Filipos 2:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan,
maging ito man ay kamatayan sa krus.
9 Dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos,
at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
10 Sa(A) gayon, sa pangalan ni Jesus
ay luluhod at magpupuri ang lahat
ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.[a]
Footnotes
- 10 ILALIM NG LUPA: Ipinapalagay nila noon na ang mga patay ay namamalagi pa sa madilim na dako sa ilalim ng lupa.
Filipos 2:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 ibinaba niya ang kanyang sarili,
at naging masunurin hanggang sa kamatayan,
maging kamatayan sa krus.
9 Kaya naman siya'y lubusang itinaas ng Diyos,
at ginawaran ng pangalang higit na mataas kaysa lahat ng pangalan;
10 upang (A) sa pangalan ni Jesus
ang bawat tuhod ay lumuhod,
ang mga nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa,
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
