Isaias 34:8-10
Magandang Balita Biblia
8 Sapagkat si Yahweh ay may nakatakdang araw ng paghihiganti,
isang taon ng paghihiganti alang-alang sa Zion.
9 Ang mga batis ng Edom ay magiging alkitran,
at magiging asupre ang kanyang lupa,
ang buong bansa ay masusunog na parang aspalto.
10 Araw-gabi'y(A) hindi ito mamamatay,
at patuloy na papailanlang ang usok;
habang panaho'y hindi ito mapapakinabangan,
at wala nang daraan doon kahit kailan.
Isaias 34:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Sapagka't kaarawan (A)ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion.
9 At ang mga batis niya (B)ay magiging sahing, at ang alabok niya ay azufre, at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing.
10 Hindi mapapatay sa gabi o sa araw man; ang usok niyaon ay iilanglang (C)magpakailan man: sa buong panahon ay malalagay na sira; walang daraan doon magpakailankailan man.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
