Add parallel Print Page Options

13 At malapit na ang paskua (A)ng mga Judio, at (B)umahon si Jesus sa Jerusalem.

14 At nasumpungan niya sa templo (C)yaong nangagbibili ng mga baka at mga tupa at mga kalapati, at ang mga mamamalit ng salapi na nangakaupo:

15 At ginawa niyang isang panghampas ang mga lubid, itinaboy niyang lahat sa templo, ang mga tupa at gayon din ang mga baka; at ibinubo niya ang salapi ng mga mamamalit, at ginulo ang kanilang mga dulang;

16 At sa nangagbibili ng mga kalapati ay sinabi niya, Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito; huwag ninyong gawin ang bahay ng (D)aking Ama na bahay-kalakal.

17 Napagalaala ng kaniyang mga alagad na nasusulat, Kakanin ako (E)ng sikap sa iyong bahay.

18 Ang mga Judio nga'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, (F)Anong tanda ang maipakikita mo sa amin, yamang ginawa mo ang mga bagay na ito?

19 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, (G)Igiba ninyo ang templong ito, at aking (H)itatayo sa tatlong araw.

20 Sinabi nga ng mga Judio, Apat na pu't anim na taon ang pagtatayo ng templong ito, at itatayo sa tatlong araw?

21 Datapuwa't sinasalita niya (I)ang tungkol sa templo ng kaniyang katawan.

22 Nang magbangon na maguli nga siya sa mga patay, ay naalaala ng (J)kaniyang mga alagad na sinalita niya ito; at nagsisampalataya sila sa (K)kasulatan, at sa salitang sinabi ni Jesus.

23 Nang siya nga'y nasa Jerusalem nang paskua, sa loob ng panahon ng kapistahan, ay marami ang mga nagsisampalataya sa kaniyang pangalan, pagkakita (L)ng kaniyang mga tandang ginawa.

Read full chapter