Add parallel Print Page Options

16 Mula sa kapuspusan ng kanyang kagandahang-loob, tumanggap tayong lahat ng abut-abot na kagandahang-loob. 17 Ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises; ngunit dumating ang kagandahang-loob at katotohanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18 Kailanma'y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit ang natatanging Diyos[a] na pinakamamahal ng Ama, ang nagpakilala sa Ama.

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 1:18 Diyos: Sa ibang manuskrito'y Anak ; at sa iba nama'y Anak ng Diyos .

16 At tumanggap tayong lahat mula sa kanyang kapuspusan; kagandahang-loob na sinundan pa ng kagandahang-loob. 17 Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises; ang kagandahang-loob at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18 Kailanma'y walang nakakita sa Diyos; ang natatanging Diyos[a] na nasa kandungan ng Ama ang nagpakilala sa kanya.

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 1:18 Sa ibang manuskrito ay Anak.