Add parallel Print Page Options

Ang pagkakaroon ng maraming Palaka.

At sinalita ng Panginoon kay Moises, Pasukin mo si Faraon at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Tulutan mong yumaon ang aking bayan, (A)upang ako'y mapaglingkuran nila.

At kung ayaw mo silang payaunin, ay narito, aking sasalutin ng mga (B)palaka ang inyong buong lupain:

At ang ilog ay mapupuno ng mga palaka, na magsisiahon at magsisipasok sa iyong bahay, at sa iyong (C)tulugan, at sa iyong higaan, at sa bahay ng iyong mga lingkod, at sa iyong bayan, at sa iyong mga hurno, at sa iyong mga masa ng tinapay.

At kapuwa aakyatin ng mga palaka ikaw at ang iyong bayan, at lahat ng iyong mga lingkod.

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron, (D)Iunat mo ang iyong kamay pati ng iyong tungkod sa mga ilog, sa mga bangbang, at sa mga lawa, at magpaahon ka ng mga palaka sa lupain ng Egipto.

At iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay sa tubig sa Egipto; (E)at ang mga palaka ay nagsiahon, at tinakpan ang lupain ng Egipto.

(F)At ang mga mahiko ay gumawa ng gayon din sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto, at nagpaahon ng mga palaka sa lupain ng Egipto.

Nang magkagayo'y tinawag ni Faraon si Moises at si Aaron, at sinabi, (G)Manalangin kayo sa Panginoon, na alisin ang mga palaka sa akin, at sa aking bayan; at aking tutulutang yumaon, ang bayan upang sila'y makapaghain sa Panginoon.

At sinabi ni Moises kay Faraon, Magkaroon ka ng kaluwalhatiang ito sa akin: anong oras isasamo kita, at ang iyong mga lingkod, at ang iyong bayan, upang ang mga palaka ay malipol sa iyo at sa iyong mga bahay, at mangatira na lamang sa ilog?

10 At kaniyang sinabi, Sa kinabukasan. At sinabi ni Moises, Mangyayari ayon sa iyong salita: upang iyong maalaman na (H)walang gaya ng Panginoon naming Dios.

11 At ang mga palaka ay magsisialis sa iyo, at sa iyong bahay, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan; mangatitira na lamang sa ilog.

12 At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ni Faraon: at si Moises ay dumaing sa Panginoon tungkol sa mga palaka na kaniyang dinala kay Faraon.

13 At ginawa ng Panginoon ayon sa salita ni Moises, at ang mga palaka ay namatay sa mga bahay, sa mga looban at sa mga parang.

14 At kanilang pinagpisan sa buntonbunton: at ang lupa ay bumaho.

15 Nguni't nang makita ni Faraon na (I)may pahinga ay pinapagmatigas ang kaniyang puso, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.

Ang salot sa Kuto at Langaw.

16 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron: Iunat mo ang iyong tungkod, at paluin mo ang alabok ng lupa, upang maging mga kuto sa lupaing Egipto.

17 At kaniyang ginawang gayon; at iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay pati ng kaniyang tungkod, at pinalo ang alabok ng lupa, at (J)nagkakuto sa tao at sa hayop; lahat ng alabok ng lupa ay naging mga kuto sa buong lupain ng Egipto.

18 At (K)ang mga mahiko ay gumawa ng gayon sa pamamagitan ng kanilang mga enkanto, upang maglabas ng mga kuto, nguni't hindi nila nagawa: at nagkakuto sa tao at sa hayop.

19 Nang magkagayo'y sinabi ng mga mahiko kay Faraon, Ito'y (L)daliri ng Dios: at ang puso ni Faraon ay nagmatigas, at hindi niya dininig sila; gaya ng sinalita ng Panginoon.

20 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumangon kang maaga sa kinaumagahan, at tumayo ka sa harap ni Faraon; narito, siya'y pasasa tubig, at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon: Payaunin mo ang aking bayan upang sila'y makapaglingkod sa akin.

21 Saka kung hindi mo payayaunin ang aking bayan ay magsusugo ako ng pulupulutong na langaw sa iyo, at sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan, at sa loob ng iyong mga bahay: at ang mga bahay ng mga Egipcio ay mapupuno ng pulupulutong na langaw, at gayon din ang lupa na kinaroroonan nila.

22 (M)At aking ihihiwalay sa araw na yaon ang lupain ng Gosen, na kinatatahanan ng aking bayan, upang huwag magkaroon doon ng pulupulutong na langaw: ng iyong maalaman na ako ang Panginoon sa gitna ng lupa.

23 At aking (N)paghihiwalayin ang aking bayan at ang iyong bayan: sa kinabukasan mangyayari ang tandang ito.

24 At ginawang gayon ng Panginoon, (O)at nagsipasok ang mga makapal na pulupulutong na langaw sa bahay ni Faraon, at sa bahay ng kaniyang mga lingkod: at sa buong lupain ng Egipto ay nasisira ang lupa dahil sa mga pulupulutong na langaw.

25 At tinawag ni Faraon si Moises at si Aaron, at sinabi, Yumaon kayo, maghain kayo sa inyong Dios sa lupain.

26 At sinabi ni Moises, Hindi marapat na aming gawing ganyan; sapagka't aming ihahain (P)ang mga kasuklamsuklam ng mga Egipcio, sa Panginoon naming Dios: narito, ihahain ba namin ang kasuklamsuklam ng mga Egipcio sa harap ng kanilang mga mata at di ba nila kami (Q)babatuhin?

27 (R)Kami ay yayaong tatlong araw na maglalakbay sa ilang, at maghahain sa Panginoon naming Dios, ayon sa kaniyang iniutos sa amin.

28 At sinabi ni Faraon, Aking payayaunin kayo upang kayo'y makapaghain sa Panginoon ninyong Dios sa ilang; huwag lamang kayong pakakalayo: tuloy (S)idaing ninyo ako.

29 At sinabi ni Moises, Narito iiwan kita, at aking idadalangin sa Panginoon, na ang mga pulupulutong na langaw ay magsialis bukas kay Faraon, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan: nguni't huwag nang magdaya pa si Faraon, na huwag na di payaunin ang bayan, upang maghain sa Panginoon.

30 At iniwan ni Moises si Faraon, at nanalangin sa Panginoon.

31 At ginawa ng Panginoon ang ayon sa salita ni Moises; at inialis niya ang mga pulupulutong na langaw kay Faraon, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan; na walang natira kahit isa.

32 At pinapagmatigas ding muli ni Faraon ang kaniyang puso at hindi pinayaon ang bayan.

Nagkaroon ng Napakaraming Palaka

Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Pumunta ka kay Faraon at sabihin mo sa kanya, ‘Ganito ang sabi ng Panginoon: Pahintulutan mong umalis ang aking bayan, upang sila'y makasamba sa akin.

Kung ayaw mo silang paalisin, aking sasalutin ng mga palaka ang iyong buong lupain.

Ang ilog ay mapupuno ng mga palaka na aahon at papasok sa iyong bahay, tulugan, higaan, sa bahay ng iyong mga lingkod, sa iyong bayan, mga hurno, at sa iyong mga masahan ng tinapay.

Aakyatin ka ng mga palaka at ang iyong bayan, at ang lahat ng iyong mga lingkod.’”

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, ‘Iunat mo ang iyong kamay na hawak ang iyong tungkod sa mga ilog, sa mga bambang, sa mga lawa, at magpaahon ka ng mga palaka sa lupain ng Ehipto!’”

Iniunat ni Aaron ang kanyang kamay sa tubig sa Ehipto at ang mga palaka ay nag-ahunan at tinakpan ang lupain ng Ehipto.

Ngunit ang mga salamangkero ay gumawa ng gayundin sa pamamagitan ng kanilang mga lihim na karunungan at nagpaahon ng mga palaka sa lupain ng Ehipto.

Nang magkagayo'y tinawag ni Faraon sina Moises at Aaron at sinabi, “Pakiusapan ninyo ang Panginoon na alisin ang mga palaka sa akin at sa aking bayan, at aking papayagang umalis ang bayan upang sila'y makapaghandog sa Panginoon.”

Sinabi ni Moises kay Faraon, “Pakisabi mo sa akin kung kailan ako makikiusap para sa iyo, sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan upang ang mga palaka ay maalis mula sa iyo at sa inyong mga bahay, at manatili na lamang sa Nilo.”

10 Kanyang sinabi, “Bukas.” Sinabi ni Moises, “Mangyayari ayon sa iyong salita upang iyong malaman na walang tulad ng Panginoon naming Diyos.

11 Ang mga palaka ay aalis sa iyo at sa iyong mga bahay, sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan; mananatili na lamang sila sa Nilo.”

12 Kaya't sina Moises at Aaron ay umalis sa harapan ni Faraon; at si Moises ay nanawagan sa Panginoon tungkol sa mga palaka na kanyang dinala kay Faraon.

13 Ginawa ng Panginoon ang ayon sa salita ni Moises; at ang mga palaka ay namatay sa mga bahay, sa mga looban at sa mga kabukiran.

14 Kanilang tinipon ang mga ito nang buntun-bunton at ang lupain ay bumaho.

15 Ngunit nang makita ni Faraon na nagkaroon ng sandaling ginhawa, pinagmatigas niya ang kanyang puso, at hindi niya dininig sila, gaya ng sinabi ng Panginoon.

Ang Salot ng Kuto at Langaw

16 Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron; ‘Iunat mo ang iyong tungkod, at hampasin mo ang alabok ng lupa, upang ito ay maging mga kuto sa buong lupain ng Ehipto.’”

17 Gayon ang ginawa nila. Iniunat ni Aaron ang kanyang kamay hawak ang kanyang tungkod, at hinampas ang alabok ng lupa, at nagkaroon ng kuto sa tao at sa hayop. Ang lahat ng alabok ng lupa ay naging mga kuto sa buong lupain ng Ehipto.

18 Ang mga salamangkero ay nagsikap sa pamamagitan ng kanilang mga lihim na kaalaman na magpalabas ng mga kuto, ngunit hindi nila nagawa. Kaya't nagkaroon ng kuto sa tao at sa hayop.

19 Nang(A) magkagayo'y sinabi ng mga salamangkero sa Faraon, “Ito ay daliri ng Diyos.” Ngunit ang puso ni Faraon ay nagmatigas at hindi niya pinakinggan sila, gaya nang sinabi ng Panginoon.

20 Pagkatapos ay sinabi ng Panginoon kay Moises, “Bumangon ka nang maaga sa kinaumagahan, at tumayo ka sa harapan ni Faraon habang siya ay patungo sa tubig, at sabihin mo sa kanya, ‘Ganito ang sabi ng Panginoon, “Pahintulutan mong umalis ang aking bayan upang sila'y makasamba sa akin.

21 Sapagkat kung hindi mo papayagang umalis ang aking bayan ay magsusugo ako ng pulu-pulutong na langaw sa iyo, sa iyong mga lingkod, sa iyong bayan, at sa loob ng inyong mga bahay. Ang mga bahay ng mga Ehipcio ay mapupuno ng pulu-pulutong na langaw, at gayundin ang lupang kinaroroonan nila.

22 Subalit aking ibubukod sa araw na iyon ang lupain ng Goshen na tinitirhan ng aking bayan, upang huwag magkaroon doon ng pulu-pulutong na langaw, upang iyong malaman na ako ang Panginoon sa lupaing ito.

23 Lalagyan ko ng pagkakaiba ang aking bayan at ang iyong bayan. Kinabukasan, mangyayari ang tandang ito.” ’ ”

24 Gayon ang ginawa ng Panginoon, at pumasok ang pulu-pulutong na langaw sa bahay ng Faraon, sa bahay ng kanyang mga lingkod; at sa buong lupain ng Ehipto ay nasira ang lupain dahil sa mga pulu-pulutong na langaw.

25 Pagkatapos, ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron at sinabi, “Humayo kayo, maghandog kayo sa inyong Diyos sa loob ng lupain.”

26 Ngunit sinabi ni Moises, “Hindi tama na gayon ang aming gawin, sapagkat aming iaalay sa Panginoon naming Diyos ang mga handog na karumaldumal sa mga Ehipcio. Kung ihahandog ba namin ang mga handog na karumaldumal sa mga Ehipcio sa harap ng kanilang paningin, hindi ba nila kami babatuhin?

27 Kami ay hahayo sa tatlong araw na paglalakbay sa ilang at maghahandog sa Panginoon naming Diyos, ayon sa kanyang ipag-uutos sa amin.”

28 Kaya't sinabi ni Faraon, “Papayagan kong umalis kayo upang kayo'y makapaghandog sa Panginoon ninyong Diyos sa ilang. Huwag lamang kayong masyadong lalayo. Idalangin ninyo ako.”

29 Sinabi ni Moises, “Pagkaalis ko sa harapan mo ay aking hihilingin sa Panginoon na bukas ay umalis ang mga pulu-pulutong na langaw mula sa Faraon, sa kanyang mga lingkod, at sa kanyang bayan; ngunit huwag nang mandaya pang muli ang Faraon sa hindi pagpayag na humayo ang bayan upang maghandog sa Panginoon.”

30 Kaya't iniwan ni Moises ang Faraon at nanalangin sa Panginoon.

31 Ginawa ng Panginoon ang ayon sa salita ni Moises: inalis niya ang mga pulu-pulutong na langaw mula sa Faraon, sa kanyang mga lingkod, at sa kanyang bayan; walang natira kahit isa.

32 Ngunit pinatigas na muli ng Faraon ang kanyang puso at hindi pinayagang umalis ang taong-bayan.

'Exodo 8 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

[a]Then the Lord said to Moses, “Go to Pharaoh and say to him, ‘This is what the Lord says: Let my people go, so that they may worship(A) me. If you refuse to let them go, I will send a plague of frogs(B) on your whole country. The Nile will teem with frogs. They will come up into your palace and your bedroom and onto your bed, into the houses of your officials and on your people,(C) and into your ovens and kneading troughs.(D) The frogs will come up on you and your people and all your officials.’”

Then the Lord said to Moses, “Tell Aaron, ‘Stretch out your hand with your staff(E) over the streams and canals and ponds, and make frogs(F) come up on the land of Egypt.’”

So Aaron stretched out his hand over the waters of Egypt, and the frogs(G) came up and covered the land. But the magicians did the same things by their secret arts;(H) they also made frogs come up on the land of Egypt.

Pharaoh summoned Moses and Aaron and said, “Pray(I) to the Lord to take the frogs away from me and my people, and I will let your people go to offer sacrifices(J) to the Lord.”

Moses said to Pharaoh, “I leave to you the honor of setting the time(K) for me to pray for you and your officials and your people that you and your houses may be rid of the frogs, except for those that remain in the Nile.”

10 “Tomorrow,” Pharaoh said.

Moses replied, “It will be as you say, so that you may know there is no one like the Lord our God.(L) 11 The frogs will leave you and your houses, your officials and your people; they will remain only in the Nile.”

12 After Moses and Aaron left Pharaoh, Moses cried out to the Lord about the frogs he had brought on Pharaoh. 13 And the Lord did what Moses asked.(M) The frogs died in the houses, in the courtyards and in the fields. 14 They were piled into heaps, and the land reeked of them. 15 But when Pharaoh saw that there was relief,(N) he hardened his heart(O) and would not listen to Moses and Aaron, just as the Lord had said.

The Plague of Gnats

16 Then the Lord said to Moses, “Tell Aaron, ‘Stretch out your staff(P) and strike the dust of the ground,’ and throughout the land of Egypt the dust will become gnats.” 17 They did this, and when Aaron stretched out his hand with the staff and struck the dust of the ground, gnats(Q) came on people and animals. All the dust throughout the land of Egypt became gnats. 18 But when the magicians(R) tried to produce gnats by their secret arts,(S) they could not.

Since the gnats were on people and animals everywhere, 19 the magicians said to Pharaoh, “This is the finger(T) of God.” But Pharaoh’s heart(U) was hard and he would not listen,(V) just as the Lord had said.

The Plague of Flies

20 Then the Lord said to Moses, “Get up early in the morning(W) and confront Pharaoh as he goes to the river and say to him, ‘This is what the Lord says: Let my people go, so that they may worship(X) me. 21 If you do not let my people go, I will send swarms of flies on you and your officials, on your people and into your houses. The houses of the Egyptians will be full of flies; even the ground will be covered with them.

22 “‘But on that day I will deal differently with the land of Goshen,(Y) where my people live;(Z) no swarms of flies will be there, so that you will know(AA) that I, the Lord, am in this land. 23 I will make a distinction[b] between my people and your people.(AB) This sign will occur tomorrow.’”

24 And the Lord did this. Dense swarms of flies poured into Pharaoh’s palace and into the houses of his officials; throughout Egypt the land was ruined by the flies.(AC)

25 Then Pharaoh summoned(AD) Moses and Aaron and said, “Go, sacrifice to your God here in the land.”

26 But Moses said, “That would not be right. The sacrifices we offer the Lord our God would be detestable to the Egyptians.(AE) And if we offer sacrifices that are detestable in their eyes, will they not stone us? 27 We must take a three-day journey(AF) into the wilderness to offer sacrifices(AG) to the Lord our God, as he commands us.”

28 Pharaoh said, “I will let you go to offer sacrifices to the Lord your God in the wilderness, but you must not go very far. Now pray(AH) for me.”

29 Moses answered, “As soon as I leave you, I will pray to the Lord, and tomorrow the flies will leave Pharaoh and his officials and his people. Only let Pharaoh be sure that he does not act deceitfully(AI) again by not letting the people go to offer sacrifices to the Lord.”

30 Then Moses left Pharaoh and prayed to the Lord,(AJ) 31 and the Lord did what Moses asked. The flies left Pharaoh and his officials and his people; not a fly remained. 32 But this time also Pharaoh hardened his heart(AK) and would not let the people go.

Footnotes

  1. Exodus 8:1 In Hebrew texts 8:1-4 is numbered 7:26-29, and 8:5-32 is numbered 8:1-28.
  2. Exodus 8:23 Septuagint and Vulgate; Hebrew will put a deliverance