Font Size
Galacia 2:6-8
Ang Salita ng Diyos
Galacia 2:6-8
Ang Salita ng Diyos
6 Ngunit ang mga lalaking ipinapalagay na mga may katungkulan sa akin, walang anuman sa akin kung sino sila. Hindi tinatanggap ng Diyos ang tao batay sa kaniyang panlabas na kaanyuan sapagkat iyon na wari ay kinikilalang mga may matataas na katungkulan ay walang ano mang naidagdag sa aking itinuro. 7 Sa halip, nakita nila na ipinagkatiwala sa akin ng Diyos ang ebanghelyo para sa mga hindi nasa pagtutuli. Ito ay gaya rin naman ng pagkakatiwala niya ng ebanghelyo kay Pedro para sa mga nasa pagtutuli. 8 Ito ay sapagkat ang Diyos na gumawa kay Pedro upang maging apostol sa mga tuli ay siya ring Diyos na gumawa sa akin para sa mga Gentil.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International