Mga Awit 141:8-10
Magandang Balita Biblia
8 Di ako hihinto sa aking pananalig,
ang pag-iingat mo'y aking ninanais,
huwag mong itutulot, buhay ko'y mapatid.
9 Sa mga patibong ng masamang tao,
ilayo mong lubos, ingatan mo ako.
10 Iyong pabayaang sila ang mahulog,
samantalang ako'y ligtas mong kinupkop.
Mga Awit 141:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Sapagka't ang mga mata ko'y (A)nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon:
Sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.
9 Iligtas mo ako (B)sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin,
At sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan.
10 (C)Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating.
Habang ako'y nakatatanan.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
