Add parallel Print Page Options

at(A) ang kanilang bangkay ay mahahandusay sa lansangan ng dakilang lungsod, na ang patalinghagang pangalan ay Sodoma o Egipto, kung saan ipinako sa krus ang kanilang Panginoon. Sa loob ng tatlo't kalahating araw, ang kanilang mga bangkay ay pagmamasdan ng mga tao mula sa iba't ibang lahi, lipi, wika, at bansa, at hindi papayag ang mga ito na mailibing ang mga bangkay. 10 Magagalak ang lahat ng tao sa daigdig dahil sa pagkamatay ng dalawang saksi. Magdiriwang sila at magbibigayan ng mga regalo sapagkat ang dalawang propetang iyon ay nagdulot sa kanila ng labis na kahirapan.

Read full chapter

(A) Ang kanilang mga bangkay ay ikakalat sa lansangan ng malaking lungsod, na sa pananalitang espirituwal ay Sodoma at Ehipto, kung saan ang kanilang Panginoon ay ipinako sa krus. Sa loob ng tatlo't kalahating araw ay pagmamasdan ng mga taong mula sa mga bayan, mga lipi, mga wika, at mga bansa ang mga bangkay at hindi nila pahihintulutang mailibing ang mga ito. 10 Ang mga naninirahan sa lupa ay magagalak sa sinapit ng dalawang saksi. Magdiriwang sila at magpapalitan ng mga handog, sapagkat pinahirapan ng dalawang propetang ito ang mga naninirahan sa lupa.

Read full chapter