Print Page Options

Pinagsabihan ni Elifaz si Job

15 Nang magkagayo'y sumagot si Elifaz na Temanita, at sinabi,

“Sasagot ba ang isang pantas ng may mahanging kaalaman,
    at pupunuin ang kanyang sarili ng hanging silangan?
Makikipagtalo ba siya sa walang kabuluhang pag-uusap,
    o ng mga salita na hindi siya makakagawa ng mabuti?
Ngunit inaalis mo ang takot sa Diyos,
    at iyong pinipigil ang pagbubulay-bulay sa harap ng Diyos.
Sapagkat ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa bibig mo,
    at iyong pinipili ang dila ng tuso.
Ang iyong sariling bibig ang humahatol sa iyo, at hindi ako;
    ang iyong sariling mga labi ang nagpapatotoo laban sa iyo.

“Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak?
    O lumabas ka bang una kaysa mga burol?
Nakinig ka na ba sa lihim na payo ng Diyos?
    At iyo bang hinahangganan ang karunungan sa iyong sarili?
Anong nalalaman mo na di namin nalalaman?
    Anong nauunawaan mo na sa amin ay hindi malinaw?
10 Kasama namin kapwa ang mga may uban at ang matatanda,
    mas matanda pa kaysa iyong ama.
11 Ang mga pag-aliw ba ng Diyos ay napakaliit para sa iyo,
    o ang salitang napakabuti sa iyo?
12 Bakit ka napadadala sa iyong puso,
    at bakit kumikindat ang iyong mga mata,
13 na lumalaban sa Diyos ang iyong espiritu,
    at binibigkas mo ang ganyang mga salita sa bibig mo?
14 Ano(A) ang tao na siya'y magiging malinis?
    O siyang ipinanganak ng babae, na siya'y magiging matuwid?
15 Ang Diyos ay hindi nagtitiwala sa kanyang mga banal;
    at ang langit ay hindi malinis sa kanyang paningin.
16 Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak,
    ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig!

17 “Ipapakilala ko sa iyo, dinggin mo ako;
    at ang aking nakita ay ipahahayag ko.
18 (Ang isinaysay ng mga pantas,
    at hindi inilingid ng kanilang mga magulang,
19 sa mga iyon lamang ibinigay ang lupain,
    at walang dayuhan na dumaan sa gitna nila.)
20 Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit sa lahat ng kanyang araw,
    sa lahat ng mga taon na itinakda sa malulupit.
21 Ang mga nakakatakot na ugong ay nasa kanyang mga pakinig;
    sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mangwawasak.
22 Siya'y hindi naniniwala na babalik siya mula sa kadiliman,
    at siya'y nakatakda para sa tabak.
23 Siya'y lumalaboy dahil sa tinapay, na nagsasabi: ‘Nasaan iyon?’
    Kanyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kanyang kamay;
24 kahirapan at dalamhati ang tumatakot sa kanya;
    sila'y nananaig laban sa kanya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipaglaban.
25 Sapagkat iniunat niya ang kanyang kamay laban sa Diyos,
    at hinamon ang Makapangyarihan sa lahat;
26 tumatakbo na may katigasan laban sa kanya
    na may makapal na kalasag;
27 sapagkat tinakpan niya ang kanyang mukha ng kanyang katabaan,
    at nagtipon ng taba sa kanyang mga pigi;
28 at siya'y tumahan sa mga sirang bayan,
    sa mga bahay na walang taong dapat tumahan,
    na nakatakdang magiging mga bunton ng guho;
29 hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kanyang kayamanan,
    ni di lalawak sa lupa ang kanyang mga ari-arian.
30 Siya'y hindi tatakas sa kadiliman;
    tutuyuin ng apoy ang kanyang mga sanga,
    at ang kanyang bulaklak ay tatangayin ng hangin.
31 Huwag siyang magtiwala sa kawalang kabuluhan, na dinadaya ang sarili;
    sapagkat ang kahungkagan ay magiging ganti sa kanya.
32 Ganap itong mababayaran bago dumating ang kanyang kapanahunan,
    at ang kanyang sanga ay hindi mananariwa.
33 Lalagasin niya ang kanyang mga hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas,
    at lalagasin ang kanyang bulaklak na gaya ng punong olibo.
34 Sapagkat ang pulutong ng masasama ay baog,
    at tutupukin ng apoy ang mga toldang suhulan.
35 Sila'y nag-iisip ng kapilyuhan at naglalabas ng kasamaan,
    at naghahanda ng pandaraya ang kanilang kalooban.”

Ang ikalawang pananalita ni Eliphaz. Tinuligsa niya ang pagpapakunwari ni Job.

15 Nang magkagayo'y sumagot si (A)Eliphaz na Temanita, at nagsabi,

Sasagot ba (B)ang isang pantas ng (C)walang kabuluhang kaalaman,
At pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan,
Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap,
O ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti?
Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan,
At iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios.
Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig,
At iyong pinipili ang dila ng mapagkatha.
Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako;
Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo.
Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak?
O nalabas ka bang una kay sa mga burol?
Iyo bang narinig ang (D)lihim na payo ng Dios?
At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili?
(E)Anong nalalaman mo na di namin nalalaman?
Anong nauunawa mo na wala sa amin?
10 (F)Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao,
Matandang makapupo kay sa iyong ama.
11 Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo,
Sa makatuwid baga'y ang salitang napakabuti sa iyo?
12 Bakit ka napadadala sa iyong puso?
At bakit kumikindat ang iyong mga mata?
13 Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios,
At binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig.
14 (G)Ano ang tao upang maging malinis?
At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid?
15 Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga (H)banal;
Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin.
16 Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak,
(I)Ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig!
17 Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako;
At ang aking nakita ay aking ipahahayag:
18 (Ang (J)isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang, at hindi inilingid;
19 Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain,
At (K)walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila:)
20 Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw,
Sa makatuwid baga'y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati.
21 Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig;
(L)Sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam:
22 Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman,
At siya'y hinihintay ng tabak:
23 (M)Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan?
(N)Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay:
24 Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya:
Nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka;
25 Sapagka't iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios.
At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat;
26 Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg,
Sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag;
27 (O)Sapagka't tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan
At nagpangulubot ng kaniyang mga pigi;
28 At siya'y tumahan sa mga sirang bayan,
Sa mga bahay na walang taong tumatahan,
Na madaling magiging mga bunton.
29 Hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kaniyang pagaari.
Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik.
30 Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman;
Tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga,
At sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya.
31 Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili:
Sapagka't kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya.
32 (P)Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan,
At ang kaniyang (Q)sanga ay hindi mananariwa.
33 Lalagasin niya ang kaniyang mga (R)hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas,
At lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo.
34 Sapagka't ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago,
At susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan.
35 (S)Sila'y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan,
At ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya.

'Job 15 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

15 Nang magkagayo'y sumagot si Eliphaz na Temanita, at nagsabi,

Sasagot ba ang isang pantas ng walang kabuluhang kaalaman, at pupunuin ang kaniyang tiyan ng hanging silanganan?

Makikipagmatuwiranan ba siya ng walang kapakinabangang pangungusap, o ng mga salita na hindi niya ikagagawa ng mabuti?

Oo, ikaw ay nagaalis ng katakutan, at iyong pinipigil ang dalangin sa harap ng Dios.

Sapagka't ang iyong kasamaan ang nagtuturo sa iyong bibig, at iyong pinipili ang dila ng mapagkatha.

Ang iyong sariling bibig ang humahatol laban sa iyo, at hindi ako; Oo, ang iyong sariling mga labi ay nagpapatotoo laban sa iyo.

Ikaw ba ang unang tao na ipinanganak? O nalabas ka bang una kay sa mga burol?

Iyo bang narinig ang lihim na payo ng Dios? At ikaw ba'y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili?

Anong nalalaman mo na di namin nalalaman? Anong nauunawa mo na wala sa amin?

10 Kasama namin ay mga ulong may uban, at mga totoong napakatandang tao, matandang makapupo kay sa iyong ama.

11 Ang mga pagaliw ba ng Dios ay totoong kaunti pa sa ganang iyo, sa makatuwid baga'y ang salitang napakabuti sa iyo?

12 Bakit ka napadadala sa iyong puso? At bakit kumikindat ang iyong mga mata?

13 Na tinatalikdan mo ng iyong diwa ang Dios, at binibigkas mo ang ganyang mga salita sa iyong bibig.

14 Ano ang tao upang maging malinis? At siyang ipinanganak ng babae, upang siya'y maging matuwid?

15 Narito, siya'y hindi naglalagak ng tiwala sa kaniyang mga banal; Oo, ang langit ay hindi malinis sa kaniyang paningin.

16 Gaano pa nga kaliit ang karumaldumal at hamak, ang taong umiinom ng kasamaan na parang tubig!

17 Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako; at ang aking nakita ay aking ipahahayag:

18 (Ang isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang, at hindi inilingid;

19 Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain, at walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila:)

20 Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw, sa makatuwid baga'y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati.

21 Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig; sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam:

22 Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman, at siya'y hinihintay ng tabak:

23 Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan? Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay:

24 Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya: nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka;

25 Sapagka't iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios. At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat;

26 Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg, sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag;

27 Sapagka't tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan at nagpangulubot ng kaniyang mga pigi;

28 At siya'y tumahan sa mga sirang bayan, sa mga bahay na walang taong tumatahan, na madaling magiging mga bunton.

29 Hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kaniyang pag-aari. Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik.

30 Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman; tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga, at sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya.

31 Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili: sapagka't kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya.

32 Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan, at ang kaniyang sanga ay hindi mananariwa.

33 Lalagasin niya ang kaniyang mga hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas, at lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo.

34 Sapagka't ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago, at susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan.

35 Sila'y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan, at ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya.

Nagsalita si Elifaz

15 Sumagot si Elifaz na taga-Teman, Job, ang taong marunong ay hindi nagsasalita ng walang kabuluhan. Hindi siya nakikipagtalo sa mga salitang walang saysay. Pero ang mga sinasabi moʼy magtutulak sa tao upang mawalan ng paggalang sa Dios at magiging hadlang sa paglilingkod sa kanya. Ang sinasabi mo ay bunga ng iyong kasamaan. At dinadaya mo ang iba sa pamamagitan ng iyong mga sinasabi. Hindi na kailangang hatulan pa kita, dahil ang iyong mga sinasabi mismo ang nagpapatunay laban sa iyo. Akala mo baʼy ikaw ang unang isinilang? Ipinanganak ka na ba bago nilikha ang mga bundok? Narinig mo na ba ang mga plano ng Dios? Ikaw lang ba ang marunong? Ano bang alam mo na hindi namin alam? At ano ang naunawaan mo na hindi namin naunawaan? 10 Natuto kami sa matatanda na mas matanda pa kaysa sa iyong ama. 11 Sinabi namin sa iyo ang mga salitang mula sa Dios na makapagbibigay ng lakas at aliw sa iyo. Hindi pa ba sapat iyon? 12 Bakit nagpapadala ka sa iyong damdamin? Nabubulagan ka na ba sa katotohanan 13 para magalit ka sa Dios at magsalita ng masama laban sa kanya? 14 Kaya ba ng isang tao na mamuhay ng malinis at matuwid sa paningin ng Dios? 15 Ni hindi nga lubusang nagtitiwala ang Dios sa mga anghel niya. Kung ang mga nilalang niyang ito na nasa langit ay hindi lubusang malinis sa kanyang paningin, 16 ang tao pa kaya na ipinanganak na masama at makasalanan, at uhaw sa paggawa ng masama?

17 Job, pakinggan mo ako. Sasabihin ko sa iyo at ipapaliwanag ang mga naranasan ko. 18 May masasabi rin tungkol dito ang mga marurunong na tao na natuto sa kanilang mga ninuno. 19 Sila lang ang nagmamay-ari ng kanilang lupain, at walang dayuhang sumakop sa kanila.

20 “Ang taong masama ay maghihirap habang buhay. 21 Palagi siyang kinakabahan kahit na walang panganib, dahil iniisip niya na baka salakayin siya ng mga tulisan. 22 Takot din siyang pumunta sa dilim dahil baka may pumatay sa kanya. 23 Kung saan-saan siya naghahanap ng pagkain. Alam niyang malapit nang dumating ang kapahamakan.[a] 24 Kaya labis ang kanyang pagkatakot, katulad ng hari na naghahanda sa pagsalakay sa kanyang mga kaaway. 25 Nangyayari ito sa kanya dahil nagrerebelde at sumusuway siya sa Makapangyarihang Dios. 26 Para siyang nakahawak sa matibay na kalasag at handang kalabanin ang Dios. 27 Kahit mataba at mayaman siya ngayon, 28 titira siya sa mga gibang bayan, sa mga bahay na walang nakatira at malapit nang gumuho. 29 Hindi na dadami ang kanyang kayamanan, at ang mga natitira niyang yaman at ari-arian ay hindi na magtatagal. 30 Hindi siya makakatakas sa kapahamakan.[b] Magiging tulad siya ng puno na ang mga sangaʼy masusunog. Lahat ng ari-arian niya ay mawawala sa isang ihip lamang ng Dios. 31 Huwag sana niyang dayain ang sarili niya sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mga bagay na walang kabuluhan, dahil wala siyang makukuha sa mga iyon. 32 Maagang darating sa kanya ang kanyang parusa at hindi na siya uunlad pa.[c] 33 At magiging tulad siya ng ubas na nalalagas ang mga hilaw na bunga o katulad ng olibo na nalalagas ang mga bulaklak. 34 Sapagkat mamamatay ng walang lahi ang mga taong walang takot sa Dios. At ang mga bahay na itinayo nila mula sa mga suhol ay masusunog. 35 Ang lagi nilang iniisip ay ang manggulo, gumawa ng masama, at mandaya.”

Footnotes

  1. 15:23 malapit nang dumating ang kapahamakan: sa literal, malapit na ang araw ng kadiliman.
  2. 15:30 kapahamakan: sa literal, kadiliman.
  3. 15:32 hindi na siya uunlad pa: sa literal, ang kanyang mga sanga ay hindi na tutubuan ng mga dahon.