Levitico 8:8-10
Magandang Balita Biblia
8 Pagkatapos, ipinatong ang pektoral na kinalalagyan ng Urim at Tumim. 9 Sinuotan ng turbante at sa noo nila ay ikinabit ang palamuting ginto na may tanda ng kabanalan, ayon sa iniutos ni Yahweh.
10 Pagkatapos nito, kinuha ni Moises ang langis na pantalaga, pinahiran ang Toldang Tipanan at lahat ng naroon, bilang tanda na ang mga ito'y nakalaan lamang kay Yahweh.
Read full chapter
Levitico 8:8-10
Ang Biblia (1978)
8 At ipinatong sa kaniya ang pektoral: (A)at inilagay sa loob ng pektoral ang Urim at ang Thummim.
9 (B)At ipinatong ang mitra sa kaniyang ulo; at ipinatong sa mitra sa harap, ang laminang ginto, ang banal na putong; (C)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
10 (D)At kinuha ni Moises ang langis na pang-pahid, at pinahiran ang tabernakulo, at ang lahat ng nandoon, ay pinapaging banal.
Read full chapter
Levitico 8:8-10
Ang Biblia, 2001
8 Ipinatong ni Moises[a] sa kanya ang pektoral, at inilagay ang Urim at ang Tumim sa pektoral.
9 At ipinatong ang turbante sa kanyang ulo; at ipinatong sa harapan ng turbante ang ginintuang plata, ang banal na korona; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
10 Pagkatapos ay kinuha ni Moises ang langis na pambuhos at binuhusan ang tabernakulo, at ang lahat ng naroon, at ang mga iyon ay itinalaga.
Read full chapterFootnotes
- Levitico 8:8 Sa Hebreo ay niya .
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
