Print Page Options

Ang makasalanan ay hindi matatag.

Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo?
At sa kanino sa mga (A)banal babalik ka?
Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal,
At ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang.
(B)Aking nakita ang hangal na umuunlad:
Nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan.
(C)Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan,
At (D)sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan,
Na wala mang magligtas sa kanila.
Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom,
At kinukuha na mula sa mga tinik,
At ang silo ay nakabuka sa kanilang pagaari.
Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok,
Ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan;
(E)Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan.
Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas.
Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios,
At sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap:
Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita;
Ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang:
10 (F)Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa,
At nagpapahatid ng tubig sa mga bukid;
11 Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas (G)yaong nangasa mababa;
At yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan.
12 (H)Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha,
Na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala.
13 (I)Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha:
At ang payo ng suwail ay napapariwara.
14 Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw,
(J)At nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi.
15 (K)Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig,
Sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas.
16 Na anopa't ang dukha ay may pagasa,
(L)At ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig.

Ang kagalingan ng parusa.

17 Narito, (M)maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios:
Kaya't (N)huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.
18 (O)Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal;
Siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay.
19 Kaniyang ililigtas ka sa (P)anim na kabagabagan.
Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo.
20 (Q)Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan;
At sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak.
21 Ikaw ay makukubli (R)sa talas ng dila;
Na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating.
22 Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka;
Ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa.
23 (S)Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang;
At ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo.
24 At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan;
At iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman.
25 Iyo rin namang makikilala na ang (T)iyong binhi ay magiging dakila,
At ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa.
26 Ikaw ay (U)darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan.
Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan.
27 Narito, aming siniyasat, at gayon nga;
Dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti.

Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo? At sa kanino sa mga banal babalik ka?

Sapagka't ang bigat ng loob ay pumapatay sa taong hangal, at ang paninibugho ay pumapatay sa mangmang.

Aking nakita ang hangal na umuunlad: nguni't agad kong sinumpa ang kaniyang tahanan.

Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan, at sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan, na wala mang magligtas sa kanila.

Na ang kaniyang ani ay kinakain ng gutom, at kinukuha na mula sa mga tinik, at ang silo ay nakabuka sa kanilang pag-aari.

Sapagka't ang kadalamhatian ay hindi lumalabas sa alabok, ni bumubukal man sa lupa ang kabagabagan;

Kundi ang tao ay ipinanganak sa kabagabagan. Gaya ng alipato na umiilanglang sa itaas.

Nguni't sa ganang akin, ay hahanapin ko ang Dios, at sa Dios ay aking ihahabilin ang aking usap:

Na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at ng mga hindi magunita; ng mga kamanghamanghang bagay na walang bilang:

10 Na siyang nagbibigay ng ulan sa lupa, at nagpapahatid ng tubig sa mga bukid;

11 Na anopa't kaniyang iniuupo sa mataas yaong nangasa mababa; at yaong nagsisitangis ay itinataas sa katiwasayan.

12 Kaniyang sinasayang ang mga katha-katha ng mapagkatha, na anopa't hindi maisagawa ng kanilang mga kamay ang kanilang panukala.

13 Kaniyang hinuhuli ang pantas sa kanilang sariling katha: at ang payo ng suwail ay napapariwara.

14 Kanilang nasasalunuan ang kadiliman sa araw, at nagsisikapa sa katanghaliang tapat na gaya sa gabi.

15 Nguni't kaniyang inililigtas sa tabak ng kanilang bibig, sa makatuwid baga'y ang maralita sa kamay ng malakas.

16 Na anopa't ang dukha ay may pagasa, at ang kasamaan ay nagtitikom ng kaniyang bibig.

17 Narito, maginhawa ang tao na sinasaway ng Dios: kaya't huwag mong waling kabuluhan ang pagsaway ng Makapangyarihan sa lahat.

18 Sapagka't siya'y sumusugat, at nagtatapal; siya'y sumusugat, at pinagagaling ng kaniyang mga kamay.

19 Kaniyang ililigtas ka sa anim na kabagabagan. Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo.

20 Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan; at sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak.

21 Ikaw ay makukubli sa talas ng dila; na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating.

22 Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka; ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa.

23 Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang; at ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo.

24 At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan; at iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman.

25 Iyo rin namang makikilala na ang iyong binhi ay magiging dakila, at ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa.

26 Ikaw ay darating sa iyong libingan sa lubos na katandaan. Gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa kaniyang kapanahunan.

27 Narito, aming siniyasat, at gayon nga; dinggin mo, at talastasin mo sa iyong ikabubuti.

'Job 5 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Si Job ay Itinuwid ng Diyos

“Tumawag ka ngayon; may sasagot ba sa iyo?
At kanino sa mga banal ka babaling?
Tunay na pinapatay ng pagkayamot ang taong hangal,
    at pinapatay ng panibugho ang mangmang.
Nakakita na ako ng hangal na nag-uugat,
    ngunit bigla kong sinumpa ang kanyang tirahan.
Ang mga anak niya ay malayo sa kaligtasan,
    sila'y dinudurog sa pintuan
    at walang magligtas sa kanila isa man.
Ang kanyang ani ay kinakain ng gutom,
    at kinukuha niya ito maging mula sa mga tinik,
    at ang bitag ay naghahangad sa kanilang kayamanan.
Sapagkat ang paghihirap ay hindi nanggagaling sa alabok,
    ni ang kaguluhan ay sumisibol man sa lupa;
kundi ang tao ay ipinanganak tungo sa kaguluhan,
    kung paanong ang siklab, sa itaas ay pumapailanglang.

“Ngunit sa ganang akin, ang Diyos ay aking hahanapin,
    at sa Diyos ko ipagkakatiwala ang aking usapin,
na siyang gumagawa ng mga dakilang bagay at hindi maintindihan,
    mga kamanghamanghang bagay na hindi mabilang,
10 nagbibigay siya ng ulan sa lupa,
    at nagdadala ng tubig sa mga bukid;
11 kanyang itinataas ang mga mapagpakumbaba,
    at ang mga tumatangis ay itinataas sa katiwasayan.
12 Kanyang binibigo ang mga pakana ng tuso,
    anupa't ang kanilang mga kamay ay hindi nagkakamit ng tagumpay.
13 Kanyang(A) hinuhuli ang marunong sa kanilang sariling katusuhan;
    at ang balak ng madaya ay dagling nawawakasan.
14 Nakakasalubong nila sa araw ang kadiliman,
    at nangangapa na gaya nang sa gabi kahit katanghalian.
15 Ngunit siya'y nagliligtas mula sa tabak ng kanilang bibig,
    at ang maralita mula sa kamay ng makapangyarihan.
16 Kaya't ang dukha ay may pag-asa,
    at itinitikom ng kawalang-katarungan ang bibig niya.

Ang Kagalingan ng Parusa

17 “Narito,(B) mapalad ang tao na sinasaway ng Diyos,
    kaya't huwag mong hamakin ang pagtutuwid ng Makapangyarihan sa lahat.
18 Sapagkat(C) siya'y sumusugat, ngunit kanyang tinatalian;
    siya'y nananakit, ngunit nagpapagaling ang kanyang mga kamay.
19 Ililigtas ka niya mula sa anim na kaguluhan;
    sa ikapito ay walang kasamaang gagalaw sa iyo.
20 Sa taggutom ay tutubusin ka niya mula sa kamatayan;
    at sa digmaan, mula sa tabak na makapangyarihan.
21 Ikaw ay ikukubli mula sa hagupit ng dila;
    at hindi ka matatakot sa pagkawasak kapag ito'y dumating.
22 Sa pagkawasak at taggutom, ikaw ay tatawa,
    at hindi ka matatakot sa mababangis na hayop sa lupa.
23 Sapagkat ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang;
    at ang mga ganid sa parang sa iyo ay makikipagpayapaan.
24 Malalaman mo na ang iyong tolda ay ligtas,
    at dadalawin mo ang iyong kulungan, at walang nawawalang anuman.
25 Malalaman mo rin na ang iyong lahi ay magiging marami,
    at ang iyong supling ay magiging gaya ng damo sa lupa.
26 Tutungo ka sa iyong libingan sa ganap na katandaan,
    gaya ng bigkis ng trigo na dumarating sa giikan sa kanyang kapanahunan.
27 Narito, siniyasat namin ito; ito ay totoo.
    Dinggin mo, at alamin mo para sa kabutihan mo.”

Job, kahit humingi ka ng tulong, walang tutulong sa iyo. Kahit ang mga anghel[a] ay hindi ka tutulungan. Ang galit at paninibugho ay pumapatay sa hangal at sa walang karunungan. Ayon sa aking nakita at nalaman, maaaring umunlad ang pamumuhay ng isang hangal, pero bigla na lang isusumpa ng Dios ang sambahayan niya. Ang mga anak niyaʼy walang malalapitan at wala ring magtatanggol sa kanila sa hukuman. Ang ani niyaʼy kakainin ng iba. At kahit ang mga bungang nasa tinikan ay kukunin ng mga taong gutom. Ang kayamanan niyaʼy aagawin ng mga taong uhaw sa mga ari-arian. Ang kahirapan at kaguluhan ay hindi tumutubo sa alikabok o lupa. Likas sa tao ang gumawa ng kahirapan at kaguluhan, tulad ng alipatong mula sa apoy na lumilipad paitaas.

“Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Dios. Sasabihin ko sa kanya ang aking kalagayan. Sapagkat gumagawa siya ng mga kahanga-hangang bagay at mga himalang hindi kayang unawain o bilangin. 10 Nagpapadala siya ng ulan sa mundo at pinatutubigan niya ang mga bukirin. 11 Itinataas niya ang mga nagpapakumbaba at kinakalinga ang mga nagdadalamhati. 12 Sinisira niya ang plano ng mga mandaraya, para hindi sila magtagumpay. 13 Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan, at hinahadlangan ang plano ng mga mandaraya. 14 Hindi sila nakakakita kahit maliwanag, at nangangapa sila na parang gabi kahit na katanghalian. 15 Inililigtas ng Dios ang mga dukha mula sa kamatayan at sa mga taong makapangyarihan na umaapi sa kanila. 16 Kaya may pag-asa ang mga dukha, pero ang masasama ay kanyang sinasaway.

17 “Mapalad ang taong itinutuwid ng Dios ang pag-uugali. Kaya huwag mong mamasamain ang pagtutuwid ng Makapangyarihang Dios sa iyo. 18 Sapagkat ang kanyang mga sinusugatan ay kanya ring ginagamot, at ang kanyang sinasaktan ay kanya ring pinagagaling. 19 Palagi ka niyang ililigtas sa mga salot at panganib. 20 Ililigtas ka niya sa kamatayan sa panahon ng taggutom at digmaan. 21 Iingatan ka niya kung sisiraan ka ng iba, at wala kang katatakutan kung dumating man ang kapahamakan. 22 Ang taggutom at kapahamakan ay iyong tatawanan at hindi ka matatakot sa mababangis na hayop, 23 sapagkat hindi ka gagalawin ng mga ito. At hindi ka na mahihirapang magtanim sa bukid mong mabato. 24 Mamumuhay ng payapa ang sambahayan mo at walang mawawala sa iyong mga hayop. 25 Dadami ang iyong angkan na parang kasindami ng mga damo sa lupa. 26 Hahaba ang buhay mo at hindi ka mamamatay nang hindi sa tamang panahon.[b] 27 Ayon sa aming nalaman at naranasan, napatunayan namin na talagang totoo ang lahat ng ito. Kaya dinggin mo ito at isabuhay para sa ikabubuti mo.”

Footnotes

  1. 5:1 ang mga anghel: sa literal, ang mga banal.
  2. 5:26 at hindi ka mamamatay nang hindi sa tamang panahon: sa literal, gaya ng mga hinog na butil na inani sa tamang panahon.