Print Page Options

Paparusahan ni Yahweh ang Sanlibutan

24 Ang daigdig ay wawasakin ni Yahweh,
    sasalantain niya ang mga lupain at pangangalatin ang mga tao.
Iisa ang sasapitin ng lahat—mamamayan at pari,
    alipin at panginoon;
    alila at may-ari ng bahay,
nagtitinda't namimili,
    nangungutang at nagpapautang.
Mawawasak ang daigdig at wala nang papakinabangin dito;
    mangyayari ito sapagkat sinabi ni Yahweh.

Matutuyo at malalanta ang lupa,
    manghihina ang buong sanlibutan.
    Ang langit at ang lupa ay mabubulok.
Sinira na ang daigdig ng mga naninirahan dito
dahil sinuway nila ang katuruan ng Diyos;
    at nilabag ang kanyang mga utos;
    winasak nila ang walang hanggang tipan.
Kaya susumpain ng Diyos ang daigdig,
    at magdurusa ang mga tao dahil sa kanilang kasamaan,
mababawasan ang mga naninirahan sa lupa;
    kaunti lamang ang matitira sa kanila.
Mauubos ang alak,
    malalanta ang ubasan,
    ang mga nagsasaya'y daranas ng kalungkutan.
Ang masayang tugtog ng tamburin ay hindi na maririnig;
    titigil na ang ingay ng mga nagsasaya;
    mapaparam ang masayang tunog ng alpa!
Mawawala na rin ang pag-iinuman ng alak sa saliw ng awitan,
    ang alak ay magiging mapait sa panlasa.
10 Magulo ang lunsod na winasak;
    ang pintuan ng bawat tahanan ay may harang upang walang makapasok.
11 Sa mga lansangan ay sumisigaw sila dahil kulang ng alak,
    nawala na ang kagalakan at nauwi sa kalungkutan;
    lahat ng kasayahan ay napawi sa lupa.
12 Naguho na ang buong lunsod,
    ang pinto nito'y nagkadurug-durog.
13 Ganyan din ang mangyayari sa lahat ng bansa sa buong daigdig;
parang puno ng olibo matapos lagasin ang bunga,
    tulad ng ubasan matapos ang anihan.

14 Silang nakaligtas ay aawit dahil sa kagalakan,
    mula sa kanluran ay kanilang dadakilain si Yahweh.
15 Pupurihin siya doon sa silangan,
    at ipagbubunyi ang pangalan ni Yahweh,
    ang Diyos ng Israel, sa baybayin ng dagat.
16 May awit ng pagpupuring maririnig, maging sa pinakamalalayong dulo ng daigdig,
    bilang papuri sa Diyos na Matuwid.
Ngunit ang sabi ko naman, “Nalulungkot ako.
    Nasasayang lamang ang panahon. Wala na akong pag-asa.
Patuloy ang panlilinlang ng mga taksil.
    Palala nang palala ang kanilang pagtataksil.”

17 Mga tao sa daigdig, naghihintay sa inyo
    ang matinding takot, malalim na hukay, at nakaumang na bitag.
18 Sinumang tumakas dahil sa takot,
    sa balong malalim, doon mahuhulog.
Pag-ahon sa balon na kinahulugan,
    bitag ang siyang kasasadlakan.
Sapagkat mabubuksan ang durungawan ng langit,
    at mauuga ang pundasyon ng daigdig.
19 Ang daigdig ay tuluyang mawawasak,
    sa lakas ng uga ito'y mabibiyak.
20 Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray-suray
    at kubong maliit na hahapay-hapay,
sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay,
    tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na babangon magpakailanman.

21 Darating ang araw na paparusahan ni Yahweh
    ang hukbo ng kasamaan sa himpapawid,
    gayundin ang mga hari dito sa daigdig.
22 Tulad ng mga bilanggo,
    ihuhulog silang sama-sama sa isang malalim na balon;
ikukulong sila sa piitang bakal,
    at paparusahan pagkaraan ng maraming araw.
23 Mawawala ang liwanag ng araw at buwan,
at maghahari si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat,
    sa Bundok ng Zion, at sa Jerusalem.
Doo'y mahahayag ang kanyang kaluwalhatian, sa harap ng mga pinuno ng bayan.

'Isaias 24 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Hahatulan ng Panginoon ang mga Bansa

24 Gigibain ng Panginoon ang lupa at ito'y sisirain,
    at pipilipitin niya ang ibabaw nito at ang mga naninirahan doon ay pangangalatin.
At kung paano sa mga tao, gayon sa pari;
    kung paano sa alipin, gayon sa kanyang panginoon;
    kung paano sa alilang babae, gayon sa kanyang panginoong babae;
kung paano sa mamimili, gayon sa nagbibili;
    kung paano sa nagpapahiram, gayon sa manghihiram;
    kung paano sa nagpapautang, gayon sa mangungutang.
Lubos na mawawalan ng laman ang lupa, at lubos na masisira;
    sapagkat ang salitang ito ay sa Panginoon mula.

Ang lupa ay tumatangis at natutuyo,
    ang sanlibutan ay nanghihina at natutuyo,
    ang mapagmataas na bayan sa lupa ay lilipas.
Ang lupa ay nadumihan
    ng mga doo'y naninirahan,
sapagkat kanilang sinuway ang kautusan,
    nilabag ang tuntunin,
    sinira ang walang hanggang tipan.
Kaya't nilamon ng sumpa ang lupa,
    at silang naninirahan doon ay nagdurusa dahil sa kanilang pagkakasala,
kaya't nasunog ang mga naninirahan sa lupa,
    at kakaunting tao ang nalabi.
Ang alak ay tumatangis,
    ang puno ng ubas ay nalalanta,
    lahat ng masayang puso ay nagbubuntong-hininga.
Ang saya ng mga alpa ay tumigil,
    ang ingay nila na nagagalak ay nagwakas,
    ang galak ng lira ay huminto.
Sila'y hindi magsisiinom ng alak na may awitan;
    ang matapang na alak ay nagiging mapait sa kanila na nagsisiinom niyon.
10 Ang lunsod na magulo ay bumagsak.
    Bawat bahay ay nasarhan, upang walang taong makapasok doon.
11 May sigawan sa mga lansangan dahil sa kakulangan sa alak;
    lahat ng kagalakan ay natapos na,
    sa lupa ay nawala ang kasayahan.
12 Naiwan sa lunsod ang pagkawasak,
    at ang pintuan ay winasak.
13 Sapagkat ganito ang mangyayari sa lupa
    sa gitna ng mga bansa,
kapag inuga ang isang punong olibo,
    gaya ng pamumulot ng ubas pagkatapos ng pag-aani.
14 Inilakas nila ang kanilang mga tinig, sila'y umawit sa kagalakan,
    dahil sa kadakilaan ng Panginoon ay sumigaw sila mula sa kanluran.
15 Kaya't mula sa silangan ay luwalhatiin ninyo ang Panginoon;
    sa mga pulo ng dagat, ang pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.
16 Mula sa kadulu-duluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit ng papuri,
    ng kaluwalhatian sa Matuwid.
Ngunit aking sinabi, “Nanghihina ako,
    nanghihina ako, kahabag-habag ako!
Sapagkat ang mga taksil ay gumagawa ng kataksilan.
    Ang mga taksil ay gumagawang may lubhang kataksilan.”

17 Ang takot, ang hukay, at ang bitag ay nasa iyo,
    O naninirahan sa lupa.
18 Siyang tumatakas sa tunog ng pagkasindak
    ay mahuhulog sa hukay;
at siyang umaakyat mula sa hukay
    ay mahuhuli sa bitag.
Sapagkat ang mga bintana ng langit ay nakabukas,
    at ang mga pundasyon ng lupa ay umuuga.
19 Ang lupa ay lubos na nagiba,
    ang lupa ay lubos na nasira,
    ang lupa ay marahas na niyanig.
20 Pagiray-giray na parang taong lasing ang lupa,
    ito'y gumigiray na parang dampa;
at ang kanyang paglabag ay nagiging mabigat sa kanya,
    at ito'y bumagsak, at hindi na muling babangon pa.

21 At sa araw na iyon, parurusahan ng Panginoon
    ang hukbo ng langit, sa langit,
    at ang mga hari sa lupa, sa ibabaw ng lupa.
22 At sila'y matitipong sama-sama,
    kagaya ng mga bilanggo sa hukay,
sila'y sasarhan sa bilangguan,
    at pagkaraan ng maraming araw sila'y parurusahan.
23 Kung magkagayo'y malilito ang buwan,
    at ang araw ay mapapahiya;
sapagkat ang Panginoon ng mga hukbo ay maghahari
    sa bundok ng Zion at sa Jerusalem;
at sa harapan ng kanyang matatanda ay ihahayag niya ang kanyang kaluwalhatian.

24 Narito, pinawawalan ng laman ng Panginoon ang lupa, at sinisira, at binabaligtad, at pinangangalat ang mga nananahan doon.

At mangyayari, na kung paano sa mga tao, gayon sa saserdote; kung paano sa alipin, gayon sa kaniyang panginoon; kung paano sa alilang babae, gayon sa kaniyang panginoong babae; kung paano sa mamimili, gayon sa nagbibili; kung paano sa mapagpahiram, gayon sa manghihiram; kung paano sa mapagpatubo, gayon sa pinatutubuan.

Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman, at lubos na masasamsaman; sapagka't sinalita ng Panginoon ang salitang ito.

Ang lupa ay tumatangis at nasisira, ang sanglibutan ay nanghihina at nanglalata, ang mapagmataas na bayan sa lupa ay nanghihina.

Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka't kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin, sinira ang walang hanggang tipan.

Kaya't nilamon ng sumpa ang lupa, at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin; kaya't ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog, at nangagilan ang tao.

Ang bagong alak ay pinabayaan, ang puno ng ubas ay nalanta, lahat ng masayang puso ay nagbubuntong-hininga.

Ang saya ng mga pandereta ay naglikat, ang kaingay nila na nangagagalak ay nagkawakas, ang galak ng alpa ay naglikat.

Sila'y hindi magsisiinom ng alak na may awitan; matapang na alak ay magiging mapait sa kanila na nagsisiinom niyaon.

10 Ang bayan ng pagkalito ay nabagsak: bawa't bahay ay nasarhan, upang walang taong makapasok doon.

11 May daing sa mga lansangan dahil sa alak; lahat ng kagalakan ay naparam, ang kasayahan sa lupa ay nawala.

12 Naiwan sa bayan ay kagibaan, at ang pintuang-bayan ay nawasak.

13 Sapagka't ganito ang mangyayari sa mga tao sa gitna ng lupain na gaya ng paguga sa isang punong olibo, gaya ng pamumulot ng ubas pagkatapos ng pag-aani.

14 Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig, sila'y magsisihiyaw; dahil sa kamahalan ng Panginoon ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat.

15 Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat.

16 Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid. Nguni't aking sinabi, Namamatay ako, namamayat ako, sa aba ko! ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan, oo, ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan.

17 Takot, at ang hukay, at ang silo ay nangasa iyo, Oh nananahan sa lupa.

18 At mangyayari, na siyang tumatakas sa kakilakilabot na kaingay ay mahuhulog sa hukay; at siyang sumasampa mula sa gitna ng hukay ay mahuhuli sa silo: sapagka't ang mga dungawan sa itaas ay nangabuksan, at ang mga patibayan ng lupa ay umuuga.

19 Ang lupa ay nagibang lubos, ang lupa ay lubos na nasira, ang lupa ay nakilos ng di kawasa.

20 Ang lupa ay gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.

21 At mangyayari, sa araw na yaon, na parurusahan ng Panginoon ang hukbo ng mga mataas sa itaas, at ang mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa.

22 At sila'y mangapipisan, gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay, at masasarhan sa bilangguan, at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila.

23 Kung magkagayo'y malilito ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay maghahari sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian.

The Lord’s Devastation of the Earth

24 See, the Lord is going to lay waste the earth(A)
    and devastate(B) it;
he will ruin its face
    and scatter(C) its inhabitants—
it will be the same
    for priest as for people,(D)
    for the master as for his servant,
    for the mistress as for her servant,
    for seller as for buyer,(E)
    for borrower as for lender,
    for debtor as for creditor.(F)
The earth will be completely laid waste(G)
    and totally plundered.(H)
The Lord has spoken(I) this word.

The earth dries up(J) and withers,(K)
    the world languishes and withers,
    the heavens(L) languish with the earth.(M)
The earth is defiled(N) by its people;
    they have disobeyed(O) the laws,
violated the statutes
    and broken the everlasting covenant.(P)
Therefore a curse(Q) consumes the earth;
    its people must bear their guilt.
Therefore earth’s inhabitants are burned up,(R)
    and very few are left.
The new wine dries up(S) and the vine withers;(T)
    all the merrymakers groan.(U)
The joyful timbrels(V) are stilled,
    the noise(W) of the revelers(X) has stopped,
    the joyful harp(Y) is silent.(Z)
No longer do they drink wine(AA) with a song;
    the beer is bitter(AB) to its drinkers.
10 The ruined city(AC) lies desolate;(AD)
    the entrance to every house is barred.
11 In the streets they cry out(AE) for wine;(AF)
    all joy turns to gloom,(AG)
    all joyful sounds are banished from the earth.
12 The city is left in ruins,(AH)
    its gate(AI) is battered to pieces.
13 So will it be on the earth
    and among the nations,
as when an olive tree is beaten,(AJ)
    or as when gleanings are left after the grape harvest.(AK)

14 They raise their voices, they shout for joy;(AL)
    from the west(AM) they acclaim the Lord’s majesty.
15 Therefore in the east(AN) give glory(AO) to the Lord;
    exalt(AP) the name(AQ) of the Lord, the God of Israel,
    in the islands(AR) of the sea.
16 From the ends of the earth(AS) we hear singing:(AT)
    “Glory(AU) to the Righteous One.”(AV)

But I said, “I waste away, I waste away!(AW)
    Woe(AX) to me!
The treacherous(AY) betray!
    With treachery the treacherous betray!(AZ)
17 Terror(BA) and pit and snare(BB) await you,
    people of the earth.(BC)
18 Whoever flees(BD) at the sound of terror
    will fall into a pit;(BE)
whoever climbs out of the pit
    will be caught in a snare.(BF)

The floodgates of the heavens(BG) are opened,
    the foundations of the earth shake.(BH)
19 The earth is broken up,(BI)
    the earth is split asunder,(BJ)
    the earth is violently shaken.
20 The earth reels like a drunkard,(BK)
    it sways like a hut(BL) in the wind;
so heavy upon it is the guilt of its rebellion(BM)
    that it falls(BN)—never to rise again.(BO)

21 In that day(BP) the Lord will punish(BQ)
    the powers(BR) in the heavens above
    and the kings(BS) on the earth below.
22 They will be herded together
    like prisoners(BT) bound in a dungeon;(BU)
they will be shut up in prison
    and be punished[a] after many days.(BV)
23 The moon will be dismayed,
    the sun(BW) ashamed;
for the Lord Almighty will reign(BX)
    on Mount Zion(BY) and in Jerusalem,
    and before its elders—with great glory.(BZ)

Footnotes

  1. Isaiah 24:22 Or released