Add parallel Print Page Options

Kaaliwan sa Panahon ng Bagabag

Awit na katha ni Asaf upang awitin ng Mang-aawit na si Jeduthun.

77 Sa Diyos ako ay tumawag, at dumaing nang malakas,
    ganoon ang aking daing upang ako'y dinggin agad.
Hinanap ko'y Panginoon sa panahong may bagabag,
    hindi ako napagod, dumalangin na magdamag,
    ngunit di ko nasumpungan ang aliw kong hinahangad.
Nagunita ko ang Diyos, kaya ako ay dumaing,
    ako'y nagdidili-dili ngunit ako'y bigo pa rin. (Selah)[a]

Hindi ako patulugin, waring ito ay parusa,
    hindi ako makaimik, pagkat ako ay balisa.
Nagbalik sa gunita ko ang nagdaang mga araw,
    nanariwa sa isip ko ang panahong nakaraan;
ako'y nagbubulay-bulay sa silid ko gabi-gabi,
    ang diwa ko ay gising at tinatanong ang sarili:
“Ako baga, Panginoo'y lubusan mong itatakwil?
    Di mo na ba ibabalik sa akin ang iyong pagtingin?
Ang iyo bang pagmamahal sa amin ay nagwakas na?
    Hindi na ba maaaring sa pangako mo'y umasa?
Yaong kagandahang-loob mo ba ay nakalimutan mo na?
    Dahilan sa iyong galit, ang awa mo'y wala na ba?” (Selah)[b]
10 Ganito ang aking sabi: “Ang sakit ng aking loob,
    para bagang mahina na't walang lakas ang aking Diyos.”

11 Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa,
    ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga.
12 Sa lahat ng ginawa mo, ako'y magbubulay-bulay,
    magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan.

13 Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal,
    at wala nang ibang diyos na sa iyo'y ipapantay.
14 Ikaw ang Diyos na ang gawa'y tunay na kahanga-hanga,
    iyang kadakilaan mo'y nahayag na sa nilikha.
15 Dahilan sa iyong lakas, mga hirang mo'y natubos,
    ang lahat ng mga angkan ni Jose at ni Jacob. (Selah)[c]

16 Noong ikaw ay makita ng maraming mga tubig,
    pati yaong kalaliman ay natakot at nanginig.
17 Magmula sa mga ulap mga ulan
ay bumuhos,
    at mula sa papawirin, nanggaling ang mga kulog
    na katulad ay palasong sumisibat sa palibot.

18 Dagundong na gumugulong ang ingay na idinulot,
    ang guhit ng mga kidlat ay tanglaw sa sansinukob;
    pati mundo ay nayanig na para bang natatakot.
19 Ang landas mong dinaraana'y malawak na karagatan,
    ang daan mong tinatahak ay dagat na kalawakan;
    ngunit walang makakita ng bakas mong iniiwan.
20 Ikaw, O Diyos, ang nanguna sa bayan mong parang kawan,
    si Moises at si Aaron yaong iyong naging kamay!

Footnotes

  1. Mga Awit 77:3 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
  2. Mga Awit 77:9 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
  3. Mga Awit 77:15 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.

77 Ako'y dadaing ng aking tinig sa Dios; sa Dios ng aking tinig; at kaniyang didinggin ako.

Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay hinahanap ko ang Panginoon: ang kamay ko'y nakaunat sa gabi, at hindi nangangalay; tumatangging maaliw ang kaluluwa ko.

Naaalaala ko ang Dios, at ako'y nababalisa: ako'y nagdaramdam, at ang diwa ko'y nanglulupaypay. (Selah)

Iyong pinupuyat ang mga mata ko: ako'y totoong nababagabag na hindi ako makapagsalita.

Aking ginunita ang mga araw ng una, ang mga taon ng dating mga panahon.

Aking inaalaala ang awit ko sa gabi: sumasangguni ako sa aking sariling puso; at ang diwa ko'y masikap na nagsiyasat.

Magtatakuwil ba ang Panginoon magpakailan man? At hindi na baga siya lilingap pa?

Ang kaniya bang kagandahang-loob ay lubos na nawala magpakailan man? Natapos na bang walang hanggan ang kaniyang pangako?

Nakalimot na ba ang Dios na magmaawain? Kaniya bang tinakpan ng kagalitan ang kaniyang malumanay na mga kaawaan? (Selah)

10 At aking sinabi, Ito ang sakit ko; nguni't aalalahanin ko ang mga taon ng kanan ng Kataastaasan.

11 Babanggitin ko ang mga gawa ng Panginoon; sapagka't aalalahanin ko ang mga kabagabagan mo ng una.

12 Bubulayin ko ang lahat ng iyong gawa, at magmumuni tungkol sa iyong mga gawa.

13 Ang iyong daan, Oh Dios, ay nasa santuario: sino ang dakilang dios na gaya ng Dios?

14 Ikaw ay Dios na gumagawa ng mga kagilagilalas: iyong ipinakilala ang kalakasan mo sa gitna ng mga tao.

15 Iyong tinubos ng kamay mo ang iyong bayan, ang mga anak ng Jacob at ng Jose. (Selah)

16 Nakita ka ng tubig, Oh Dios; nakita ka ng tubig, sila'y nangatakot: ang mga kalaliman din naman ay nanginig.

17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig; ang langit ay humugong: ang mga pana mo naman ay nagsihilagpos.

18 Ang tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo; tinanglawan ng mga kidlat ang sanglibutan: ang lupa ay nayanig at umuga.

19 Ang daan mo'y nasa dagat, at ang mga landas mo'y nasa malalawak na tubig, at ang bakas mo'y hindi nakilala.

20 Iyong pinapatnubayan ang iyong bayan na parang kawan, sa pamamagitan ng kamay ni Moises at ni Aaron.

Psalm 77[a]

For the director of music. For Jeduthun. Of Asaph. A psalm.

I cried out to God(A) for help;
    I cried out to God to hear me.
When I was in distress,(B) I sought the Lord;
    at night(C) I stretched out untiring hands,(D)
    and I would not be comforted.(E)

I remembered(F) you, God, and I groaned;(G)
    I meditated, and my spirit grew faint.[b](H)
You kept my eyes from closing;
    I was too troubled to speak.(I)
I thought about the former days,(J)
    the years of long ago;
I remembered my songs in the night.
    My heart meditated and my spirit asked:

“Will the Lord reject forever?(K)
    Will he never show his favor(L) again?
Has his unfailing love(M) vanished forever?
    Has his promise(N) failed for all time?
Has God forgotten to be merciful?(O)
    Has he in anger withheld his compassion?(P)

10 Then I thought, “To this I will appeal:
    the years when the Most High stretched out his right hand.(Q)
11 I will remember the deeds of the Lord;
    yes, I will remember your miracles(R) of long ago.
12 I will consider(S) all your works
    and meditate on all your mighty deeds.”(T)

13 Your ways, God, are holy.
    What god is as great as our God?(U)
14 You are the God who performs miracles;(V)
    you display your power among the peoples.
15 With your mighty arm you redeemed your people,(W)
    the descendants of Jacob and Joseph.

16 The waters(X) saw you, God,
    the waters saw you and writhed;(Y)
    the very depths were convulsed.
17 The clouds poured down water,(Z)
    the heavens resounded with thunder;(AA)
    your arrows(AB) flashed back and forth.
18 Your thunder was heard in the whirlwind,(AC)
    your lightning(AD) lit up the world;
    the earth trembled and quaked.(AE)
19 Your path(AF) led through the sea,(AG)
    your way through the mighty waters,
    though your footprints were not seen.

20 You led your people(AH) like a flock(AI)
    by the hand of Moses and Aaron.(AJ)

Footnotes

  1. Psalm 77:1 In Hebrew texts 77:1-20 is numbered 77:2-21.
  2. Psalm 77:3 The Hebrew has Selah (a word of uncertain meaning) here and at the end of verses 9 and 15.