Marcos 11:24-26
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
24 Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon. 25 Kapag(A) kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit. [26 Ngunit kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama na nasa langit.][a]”
Read full chapterFootnotes
- 26 Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang talatang 26.
Marcos 11:24-26
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
24 Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, paniwalaan ninyong tinanggap na ninyo at mangyayari nga iyon sa inyo. 25 Kapag (A) kayo'y nakatayo at nananalangin at mayroon kayong sama ng loob sa sinuman, patawarin ninyo siya upang patawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit sa inyong mga kasalanan. 26 [Ngunit kung hindi kayo magpapatawad, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Amang nasa langit.]”[a]
Read full chapterFootnotes
- Marcos 11:26 Sa ibang manuskrito wala ang talatang ito.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
