Job 27
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ipinaliwanag ni Job ang Bahagi ng Masama
27 Muling tumugon si Job,
2 “Isinusumpa ko sa Diyos na sa aki'y nagkait ng katarungan,
sa Makapangyarihang Diyos na nagdulot sa akin ng kapaitan.
3-4 Habang mayroon akong hininga na Diyos ang nagbibigay,
ang labi ko'y walang bibigkasing kasinungalingan,
ang aking sasabihin ay pawang katotohanan.
5 Hindi ko matatanggap na kayo ang may katuwiran,
igigiit hanggang kamatayan na ako'y walang kasalanan.
6 Hindi ko isusuko ang aking katuwiran,
budhi ko'y malinis, di ako sinusumbatan.
7 “Parusahan nawa ang lahat ng sa aki'y lumalapastangan;
ituring nawa silang lahat na makasalanan.
8 Ang makasalana'y mayroon pa bang pag-asa,
kapag binawi na ng Diyos ang buhay na taglay niya?
9 Pagsapit ng kaguluhan, papakinggan kaya ng Diyos ang kanyang panawagan?
10 Ito kaya ay mananalig sa Makapangyarihan
at sa lahat ng araw, Diyos ay tatawagan.
11 “Ang kalooban ng Diyos, sa inyo'y sasabihin
at aking ihahayag ang nais niyang gawin.
12 Ang lahat ng ito'y inyo namang nalalaman,
subalit ang salita ninyo'y pawang walang kabuluhan.”
13 Ang sagot ni Zofar:
“Sa masama ay ganito ang inihanda ng Diyos,
sa mararahas ay ito ang parusang ibubuhos:
14 Magkakaanak sila ng marami
ngunit mamamatay sa digmaan,
ang kanilang mga anak, gutom ang mararanasan.
15 Ang matitirang buháy, sa salot mamamatay,
ngunit kanilang mga biyuda, hindi sila tatangisan.
16 Kahit siya'y makaipon ng malaking kayamanan
o kaya'y magkaroon ng maraming kasuotan,
17 isa man sa mga iyon ay di niya papakinabangan,
mapupunta sa matuwid ang lahat niyang kayamanan.
18 Sapot lamang ng gagamba[a] ang katulad ng kanyang bahay,
parang kubo lamang ng mga aliping bantay.
19 Matutulog ang mayaman ngunit hanggang doon na lang;
pagmulat ng kanyang mata, ari-arian niya ay wala na.
20 Mga kasawian ay parang bahang darating,
tatangayin ng ipu-ipo pagsapit ng dilim.
21 Matinding hanging silangan, sa kanya ay tatangay, tuluyan siyang mawawala at di na makikita.
22 Patuloy siyang babayuhin nang walang pakundangan,
ang kapangyarihan nito'y sisikapin niyang matakasan.
23 Sa bandang huli, hangin ay magagalak
pagkat itong masama, tuluyan ng bumagsak.
Footnotes
- 18 Sapot lamang ng gagamba: Sa ibang manuskrito'y Kaya'y pugad ng ibon .
Job 27
Ang Biblia, 2001
Ipinaliwanag ni Job ang Bahagi ng Masama
27 At muling itinuloy ni Job ang kanyang pagsasalita, at nagsabi:
2 “Habang buháy ang Diyos, na siyang nag-alis ng aking karapatan,
at ang Makapangyarihan sa lahat, na siyang sa kaluluwa ko'y nagpapanglaw;
3 habang nasa akin pa ang aking hininga,
at ang espiritu ng Diyos ay nasa mga butas ng aking ilong;
4 ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kabulaanan,
at ang aking dila ay di magsasabi ng kadayaan.
5 Malayo nawa sa akin na sabihing kayo'y tama;
hanggang sa ako'y mamatay, hindi ko aalisin sa akin ang aking katapatan.
6 Ang pagiging matuwid ko ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan,
hindi ako sinisisi ng aking puso sa alinman sa aking mga araw.
7 “Maging gaya nawa ng masama ang aking kaaway,
at ang nag-aalsa laban sa akin ay maging gaya nawa ng makasalanan.
8 Sapagkat ano ang pag-asa ng masasama, kapag siya'y itiniwalag ng Diyos,
kapag kinuha ng Diyos ang kanyang buhay?
9 Diringgin ba ng Diyos ang kanyang pagdaing,
kapag ang kabagabagan sa kanya ay dumating?
10 Sa Makapangyarihan sa lahat siya kaya'y masisiyahan?
Tatawag kaya siya sa Diyos sa lahat ng kapanahunan?
11 Ang tungkol sa kamay ng Diyos sa inyo'y aking ituturo;
kung anong nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko itatago.
12 Ito'y mismong nasaksihan ninyong lahat,
bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan?
13 “Ito ang bahagi ng masamang tao sa Diyos,
at ang manang tinatanggap ng mga nang-aapi mula sa Makapangyarihan sa lahat.
14 Kung dumami ang kanyang mga anak, iyon ay para sa tabak,
at ang kanyang supling ay hindi magkakaroon ng sapat na pagkain.
15 Ang kanyang mga naiwan ay ililibing ng salot,
at ang kanyang mga balo ay hindi nananaghoy.
16 Bagaman siya'y magbunton ng pilak na parang alabok,
at magparami ng damit na parang luwad;
17 mapaparami niya iyon, ngunit ang matuwid ang magsusuot niyon,
at paghahatian ng walang sala ang pilak na natipon.
18 Gaya ng sapot ng gagamba ang itinatayo niyang bahay,
gaya ng isang kubol na ginagawa ng isang bantay.
19 Siya'y nahihigang mayaman, ngunit hindi na niya iyon magagawa,
imumulat niya ang kanyang mga mata, ngunit ang kanyang kayamanan ay nawala.
20 Inaabutan siya ng pagkasindak na gaya ng baha,
sa gabi'y ipu-ipo ang tumatangay sa kanya.
21 Tinatangay siya ng hanging silangan, at siya'y nawawala,
pinapalis siya sa kinaroroonan niya.
22 Ito'y humahampas sa kanya nang walang kaawaan;
at pinagsikapan niyang tumakas mula sa kanyang kapangyarihan.
23 Ipinapalakpak nito ang kanyang mga kamay sa kanya,
at sinisigawan siya mula sa kinaroroonan nito.
Job 27
Ang Biblia (1978)
Ang pagasa ng makasalanan ay walang kabuluhan.
27 At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga, at nagsabi,
2 Buhay ang Dios, (A)na siyang nagalis ng aking katuwiran,
At ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa;
3 (Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin,
At ang espiritu (B)ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong);
4 Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan,
Ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan.
5 Malayo nawa sa aking kayo'y ariin kong ganap:
(C)Hanggang sa ako'y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat.
6 Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan:
(D)Hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako'y buhay.
7 Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama,
At ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko.
8 (E)Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya,
Pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa?
9 (F)Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak.
Pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya?
10 Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat,
At tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon?
11 Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios;
Ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim.
12 Narito, kayong lahat ay nangakakita;
Bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan?
13 (G)Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios,
At ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat.
14 (H)Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa (I)tabak,
At ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay.
15 Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan,
(J)At ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy.
16 Bagaman siya'y (K)magbunton ng pilak na parang alabok,
At maghahanda ng bihisan na parang putik;
17 Maihahanda niya, (L)nguni't ang ganap ang magsusuot niyaon.
At babahagihin ng walang sala ang pilak.
18 Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga,
At (M)gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay.
19 Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya (N)pupulutin;
Kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya.
20 (O)Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na (P)gaya ng tubig;
Bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan,
21 Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw;
At pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako.
22 Sapagka't (Q)hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad;
Siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay.
23 (R)Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya.
At (S)hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako.
Job 27
New International Version
Job’s Final Word to His Friends
27 And Job continued his discourse:(A)
2 “As surely as God lives, who has denied me justice,(B)
the Almighty,(C) who has made my life bitter,(D)
3 as long as I have life within me,
the breath of God(E) in my nostrils,
4 my lips will not say anything wicked,
and my tongue will not utter lies.(F)
5 I will never admit you are in the right;
till I die, I will not deny my integrity.(G)
6 I will maintain my innocence(H) and never let go of it;
my conscience(I) will not reproach me as long as I live.(J)
7 “May my enemy be like the wicked,(K)
my adversary(L) like the unjust!
8 For what hope have the godless(M) when they are cut off,
when God takes away their life?(N)
9 Does God listen to their cry
when distress comes upon them?(O)
10 Will they find delight in the Almighty?(P)
Will they call on God at all times?
11 “I will teach you about the power of God;
the ways(Q) of the Almighty I will not conceal.(R)
12 You have all seen this yourselves.
Why then this meaningless talk?
13 “Here is the fate God allots to the wicked,
the heritage a ruthless man receives from the Almighty:(S)
14 However many his children,(T) their fate is the sword;(U)
his offspring will never have enough to eat.(V)
15 The plague will bury those who survive him,
and their widows will not weep for them.(W)
16 Though he heaps up silver like dust(X)
and clothes like piles of clay,(Y)
17 what he lays up(Z) the righteous will wear,(AA)
and the innocent will divide his silver.(AB)
18 The house(AC) he builds is like a moth’s cocoon,(AD)
like a hut(AE) made by a watchman.
19 He lies down wealthy, but will do so no more;(AF)
when he opens his eyes, all is gone.(AG)
20 Terrors(AH) overtake him like a flood;(AI)
a tempest snatches him away in the night.(AJ)
21 The east wind(AK) carries him off, and he is gone;(AL)
it sweeps him out of his place.(AM)
22 It hurls itself against him without mercy(AN)
as he flees headlong(AO) from its power.(AP)
23 It claps its hands(AQ) in derision
and hisses him out of his place.”(AR)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

