Filemon 21-23
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
21 Sumulat ako dahil malaki ang tiwala kong pagbibigyan mo ang aking kahilingan, at alam kong higit pa roon ang iyong gagawin.
22 Siya nga pala, ipaghanda mo ako ng matutuluyan, dahil umaasa akong makakabalik sa inyo dahil sa inyong panalangin.
Pangwakas na Pagbati
23 Kinukumusta ka ni Epafras na kapwa ko bilanggo dahil kay Cristo Jesus.
Read full chapter
Filemon 21-23
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
21 Sinulatan kita dahil nagtitiwala akong gagawin mo ang hinihiling ko, at maaaring higit pa roon ang gagawin mo! 22 Ipaghanda mo na rin ako ng matutuluyan, sapagkat umaasa ako na sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ay maibabalik ako sa inyo.
Pangwakas na Pagbati
23 Binabati (A) ka ni Epafras na kasama kong bilanggo dahil kay Cristo Jesus.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
