Isaias 45:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Padadalhan kita ng sunud-sunod na tagumpay,
    parang mga patak ng ulan na bumabagsak sa lupa;
    dahil dito'y maghahari sa daigdig ang kalayaan at katarungan.
Akong si Yahweh ang magsasagawa nito.”
Si Yahweh ng Buong Nilikha at Kasaysayan
9 Ang(A) palayok ba ay makakatutol sa gumawa sa kanya?
Maitatanong ba ng putik sa magpapalayok kung ano ang ginagawa nito?
    Masasabi ba ng palayok na hindi sanay ang gumawa sa kanya?
10 May anak bang magtatanong sa kanyang ama, “Bakit ikaw ang aking naging ama?”
    At sa kanyang ina, “Bakit mo ako ipinanganak?”
Isaias 45:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Maghulog, oh kayong mga langit mula sa itaas, at ang alapaap ay pumatak ng katuwiran: bumuka ang lupa, upang maglabas siya ng kaligtasan, at ang katuwiran ay lumabas na kasama niyaon; akong Panginoon ang lumikha.
9 Sa aba niya, na nakikipagpunyagi sa May-lalang sa kaniya! isang bibinga sa gitna ng mga bibinga sa lupa! (A)Magsasabi baga ang putik sa nagbibigay anyo sa kaniya, Anong ginagawa mo? o ang iyong gawa, Siya'y walang mga kamay?
10 Sa aba niya na nagsasabi sa ama, Ano ang naging anak mo? o sa babae, Ano ang ipinagdamdam mo?
Read full chapter
Isaias 45:8-10
Ang Biblia, 2001
Ang Panginoon ang Manlilikha
8 “Maghulog ka, O mga langit, mula sa itaas,
    at ang kalangitan ay magpaulan ng katuwiran;
bumuka ang lupa, at lumitaw ang kaligtasan,
    at upang ang katuwiran ay lumitaw na kasama nito,
    akong Panginoon ang lumikha nito.
9 “Kahabag-habag(A) siya na makikipagpunyagi sa Maylalang sa kanya!
    Isang luwad na sisidlan sa isang magpapalayok!
Sinasabi ba ng luwad sa nagbibigay anyo sa kanya, ‘Anong ginagawa mo?’
    o ‘ang iyong gawa ay walang mga kamay?’
10 Kahabag-habag siya na nagsasabi sa ama, ‘Ano ang naging anak mo?’
    o sa babae, ‘Ano ang ipinaghihirap mo?’”
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
