Print Page Options

Walang Matuwid sa Paningin ng Diyos

25 Ito naman ang sagot ni Bildad na Suhita:

“Makapangyarihan ang Diyos dapat siyang igalang;
    naghaharing mapayapa sa buong sangkalangitan.
Ang kanyang mga anghel ay hindi mabibilang,
lahat ay nasisikatan ng kanyang kaliwanagan.
Maaari bang maging matuwid ang tao sa paningin ng Diyos?
    Sa harapan ng Maykapal siya ba'y dalisay nang lubos?
Para sa Diyos, ang buwan ay walang ningning,
    at ang mga bituin ay marumi sa kanyang tingin.
Gaano pa ang tao na isa lamang hamak na uod,
    may halaga kaya siya sa paningin ng Diyos?”

'Job 25 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang ikatlong pagsasalita ni Bildad. Ang tao ay malaking kababaan sa Dios.

25 Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,

Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya;
Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga (A)mataas na dako.
May anomang (B)bilang ba sa kaniyang mga hukbo?
At doon (C)sa hindi sinisikatan ng (D)kaniyang liwanag?
(E)Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios?
O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae.
Narito, pati ng buwan ay walang liwanag,
At ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin:
Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod!
At ang anak ng tao, (F)na isang uod!

Walang Matuwid sa Paningin ng Diyos

25 Nang magkagayo'y ang Suhitang si Bildad ay sumagot, at sinabi,

“Sa Diyos[a] ang pamamahala at pagkatakot,
    gumagawa siya ng kapayapaan sa kanyang langit na matayog.
Ang kanya bang mga hukbo ay may bilang?
    Ang kanyang liwanag ay kanino hindi sumisilang?
Paano ngang magiging ganap ang tao sa harapan ng Diyos?
    O paanong magiging malinis ang ipinanganak ng isang babae?
Tingnan mo, maging ang buwan ay hindi maningning,
    at hindi dalisay ang mga bituin sa kanyang paningin;
gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod!
    At ang anak ng tao, na isang bulati!”

Footnotes

  1. Job 25:2 Sa Hebreo ay kanya .

25 Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,

Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya; siya'y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga mataas na dako.

May anomang bilang ba sa kaniyang mga hukbo? At doon sa hindi sinisikatan ng kaniyang liwanag?

Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae.

Narito, pati ng buwan ay walang liwanag, at ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin:

Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod! At ang anak ng tao, na isang uod!