Add parallel Print Page Options

Nanalangin si Jonas

Nanalangin si Jonas sa Panginoon na kanyang Dios sa loob ng tiyan ng isda. Sinabi niya,

    Panginoon, sa paghihirap ng aking kalooban at kalagayan humingi po ako ng tulong sa inyo,
    at sinagot nʼyo ako.
    Sa bingit ng kamatayan,[a] humingi ako ng tulong sa inyo,
    at pinakinggan nʼyo ako.
Inihagis nʼyo ako sa pusod ng dagat.
    Napalibutan ako ng tubig at natabunan ng mga alon na ipinadala ninyo.
Pinalayas nʼyo ako sa inyong presensya,
    pero umaasa pa rin akong makakalapit muli ako sa inyo roon sa inyong banal na templo.
Lumubog po ako sa tubig at halos malunod.
    Natabunan ako ng tubig at ang ulo ko ay napuluputan ng mga halamang-dagat.
Lumubog ako hanggang sa pinakailalim ng dagat,
    at parang ikinulong sa kailaliman ng lupa magpakailanman.
    Pero kinuha nʼyo ako sa kailalimang iyon, O Panginoon kong Dios.
Nang parang mamamatay na ako,[b] tumawag ako sa inyo, Panginoon,
    at pinakinggan nʼyo ang dalangin ko roon sa inyong banal na templo.
Ang mga taong sumasamba sa mga walang kwentang dios-diosan ay hindi na tapat sa inyo.
Pero maghahandog ako sa inyo nang may awit ng pasasalamat.
    Tutuparin ko ang pangako ko na maghahandog sa inyo.
    Kayo po, Panginoon, ang nagliligtas.”

10 Kaya inutusan ng Panginoon ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa dalampasigan.

Footnotes

  1. 2:2 bingit ng kamatayan: sa literal, sa kailaliman ng lugar ng mga patay.
  2. 2:7 Nang parang mamamatay na ako: o, Noong pagod na pagod na ako; o, Noong nawalan na ako ng pag-asa.
'Jonas 2 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang Panalangin ni Jonas

Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Diyos mula sa tiyan ng isda,

at kanyang sinabi,

“Tinawagan ko ang Panginoon mula sa aking pagdadalamhati,
    at siya'y sumagot sa akin;
mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw,
    at iyong dininig ang aking tinig.
Sapagkat inihagis mo ako sa kalaliman,
    sa pusod ng dagat,
    at ang tubig ay nasa palibot ko;
ang lahat ng iyong alon at iyong mga daluyong
    ay umaapaw sa akin.
Kaya't aking sinabi, ‘Ako'y inihagis
    mula sa iyong harapan;
gayunma'y muli akong titingin
    sa iyong banal na templo.’
Kinukulong ako ng tubig sa palibot.
    Ang kalaliman ay nasa palibot ko.
Ang mga damong dagat ay bumalot sa aking ulo.
    Ako'y bumaba sa mga ugat ng mga bundok.
    Ang lupain at ang mga halang nito ay nagsara sa akin magpakailanman.
Gayunma'y iniahon mo ang aking buhay mula sa hukay,
    O Panginoon kong Diyos.
Nang ang aking buhay ay nanlulupaypay,
    naalala ko ang Panginoon;
at ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.
Ang mga nagpapahalaga sa mga walang kabuluhang diyus-diyosan
    ay nagtatakuwil ng kanilang tunay na katapatan.

Ngunit ako'y mag-aalay sa iyo

    na may tinig ng pasasalamat.
Aking tutuparin ang aking ipinanata.
    Ang pagliligtas ay mula sa Panginoon!”

10 At inutusan ng Panginoon ang isda, at iniluwa nito si Jonas sa tuyong lupa.

(2:2) Then Yonah davened unto Hashem Elohav from out of the dag’s belly,

(2:3) And said, I cried by reason of mine tzoros unto Hashem, He heard me; out of the belly of Sheol cried I, and Thou heardest my voice.

(2:4) For Thou hadst cast me into the deep, in the midst of the yamim (seas); and the current swirled about me; all Thy billows and Thy waves passed over me.

(2:5) Then I said, I am cast out of Thy sight; yet I will look again toward Thy Heikhal Kodesh.

(2:6) The mayim compassed me about, even to the nefesh; the depth closed me round about, the seaweed were wrapped about my head.

(2:7) I went down to the bottoms of the mountains; ha’aretz with her bars closed behind me l’olam; yet hast Thou brought up my life from shachat (corruption; see Ps 16:10), Hashem Elohai.

(2:8) When my nefesh fainted within me, I remembered Hashem; and my tefillah came unto Thee, into Thine Heikhal Kodesh.

(2:9) They that observe lying vanities forsake their own chesed.

(2:10) But I will sacrifice unto Thee with the voice of todah; I will pay that which I have vowed. Yeshuah (Salvation) is from Hashem.

10 (2:11) And Hashem spoke unto HaDag (The Fish), and it vomited out Yonah upon the yabashah (dry land).