Lucas 3
Magandang Balita Biblia
Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo(A)
3 Ikalabinlimang taon noon ng paghahari ni Emperador Tiberio. Si Poncio Pilato ang gobernador sa Judea at si Herodes ang pinuno sa Galilea. Ang kapatid nitong si Felipe ang pinuno sa lupain ng Iturea at Traconite at si Lisanias ang pinuno sa Abilinia. 2 Nang sina Anas at Caifas ang mga pinakapunong pari ng mga Judio, si Juan na anak ni Zacarias ay nakatira sa ilang. Ipinahayag ng Diyos ang kanyang salita kay Juan, 3 kaya't nilibot niya ang mga lupain sa magkabilang panig ng Jordan. Siya'y nangaral, “Pagsisihan at talikuran ninyo ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo upang kayo'y patawarin ng Diyos.” 4 Sa(B) gayon, natupad ang nakasulat sa aklat ni Propeta Isaias,
“Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang:
‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon.
Gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!
5 Matatambakan ang bawat libis,
at mapapatag ang bawat burol at bundok.
Magiging tuwid ang daang liku-liko,
at patag ang daang baku-bako.
6 At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas na gagawin ng Diyos!’”
7 Kaya't(C) sinabi ni Juan sa maraming taong lumapit sa kanya upang magpabautismo, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa poot na darating? 8 Ipakita(D) ninyo sa pamamagitan ng gawa na nagsisisi kayo, at huwag ninyong sabihing mga anak kayo ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo, mula sa mga batong ito ay makakalikha ang Diyos ng mga tunay na anak ni Abraham. 9 Ngayon(E) pa ma'y nakaamba na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy; ang bawat punong hindi mabuti ang bunga ay puputulin at itatapon sa apoy.”
10 Tinanong siya ng mga tao, “Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?”
11 Sumagot siya sa kanila, “Sinumang mayroong dalawang balabal, ibigay mo ang isa sa wala. Gayon din ang gawin ng sinumang may pagkain.”
12 Dumating(F) din ang mga maniningil ng buwis upang magpabautismo. Sila'y nagtanong sa kanya, “Guro, ano po ang dapat naming gawin?”
13 “Huwag kayong sumingil nang higit sa dapat singilin,” tugon niya.
14 Tinanong din siya ng mga kawal, “At kami po naman, ano ang dapat naming gawin?”
“Huwag kayong kukuha ng pera kaninuman nang sapilitan o sa pamamagitan ng hindi makatuwirang paratang, at masiyahan kayo sa inyong sweldo,” sagot niya.
15 Nananabik noon ang mga tao sa pagdating ng Cristo, at inakala nilang si Juan mismo ang kanilang hinihintay. 16 Dahil dito sinabi niya sa kanila, “Binabautismuhan ko kayo sa pamamagitan ng tubig, ngunit ang darating na kasunod ko ay magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng apoy. Siya'y higit na makapangyarihan kaysa akin; ni hindi man lamang ako karapat-dapat na magkalag ng sintas ng kanyang sandalyas. 17 Hawak na niya ang kalaykay upang linisin ang giikan at upang tipunin ang trigo sa kanyang kamalig. Ngunit ang ipa'y susunugin niya sa apoy na di mamamatay kailanman.”
18 Marami pang bagay na ipinapangaral si Juan sa mga tao sa kanyang pamamahayag ng Magandang Balita. 19 Si(G) Herodes man na pinuno ng Galilea ay pinagsabihan din ni Juan dahil kinakasama niya ang kanyang hipag na si Herodias at dahil sa iba pang kasamaang ginagawa nito. 20 Dahil dito'y ipinabilanggo ni Herodes si Juan, at ito'y nadagdag pa sa mga kasalanan ni Herodes.
Binautismuhan si Jesus(H)
21 Nang mabautismuhan na ni Juan ang mga tao, binautismuhan din niya si Jesus. Habang nananalangin si Jesus, nabuksan ang langit 22 at(I) bumabâ sa kanya ang Espiritu Santo sa anyong kalapati. Isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”
Ang Talaan ng mga Ninuno ni Jesus(J)
23 Magtatatlumpung taon na si Jesus nang siya'y magsimulang mangaral. Ipinapalagay ng mga tao na siya'y anak ni Jose. Si Jose naman ay anak ni Eli, 24 na anak ni Matat. Si Matat ay anak ni Levi na anak ni Melqui, at si Melqui nama'y anak ni Janai na anak ni Jose. 25 Si Jose ay anak ni Matatias na anak ni Amos. Si Amos ay anak ni Nahum na anak ni Esli. Si Esli ay anak ni Nagai, 26 anak ni Maat na anak ni Matatias. Si Matatias ay anak ni Semei na anak ni Josec. Si Josec ay anak ni Joda 27 na anak ni Joanan. At si Joanan ay anak ni Resa na anak ni Zerubabel, anak ni Salatiel na anak ni Neri. 28 Si Neri ay anak ni Melqui na anak ni Adi. Si Adi ay anak ni Cosam na anak ni Elmadam, na anak ni Er. 29 Si Er ay anak ni Josue na anak ni Eliezer, anak ni Jorim na anak ni Matat. Si Matat ay anak ni Levi 30 na anak ni Simeon na anak ni Juda. Si Juda ay anak ni Jose. Si Jose ay anak ni Jonam na anak ni Eliaquim, 31 na anak ni Melea. Si Melea ay anak ni Menna na anak ni Matata, anak ni Natan na anak ni David. 32 Si David ay anak ni Jesse na anak ni Obed, at si Obed ay anak naman ni Boaz. Si Boaz ay anak ni Salmon na anak ni Naason, 33 anak ni Aminadab na anak ni Admin. Si Admin ay anak ni Arni na anak ni Esrom, na anak ni Fares. Si Fares ay anak ni Juda 34 na anak ni Jacob. Si Jacob ay anak ni Isaac na anak ni Abraham. Si Abraham ay anak ni Terah na anak ni Nahor. 35 Si Nahor ay anak ni Serug na anak ni Reu, na anak ni Peleg, at si Peleg ay anak ni Eber na anak ni Sala. 36 Si Sala ay anak ni Cainan na anak ni Arfaxad na anak ni Shem. Si Shem ay anak ni Noe, anak ni Lamec 37 na anak ni Matusalem na anak ni Enoc. Si Enoc ay anak ni Jared na anak ni Mahalaleel na anak ni Kenan. 38 Si Kenan ay anak ni Enos na anak ni Set. At si Set ay anak ni Adan na anak ng Diyos.
路加福音 3
Chinese Contemporary Bible (Traditional)
施洗者約翰的傳道
3 凱撒提庇留執政第十五年,本丟·彼拉多任猶太總督,希律做加利利的分封王,他的弟弟腓力做以土利亞和特拉可尼兩地的分封王,呂撒聶做亞比利尼的分封王, 2 亞那和該亞法當大祭司。當時,撒迦利亞的兒子約翰住在曠野,上帝向他說話。 3 他就到約旦河附近宣講悔改的洗禮,使人的罪得到赦免。 4 這正應驗了以賽亞先知書上的話:「在曠野有人大聲呼喊,
『預備主的道,
修直祂的路。
5 一切山谷將被填滿,
大山小丘將被削平,
彎曲的道路要被修直,
崎嶇的路徑要被鋪平。
6 世人都要看見上帝的救恩。』」
7 約翰對前來接受他洗禮的人群說:「你們這些毒蛇的後代!誰指示你們逃避那將臨的烈怒呢? 8 你們要結出與悔改相稱的果子。不要心裡說,『我們是亞伯拉罕的子孫。』我告訴你們,上帝可以從這些石頭中興起亞伯拉罕的子孫。 9 現在斧頭已經放在樹根上了,不結好果子的樹都要被砍下丟在火裡。」
10 眾人問道:「那麼,我們該怎麼辦呢?」
11 約翰回答說:「有兩件衣服的,應當分一件給沒有的;食物充裕的,應當分些給饑餓的。」
12 有些稅吏也來受洗,並問約翰:「老師,我們該怎麼辦呢?」
13 約翰說:「除了規定的稅以外,一分錢也不可多收。」
14 有些軍人問:「我們該怎麼辦呢?」約翰說:「不可敲詐勒索,自己有糧餉就當知足。」
15 當時的百姓正期待著基督的來臨,大家心裡都在猜想,也許約翰就是基督。 16 約翰對眾人說:「我是用水給你們施洗,但有一位能力比我更大的快來了,我就是給祂解鞋帶也不配。祂要用聖靈和火給你們施洗。 17 祂手裡拿著簸箕,要清理祂的麥場,把麥子收進倉庫,用不滅的火燒盡糠秕。」 18 約翰向眾人傳福音,講了許多勸勉的話。
19 分封王希律娶了自己弟弟的妻子希羅底,又做了許多惡事,因而受到約翰的指責, 20 可是他卻惡上加惡,將約翰關進監牢裡。
耶穌受洗
21 眾人都受了洗,耶穌也接受了洗禮。祂正在禱告的時候,天開了, 22 聖靈像鴿子一樣降在祂身上,又有聲音從天上傳來:「你是我的愛子,我甚喜悅你。」
耶穌的家譜
23 耶穌開始傳道的時候,年紀約三十歲,照人的看法,
祂是約瑟的兒子,
約瑟是希里的兒子,
24 希里是瑪塔的兒子,
瑪塔是利未的兒子,
利未是麥基的兒子,
麥基是雅拿的兒子,
雅拿是約瑟的兒子,
25 約瑟是瑪他提亞的兒子,
瑪他提亞是亞摩斯的兒子,
亞摩斯是拿鴻的兒子,
拿鴻是以斯利的兒子,
以斯利是拿該的兒子,
26 拿該是瑪押的兒子,
瑪押是瑪他提亞的兒子,
瑪他提亞是西美的兒子,
西美是約瑟的兒子,
約瑟是猶大的兒子,
猶大是約亞拿的兒子,
27 約亞拿是利撒的兒子,
利撒是所羅巴伯的兒子,
所羅巴伯是撒拉鐵的兒子,
撒拉鐵是尼利的兒子,
尼利是麥基的兒子,
28 麥基是亞底的兒子,
亞底是哥桑的兒子,
哥桑是以摩當的兒子,
以摩當是珥的兒子,
珥是約細的兒子,
29 約細是以利以謝的兒子,
以利以謝是約令的兒子,
約令是瑪塔的兒子,
瑪塔是利未的兒子,
30 利未是西緬的兒子,
西緬是猶大的兒子,
猶大是約瑟的兒子,
約瑟是約南的兒子,
約南是以利亞敬的兒子,
31 以利亞敬是米利亞的兒子,
米利亞是邁南的兒子,
邁南是瑪達他的兒子,
瑪達他是拿單的兒子,
拿單是大衛的兒子,
32 大衛是耶西的兒子,
耶西是俄備得的兒子,
俄備得是波阿斯的兒子,
波阿斯是撒門的兒子,
撒門是拿順的兒子,
33 拿順是亞米拿達的兒子,
亞米拿達是蘭的兒子,
蘭是希斯崙的兒子,
希斯崙是法勒斯的兒子,
法勒斯是猶大的兒子,
34 猶大是雅各的兒子,
雅各是以撒的兒子,
以撒是亞伯拉罕的兒子,
亞伯拉罕是他拉的兒子,
他拉是拿鹤的兒子,
35 拿鹤是西鹿的兒子,
西鹿是拉吳的兒子,
拉吳是法勒的兒子,
法勒是希伯的兒子,
希伯是沙拉的兒子,
36 沙拉是該南的兒子,
該南是亞法撒的兒子,
亞法撒是閃的兒子,
閃是挪亞的兒子,
挪亞是拉麥的兒子,
37 拉麥是瑪土撒拉的兒子,
瑪土撒拉是以諾的兒子,
以諾是雅列的兒子,
雅列是瑪勒列的兒子,
瑪勒列是蓋南的兒子,
蓋南是以挪士的兒子,
38 以挪士是塞特的兒子,
塞特是亞當的兒子,
亞當是上帝的兒子。
Lucas 3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo(A)
3 Nang ikalabinlimang taon ng paghahari ni Emperador Tiberio, habang si Poncio Pilato ang gobernador ng Judea, si Herodes ang pinuno[a] ng Galilea, si Felipe na kanyang kapatid ang pinuno ng Iturea at Traconite, at si Lysanias naman ang pinuno ng Abilinia; 2 at sina Anas at Caifas naman ang mga Kataas-taasang Pari, dumating ang salita ng Diyos sa anak ni Zacarias na si Juan na nasa ilang. 3 Tinungo niya ang buong lupain sa palibot ng Jordan upang ipangaral ang bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng kasalanan. 4 Gaya ng nasusulat sa aklat ni propetang si Isaias,
“Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon,
tuwirin ninyo ang kanyang mga landas.
5 Tatambakan ang bawat lambak,
at papatagin ang bawat bundok at burol.
Itutuwid ang likong daan,
at papatagin ang daang lubak-lubak.
6 At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Diyos.’ ”
7 Sinabi ni Juan sa maraming mga taong nagdatingan upang magpabautismo sa kanya, “Mga anak ng ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa darating na poot? 8 Kaya mamunga kayo ng mga bungang karapat-dapat sa pagsisisi. Huwag ninyong sabihin sa isa't isa, ‘Ama namin si Abraham.’ Sinasabi ko sa inyo na mula sa mga batong ito ay kaya ng Diyos na lumikha ng mga anak para kay Abraham. 9 Ngayon pa man ay nakaamba na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy. Pinuputol ang bawat punongkahoy na hindi nagbubunga ng mabuti at itinatapon sa apoy.” 10 Kaya't tinanong siya ng maraming tao, “Ano ngayon ang kailangan naming gawin?” 11 At pagsagot ay sinabi niya sa kanila, “Ang may dalawang damit panloob ay bigyan ang wala at ang may pagkain ay gayon din ang gawin.” 12 May mga nagdatingan ding mga maniningil ng buwis na magpapabautismo na nagsabi sa kanya, “Guro, ano ang nararapat naming gawin?” 13 Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong sumingil nang labis sa ipinag-uutos sa inyo.” 14 Nagtanong din sa kanya ang mga kawal, “At kami naman, ano naman ang dapat naming gawin?” At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mangikil ni magbintang nang mali. Makuntento kayo sa inyong sinasahod.” 15 Dahil sa pananabik ng mga tao, nagtatanungan sila kung si Juan na nga ba ang Cristo. 16 Sinagot silang lahat ni Juan, “Binabautismuhan ko nga kayo sa tubig, ngunit may darating na higit na makapangyarihan kaysa akin. Hindi ako karapat-dapat na magkalag man lang ng kanyang sandalyas. Siya ang magbabautismo sa inyo sa Banal na Espiritu at apoy. 17 Nasa kanyang kamay ang kalaykay upang linisin nang husto ang kanyang giikan at tipunin ang trigo sa kanyang kamalig; subalit ang ipa ay kanyang susunugin sa apoy na hindi maaápula.” 18 Kaya nga't ipinangaral niya ang marami at iba't ibang bagay sa paghahayag ng mabuting balita. 19 Subalit si Herodes na pinuno, dahil siya'y napagsabihan ni Juan tungkol kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid at tungkol sa lahat ng mga masasamang ginawa ni Herodes, 20 idinagdag pa sa lahat ng ito nang ipinakulong niya si Juan sa bilangguan.
Binautismuhan si Jesus(B)
21 Nang mabautismuhan na ang lahat ng tao, binautismuhan din si Jesus. Habang siya ay nananalangin, nabuksan ang langit 22 at bumaba sa kanya ang Banal na Espiritu sa anyo ng isang kalapati. Sinabi ng isang tinig mula sa langit, “Ikaw ang pinakamamahal kong anak. Sa iyo ako lubos na nalulugod.”
Ang mga Ninuno ni Jesus(C)
23 Si Jesus ay magtatatlumpung taong gulang nang magsimula sa kanyang gawain. Siya ay anak ni Jose, tulad ng akala ng marami. Si Jose ay anak naman ni Eli, 24 na anak ni Matat, na anak ni Levi, na anak ni Melqui, na anak ni Janai, na anak ni Jose, 25 na anak ni Matatias, na anak ni Amos, na anak ni Nahum, na anak ni Esli, na anak ni Nagai, 26 na anak ni Maat, na anak ni Matatias, na anak ni Semein, na anak ni Josec, na anak ni Joda, 27 na anak ni Joanan, na anak ni Resa, na anak ni Zerubabel, na anak ni Salatiel, na anak ni Neri, 28 na anak ni Melqui, na anak ni Adi, na anak ni Cosam, na anak ni Elmadam, na anak ni Er, 29 na anak ni Josue, na anak ni Eliezer, na anak ni Jorim, na anak ni Matat, na anak ni Levi, 30 na anak ni Simeon, na anak ni Juda, na anak ni Jose, na anak ni Jonam, na anak ni Eliakim, 31 na anak ni Melea, na anak ni Mena, na anak ni Matata, na anak ni Natan, na anak ni David, 32 na anak ni Jesse, na anak ni Obed, na anak ni Boaz, na anak ni Salmon, na anak ni Naason, 33 na anak ni Aminadab, na anak ni Admin, na anak ni Arni, na anak ni Hesrom, na anak ni Perez, na anak ni Juda, 34 na anak ni Jacob, na anak ni Isaac, na anak ni Abraham, na anak ni Terah, na anak ni Nahor, 35 na anak ni Serug, na anak ni Reu, na anak ni Peleg, na anak ni Eber, na anak ni Sala, 36 na anak ni Cainan, na anak ni Arfaxad, na anak ni Sem, na anak ni Noe, na anak ni Lamec, 37 na anak ni Matusalem, na anak ni Enoc, na anak ni Jared, na anak ni Mahalaleel, na anak ni Cainan, 38 na anak ni Enos, na anak ni Set, na anak ni Adan, na anak ng Diyos.
Footnotes
- Lucas 3:1 Sa Griyego, tetrarka.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
