Marcos 7:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Sinagot sila ni Jesus, “Tamang-tama ang sinabi ni Isaias tungkol sa inyo na mga pakitang-tao. Ayon sa isinulat niya, sinabi ng Dios na,
‘Iginagalang ako ng mga taong ito sa mga labi lang nila,
ngunit malayo sa akin ang kanilang mga puso.
7 Walang kabuluhan ang kanilang pagsamba sa akin
dahil ang mga itinuturo nila ay mga utos lang ng tao.’[a]
8 Sinusuway ninyo ang utos ng Dios, at ang sinusunod ay mga tradisyon ng tao.”
Read full chapterFootnotes
- 7:7 Isa. 29:13.
Marcos 7:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Sumagot (A) si Jesus sa kanila, “Akma nga ang sinabi ni Isaias tungkol sa inyo. Mga mapagkunwari! Ayon sa nasusulat,
‘Iginagalang ako ng mga taong ito ng kanilang mga labi,
subalit ang kanilang puso ay malayo sa akin.
7 Pagsamba sa aki'y walang kabuluhan;
pawang gawa ng tao ang kanilang katuruan.’
8 Tinatalikuran ninyo ang utos ng Diyos at niyayakap ang tradisyon ng mga tao.”
Read full chapter
Marcos 7:6-8
Ang Biblia (1978)
6 At sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat,
(A)Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kaniyang mga labi,
Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.
7 Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin,
Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.
8 Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali't-saling sabi ng mga tao.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
