Exodo 8:1-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Ikalawang Salot: Ang Napakaraming Palaka
8 Pagkaraan noon, sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pumunta ka sa Faraon. Sabihin mong ito ang ipinapasabi ko: Payagan mo nang umalis ang mga Israelita upang sumamba sa akin. 2-3 Kapag hindi ka pumayag, patuloy kong pahihirapan ang buong Egipto. Pupunuin ko ng palaka ang Ilog Nilo. Papasukin ng mga ito ang palasyo at aakyatin pati higaan mo. Papasukin din ng mga ito ang bahay ng mga tauhan mo at ng lahat ng Egipcio, ganoon din ang inyong mga lutuan at lalagyan ng pagkain. 4 Ikaw, ang iyong mga tauhan, at ang buong bayan ay pahihirapan nito.”
5 Sinabi pa ni Yahweh, “Sabihin mo naman kay Aaron na itapat niya sa ilog ang kanyang tungkod, gayon din sa mga kanal at mga lawa upang mapunô ng palaka ang buong Egipto.” 6 Ganoon nga ang ginawa ni Aaron. Umahon sa ilog ang mga palakang di mabilang sa dami at kumalat sa buong Egipto.
Read full chapter
Exodo 8:1-6
Ang Biblia (1978)
Ang pagkakaroon ng maraming Palaka.
8 At sinalita ng Panginoon kay Moises, Pasukin mo si Faraon at sabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Tulutan mong yumaon ang aking bayan, (A)upang ako'y mapaglingkuran nila.
2 At kung ayaw mo silang payaunin, ay narito, aking sasalutin ng mga (B)palaka ang inyong buong lupain:
3 At ang ilog ay mapupuno ng mga palaka, na magsisiahon at magsisipasok sa iyong bahay, at sa iyong (C)tulugan, at sa iyong higaan, at sa bahay ng iyong mga lingkod, at sa iyong bayan, at sa iyong mga hurno, at sa iyong mga masa ng tinapay.
4 At kapuwa aakyatin ng mga palaka ikaw at ang iyong bayan, at lahat ng iyong mga lingkod.
5 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo kay Aaron, (D)Iunat mo ang iyong kamay pati ng iyong tungkod sa mga ilog, sa mga bangbang, at sa mga lawa, at magpaahon ka ng mga palaka sa lupain ng Egipto.
6 At iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay sa tubig sa Egipto; (E)at ang mga palaka ay nagsiahon, at tinakpan ang lupain ng Egipto.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978