Lucas 16:8-10
Ang Biblia, 2001
8 At pinuri ng panginoon ang madayang katiwala, sapagkat siya'y gumawang may katusuhan, sapagkat ang mga anak ng sanlibutang ito ay higit na tuso sa pakikitungo sa sarili nilang lahi kaysa mga anak ng liwanag.
9 At sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo para sa inyong mga sarili sa pamamagitan ng mga kayamanan ng kalikuan upang kung ito'y maubos na, ay kanilang tanggapin kayo sa mga walang hanggang tahanan.[a]
10 “Ang tapat sa kakaunti ay tapat din naman sa marami at ang di-tapat sa kakaunti ay di rin naman tapat sa marami.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 16:9 Sa Griyego ay tolda .
Lucas 16:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Pinuri ng panginoon ang madayang katiwala dahil sa katusuhan nito. Sapagkat ang mga anak ng sanlibutang ito ay mas tuso sa pamamahala ng kanilang pamumuhay kaysa mga anak ng liwanag. 9 Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo gamit ang kayamanan ng sanlibutan upang kung maubos na ito ay tatanggapin kayo sa walang hanggang mga tahanan. 10 Ang tapat sa kaunti ay tapat din sa marami at ang hindi tapat sa kaunti ay hindi rin tapat sa marami.
Read full chapter
Lucas 16:8-10
Ang Biblia (1978)
8 At pinuri ng kaniyang panginoon ang lilong katiwala, sapagka't siya'y gumawang may katalinuhan: sapagka't (A)ang mga anak ng sanglibutang ito, sa kanilang sariling lahi, ay matatalino kay sa (B)mga anak ng ilaw.
9 At sinabi ko sa inyo, (C)Makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng kayamanan ng kasamaan; upang, kung kayo'y magkulang, (D)ay kanilang tanggapin kayo sa mga walang hanggang tabernakulo.
10 Ang mapagtapat (E)sa kakaunti ay mapagtapat din naman sa marami: at ang di matuwid sa kakaunti ay di rin naman matuwid sa marami.
Read full chapter
Lucas 16:8-10
Ang Dating Biblia (1905)
8 At pinuri ng kaniyang panginoon ang lilong katiwala, sapagka't siya'y gumawang may katalinuhan: sapagka't ang mga anak ng sanglibutang ito, sa kanilang sariling lahi, ay matatalino kay sa mga anak ng ilaw.
9 At sinabi ko sa inyo, Makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng kayamanan ng kasamaan; upang, kung kayo'y magkulang, ay kanilang tanggapin kayo sa mga walang hanggang tabernakulo.
10 Ang mapagtapat sa kakaunti ay mapagtapat din naman sa marami: at ang di matuwid sa kakaunti ay di rin naman matuwid sa marami.
Read full chapter
Lucas 16:8-10
Ang Salita ng Diyos
8 Ang hindi matapat na katiwala ay pinuri ng panginoon sapagkat siya ay gumawang may katusuhan. Ito ay sapagkat ang mga tao sa kapanahunang ito, sa sarili nilang lahi, ay higit na tuso kaysa sa mga tao ng liwanag. 9 Sinasabi ko sa inyo: Makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng kayamanan ng di-matuwid. Ito ay upang kung kayo ay maubusan, matatanggap nila kayo sa walang hanggang tirahan.
10 Ang matapat sa kakaunti ay matapat din sa marami. Ang hindi matuwid sa kakaunti ay hindi rin matuwid sa marami.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1998 by Bibles International
