Add parallel Print Page Options

Nang siya'y hulihin at hatulan upang mamatay,
    wala man lamang nagtanggol sa kanyang kalagayan.
Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan.
Siya'y(A) inilibing na kasama ng masasama at mayayaman,
kahit na siya'y walang kasalanan
    o nagsabi man ng kasinungalingan.”

10 Sinabi ni Yahweh,
“Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko;
    ang kanyang kamatayan ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan.
Dahil dito'y mabubuhay siya nang matagal,
    makikita ang lahing susunod sa kanya.
    At sa pamamagitan niya'y maisasagawa ang aking panukala.

Read full chapter

Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, (A)sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.

At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama (B)ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman (C)hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig.

10 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, (D)makikita niya ang kaniyang lahi, (E)pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.

Read full chapter