Filemon 4-6
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pag-ibig at Pananampalataya ni Filemon
4 Lagi akong nagpapasalamat sa Dios sa tuwing ipinapanalangin kita, 5 dahil nabalitaan ko ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus at ang pagmamahal mo sa lahat ng mga pinabanal[a] ng Dios. 6 Idinadalangin ko na sana ang pagiging mapagbigay mo, na bunga ng iyong pananampalataya,[b] ay magpatuloy habang lumalago ang iyong pang-unawa sa lahat ng mabubuting bagay na ibinigay sa atin dahil tayoʼy nakay Cristo.
Read full chapter
Filemon 4-6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pag-ibig at Pananampalataya ni Filemon
4 Lagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos tuwing isinasama kita sa aking mga dalangin, 5 sapagkat nababalitaan ko ang pag-ibig na ipinapakita mo sa lahat ng mga banal at ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus. 6 Idinadalangin kong ang pamamahagi mo ng iyong pananampalataya ay maging mabisa upang lubos mong maunawaan ang mga kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Cristo.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
