiging gayon ang iyong lahi.
19 Sa kaniyang pananampalatayang hindi nanghihina, hindi niya itinuring na parang patay na ang kaniyang sariling katawan. Siya ay halos isandaang taon na noon. Hindi rin niya itinuring na patay ang bahay-bata ni Sara. 20 Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos sa pamamagitan ng hindi pagsampalataya. Sa halip, siya ay lumakas sa pananampalataya na nagbibigay nang kaluwalhatian sa Diyos. 21 Lubos siyang nakakatiyak na magagawa ng Diyos ang kaniyang ipinangako. 22 Kaya nga, ito ay ibinilang sa kaniya na katuwiran. 23 Gayunman, ito ay hindi lamang isinulat para sa kaniya, na ito ay ibinilang sa kaniya. 24 Ito ay para sa atin din. Ibibilang din ito na katuwiran sa mga sumampalataya sa Diyos na bumuhay kay Jesus na ating Panginoon mula sa mga patay. 25 Si Jesus ang ibinigay para sa ating mga pagsalangsang at ibinangon para sa pagpapaging-matuwid sa atin.
Romans 4
New International Version
Abraham Justified by Faith
4 What then shall we say(A) that Abraham, our forefather according to the flesh,(B) discovered in this matter? 2 If, in fact, Abraham was justified by works, he had something to boast about—but not before God.(C) 3 What does Scripture say? “Abraham believed God, and it was credited to him as righteousness.”[a](D)
4 Now to the one who works, wages are not credited as a gift(E) but as an obligation. 5 However, to the one who does not work but trusts God who justifies the ungodly, their faith is credited as righteousness.(F) 6 David says the same thing when he speaks of the blessedness of the one to whom God credits righteousness apart from works:
7 “Blessed are those
whose transgressions are forgiven,
whose sins are covered.
8 Blessed is the one
whose sin the Lord will never count against them.”[b](G)
9 Is this blessedness only for the circumcised, or also for the uncircumcised?(H) We have been saying that Abraham’s faith was credited to him as righteousness.(I) 10 Under what circumstances was it credited? Was it after he was circumcised, or before? It was not after, but before! 11 And he received circumcision as a sign, a seal of the righteousness that he had by faith while he was still uncircumcised.(J) So then, he is the father(K) of all who believe(L) but have not been circumcised, in order that righteousness might be credited to them. 12 And he is then also the father of the circumcised who not only are circumcised but who also follow in the footsteps of the faith that our father Abraham had before he was circumcised.
13 It was not through the law that Abraham and his offspring received the promise(M) that he would be heir of the world,(N) but through the righteousness that comes by faith.(O) 14 For if those who depend on the law are heirs, faith means nothing and the promise is worthless,(P) 15 because the law brings wrath.(Q) And where there is no law there is no transgression.(R)
16 Therefore, the promise comes by faith, so that it may be by grace(S) and may be guaranteed(T) to all Abraham’s offspring—not only to those who are of the law but also to those who have the faith of Abraham. He is the father of us all.(U) 17 As it is written: “I have made you a father of many nations.”[c](V) He is our father in the sight of God, in whom he believed—the God who gives life(W) to the dead and calls(X) into being things that were not.(Y)
18 Against all hope, Abraham in hope believed and so became the father of many nations,(Z) just as it had been said to him, “So shall your offspring be.”[d](AA) 19 Without weakening in his faith, he faced the fact that his body was as good as dead(AB)—since he was about a hundred years old(AC)—and that Sarah’s womb was also dead.(AD) 20 Yet he did not waver through unbelief regarding the promise of God, but was strengthened(AE) in his faith and gave glory to God,(AF) 21 being fully persuaded that God had power to do what he had promised.(AG) 22 This is why “it was credited to him as righteousness.”(AH) 23 The words “it was credited to him” were written not for him alone, 24 but also for us,(AI) to whom God will credit righteousness—for us who believe in him(AJ) who raised Jesus our Lord from the dead.(AK) 25 He was delivered over to death for our sins(AL) and was raised to life for our justification.(AM)
Footnotes
- Romans 4:3 Gen. 15:6; also in verse 22
- Romans 4:8 Psalm 32:1,2
- Romans 4:17 Gen. 17:5
- Romans 4:18 Gen. 15:5
Copyright © 1998 by Bibles International
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.