Add parallel Print Page Options

Ngunit(A) sa mga huling araw na ito, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay. Nakikita(B) sa Anak ang kaluwalhatian ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak. Siya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng Makapangyarihan doon sa langit.

Mas Dakila ang Anak kaysa sa mga Anghel

Ang Anak ay ginawang higit na dakila kaysa mga anghel, tulad ng pangalan na ibinigay sa kanya ng Diyos ay higit na dakila.

Read full chapter

Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na (A)ito sa pamamagitan, (B)ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na (C)tagapagmana ng lahat ng mga bagay, (D)na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;

(E)Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at (F)tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at (G)umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, (H)nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, (I)ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;

Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y (J)nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila.

Read full chapter

Ngunit sa mga huling araw na ito, nagsalita siya sa atin sa pamamagitan ng Anak. Siya ang hinirang ng Diyos na maging tagapagmana ng lahat ng bagay, at sa pamamagitan niya'y ginawa ng Diyos ang buong sanlibutan. Ang Anak ang maningning na sinag ng kaluwalhatian ng Diyos at tunay na larawan ng kanyang kalikasan bilang Diyos. Siya ang nagpapanatili sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan, umupo siya sa kaitaasan sa kanan ng Diyos na makapangyarihan sa lahat. Higit na mataas ang Anak kaysa mga anghel, kung paanong binigyan siya ng pangalang higit na mataas kaysa kanilang lahat.

Read full chapter