Mga Awit 131
Ang Biblia, 2001
Awit ng Pag-akyat. Mula kay David.
131 Panginoon, hindi hambog ang aking puso,
ni mayabang man ang mata ko;
ni nagpapaka-abala sa mga bagay na lubhang napakadakila,
o sa mga bagay na para sa akin ay lubhang kamangha-mangha.
2 Tunay na aking pinayapa at pinatahimik ang aking kaluluwa;
gaya ng batang inihiwalay sa dibdib ng kanyang ina,
gaya ng batang inihiwalay ang aking kaluluwa sa loob ko.
3 O Israel, umasa ka sa Panginoon
mula ngayon at sa walang hanggang panahon.
Mga Awit 131
Ang Biblia (1978)
Wagas na pagtitiwala sa Panginoon. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
131 Panginoon, hindi hambog ang (A)aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata;
(B)Ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay,
O sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
2 Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa;
(C)Parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina,
Ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
3 (D)Oh Israel, umasa ka sa Panginoon
Mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
Awit 131
Ang Dating Biblia (1905)
131 Panginoon, hindi hambog ang aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata; ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay, o sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
2 Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa; parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina, ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
3 Oh Israel, umasa ka sa Panginoon mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
Salmo 131
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Dalanging may Pagtitiwala
131 Panginoon, akoʼy hindi hambog o mapagmataas.
Hindi ko hinahangad ang mga bagay na napakataas na hindi ko makakayanan.
2 Kontento na ako katulad ng batang inawat na hindi na naghahangad ng gatas ng kanyang ina.
3 Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon ngayon at magpakailanman.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
