Lucas 2:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”
13 Biglang lumitaw kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit,
14 “Papuri sa Diyos sa kaitaasan,
at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!”
Lucas 2:12-14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 At ito ang palatandaan para sa inyo: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na binalot sa lampin at nakahiga sa sabsaban.” 13 Walang anu-ano'y sumama sa anghel ang isang malaking hukbo ng kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at nagsasabi:
14 “Luwalhati sa Diyos sa kaitaas-taasan,
at sa daigdig, kapayapaan sa mga taong kanyang kinalulugdan.”[a]
Footnotes
- Lucas 2:14 at sa daigdig, kapayapaan sa mga taong kanyang kinalulugdan: Sa ibang manuskrito ay at kapayapaan sa daigdig, at sa mga tao ay kaluguran.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
