Mga Awit 39:8-10
Magandang Balita Biblia
8 Kaya ngayo'y iligtas mo, linisin sa aking kasalanan;
ang hangal ay huwag bayaan na ako'y pagtawanan.
9 Tunay akong tatahimik, wala akong sasabihin,
pagkat lahat ng dinanas, pawang dulot mo sa akin.
10 Huwag mo akong parusahan, parusa mo ay itigil;
sa hampas na tinatanggap ang buhay ko'y makikitil.
Mga Awit 39:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang:
(A)Huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.
9 (B)Ako'y pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig;
Sapagka't (C)ikaw ang gumawa.
10 (D)Iurong mo sa akin ang iyong suntok:
Ako'y bugbog na sa suntok ng iyong kamay.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
