Mga Awit 72:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Nawa(A) kanyang kaharian ay lubusan ngang lumawak,
mula sa Ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat.
9 Sa harap niya ay susuko mga taong nasa ilang;
isubsob nga sa lupa, lahat ng kanyang kaaway.
10 Mga haring nasa pulo at naroon sa Espanya, maghahandog ng kaloob upang parangalan siya.
Pati rin ang mga hari ng Arabia at Etiopia, may mga kaloob ding ibibigay sa kanya.
Mga Awit 72:8-10
Ang Biblia (1978)
8 (A)Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat,
At mula sa Ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.
9 Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod (B)sa kaniya;
At hihimuran ng (C)kaniyang mga kaaway ang alabok.
10 (D)Ang mga hari ng Tharsis, at (E)sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob;
Ang mga hari sa (F)Sheba at (G)Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
