Exodo 39
Magandang Balita Biblia
Ang Kasuotan ng mga Pari(A)
39 Ginawa nila ang kasuotan ni Aaron ayon sa iniutos ni Yahweh kay Moises. Lanang kulay asul, kulay ube at pula ang ginamit nila sa kasuotan ng mga pari.
2 Mainam na lino, lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula ang ginamit nila sa efod. 3 Ang ginto ay pinitpit nila nang manipis at ginupit nang pino na parang sinulid, at inihalo sa paghabi sa lanang kulay asul, kulay ube at pula at sa mainam na lino. 4 Ang efod ay kinabitan nila ng malapad na tali na siyang nagdudugtong sa likod at harap. 5 Kinabitan din nila ito ng isang magandang sinturong kamukha ng efod na yari rin sa mainam na lino, at lanang kulay asul, kulay ube at pula at binurdahan din ng mga hibla ng ginto tulad ng iniutos ni Yahweh. 6 Kumuha sila ng mga batong kornalina at iniayos ito sa patungang ginto. Iniukit nila dito ang pangalan ng mga anak na lalaki ni Israel. Nang mayari, para itong isang magandang pantatak. 7 Ang mga bato'y ikinabit nila sa tali sa balikat ng efod upang maalala ang mga anak ni Israel. Ginawa rin nila ito ayon sa utos ni Yahweh.
8 Gumawa rin sila ng pektoral. Magandang-maganda ang burda nito, tulad ng efod, at yari din sa mainam na lino, at lanang kulay asul, kulay ube at pula at mayroon din itong sinulid na ginto. 9 Ito'y magkataklob at parisukat: 0.2 metro ang haba, at ganoon din ang lapad. 10 Kinabitan nila ito ng apat na hilera ng mamahaling bato: Sa unang hanay ay rubi, topaz at karbungko. 11 Sa ikalawang hilera naman ay esmeralda, safiro at brilyante. 12 Sa ikatlong hilera ay jacinto, agata at ametista. 13 At sa ikaapat, berilo, kornalina at jasper. Lahat ng ito ay nakalagay sa patungang ginto. 14 Labindalawa lahat ang batong ginamit upang kumatawan sa labindalawang anak ni Israel. Tulad ng isang pantatak, sa bawat bato'y nakaukit nang maganda ang pangalan ng bawat anak na lalaki ni Israel. 15 Naglubid sila ng pinitpit na ginto at ito ang ginawang panali sa pektoral. 16 Gumawa rin sila ng dalawang patungan at dalawang argolyang ginto na ikinabit nila sa dalawang sulok ng pektoral, sa gawing itaas. 17 Itinali nila sa argolya ang tig-isang dulo ng mga nilubid na ginto. 18 Ang kabilang dulo naman ay itinali nila sa dalawang patungang ginto sa tali sa balikat ng efod. 19 Gumawa rin sila ng dalawang argolya at ikinabit sa dalawang sulok sa gawing ibaba ng pektoral. 20 Gumawa rin sila ng dalawang argolyang ginto at ikinabit sa ibaba ng tali sa balikat, sa may tahi, sa itaas ng pamigkis ng efod. 21 Ang argolya ng pektoral at ng efod ay pinagkabit nila ng lubid na asul para hindi magkahiwalay. Ito'y ginawa nila ayon sa utos ni Yahweh.
22 Gumawa rin sila ng damit na nasa ilalim ng efod. Ito'y yari sa lanang kulay asul, 23 at may butas na suotan ng ulo; ang butas ay may tupi upang hindi matastas. 24 Ang laylayan nito'y nilagyan nila ng mga palawit na tila bunga ng punong granada; ang mga ito'y yari sa pinong lino, at lanang asul, kulay ube at pula. 25 Gumawa rin sila ng mga kampanilyang ginto at ikinabit sa laylayan, sa pagitan ng mga palawit. 26 Kaya ang laylayan ay may isang hilera ng mga palawit na mukhang bunga ng punong granada at mga kampanilyang ginto. Ito'y ginawa nila ayon sa utos ni Yahweh.
27 Gumawa rin sila ng mahabang panloob na kasuotan para kay Aaron at sa kanyang mga anak. Ang mga ito'y yari sa pinong lino, 28 ganoon din ang turbante, ang mga sumbrero at ang mga linong salawal. 29 Ang pamigkis naman sa baywang ay yari sa pinong lino, lanang kulay asul, kulay ube at pula at binurdahan nang maganda ayon sa utos ni Yahweh. 30 Ang turbante ay nilagyan nila ng palamuting ginto at may nakaukit na ganitong mga salita: “Nakalaan kay Yahweh.” 31 Ito'y itinali nila sa turbante sa pamamagitan ng kurdong asul, tulad ng utos ni Yahweh.
Natapos na ang Toldang Tipanan(B)
32 Natapos nilang gawin ang Toldang Tipanan ayon sa iniutos ni Yahweh; gayundin ang lahat ng mga kagamitan doon. 33 Ipinakita nila kay Moises ang lahat: ang tabernakulo, ang tolda at lahat ng gamit dito, ang mga kawit, ang mga patayo at pahalang na balangkas, tukod at mga tuntungan nito; 34 ang mga pantakip na balat ng tupa na kinulayan ng pula, balat ng kambing, at ang mga tabing; 35 ang Kaban ng Tipan, ang mga pasanan nito at ang Luklukan ng Awa. 36 Ipinakita rin nila ang mesa at ang mga kagamitan nito, ang tinapay na panghandog sa Diyos, 37 ang ilawang ginto, ang mga ilaw at ang iba pang mga kagamitan nito, at ang langis para sa mga ilaw; 38 ang altar na ginto, ang langis na pampahid, ang mabangong insenso at ang kurtina para sa pintuan ng tolda. 39 Ipinakita rin nila ang altar na tanso, kasama ang parilyang tanso, ang mga pasanan at lahat ng kagamitan ng altar, ang palangganang tanso at ang patungan nito; 40 ang mga kurtina para sa bulwagan, ang mga poste at ang mga tuntungan nito, ang tabing sa pagpasok sa bulwagan, ang mga tali, ang mga tulos para sa tolda at lahat ng kagamitan sa paglilingkod sa loob ng Toldang Tipanan. 41 Ipinakita rin nila ang sagradong kasuotan ng mga pari para sa kanilang paglilingkod sa Dakong Banal; ang banal na kasuotan ng paring si Aaron, at ang kasuotan ng kanyang mga anak na maglilingkod bilang mga pari. 42 Lahat ng ito'y ginawa ng mga Israelita ayon sa iniutos ni Yahweh kay Moises. 43 Ang mga ito'y isa-isang tiningnan ni Moises, at binasbasan nang matiyak na nayari ang mga ito ayon sa iniutos ni Yahweh.
Exodo 39
Ang Biblia (1978)
39 At (A)sa kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, ay gumawa sila ng (B)mga kasuutang mainam ang pagkayari upang gamitin sa pangangasiwa sa dakong banal, at ginawang mga banal na kasuutan kay Aaron; (C)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Ang paggagawa ng epod, pektoral, at ng balabal.
2 (D)At kaniyang ginawa ang epod na ginto, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.
3 At kanilang pinukpok ang ginto na pinanipis na pahaba at pinutol na ginawang kawad na ginto, upang itahi sa kayong bughaw, at sa kulay-ube, at sa pula, at sa lino na gawa ng bihasang manggagawa.
4 Kanilang iginawa ng mga pangbalikat, na nagkakasugpong: sa dalawang dulo ay nagkakasugpong.
5 At ang mainam na pagkayaring pamigkis, na nasa ibabaw ng epod upang ibigkis, ay kaputol at gaya ng pagkayari ng epod; na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, linong pinili; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
6 At kanilang ginawa ang mga batong onix na pinamutihan ng kalupkop na ginto, na ayos ukit ng isang panatak, ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel.
7 At kaniyang inilagay sa ibabaw ng pangbalikat ng epod upang maging mga batong (E)pinakaalaala sa ikagagaling ng mga anak ni Israel; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
8 At kaniyang ginawa ang pektoral, na gawa ng bihasang manggagawa, gaya ng pagkayari ng epod; na ginto, at kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.
9 Parisukat; kanilang ginawang nakatiklop ang pektoral: isang dangkal ang luwang niyaon, pagka nakatiklop.
10 (F)At kanilang kinalupkupan ng apat na hanay na sarisaring bato: isang hanay ay sardio, topacio, at karbungko na siyang unang hanay.
11 At ang ikalawang hanay, ay isang esmeralda, isang zafiro, at isang diamante.
12 At ang ikatlong hanay, ay isang jacinto, isang agata, at isang ametista.
13 At ang ikaapat na hanay ay isang berilo, isang onix, at isang jaspe; na mga natatakpan ng mga pamuting ginto sa kanilang mga pagkakakalupkop.
14 At ang mga bato ay ayon sa mga pangalan ng mga anak ni Israel, labingdalawa, ayon sa kanilang mga pangalan; na ayos ukit ng isang panatak; bawa't isa'y ayon sa kaniyang pangalan, na ukol sa labingdalawang lipi.
15 At kanilang iginawa ang pektoral ng mga tanikalang parang tirintas na ayos pinili na taganas na ginto.
16 At sila'y gumawa ng dalawang pangkalupkop na ginto, at ng dalawang singsing na ginto; at inilagay ang dalawang singsing sa dalawang dulo ng pektoral.
17 At kanilang ikinabit ang dalawang tanikalang pinili na ginto sa dalawang singsing sa mga sulok ng pektoral.
18 At ang ibang dalawang dulo ng dalawang tanikalang ayos singsing ay kanilang ikinabit sa dalawang pangkalupkop, at mga ikinabit sa mga pangbalikat ng epod sa dakong harapan niyaon.
19 At sila'y gumawa ng ibang dalawang singsing na ginto, at mga inilagay sa dalawang sulok ng pektoral sa gilid niyaon, na nasa dakong kabaligtaran ng epod.
20 At sila'y gumawa ng dalawang singsing na ginto, at mga ikinabit sa dalawang pangbalikat ng epod sa dakong ibaba, sa may harapan, na malapit sa pagkakasugpong, sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod.
21 At kanilang itinali ang pektoral sa pamamagitan ng mga singsing, sa mga singsing ng epod ng isang panaling bughaw upang mamalagi sa ibabaw ng mainam na pagkayaring pamigkis ng epod; (G)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
22 At kaniyang ginawa ang balabal ng epod na yari ng manghahabi, na taganas na bughaw;
23 At ang butas ng balabal ay nasa gitna niyaon na gaya ng leeg ng isang koselete, na may isang uriang tinahi sa palibot ng pinakaleeg upang huwag mapunit.
24 At kanilang ginawan ang mga ribete ng balabal ng mga granadang kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at linong pinili.
25 At sila'y gumawa ng mga kampanilyang taganas na ginto, at inilagay ang mga kampanilya sa pagitan ng mga granada sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot, sa pagitan ng mga granada;
26 Isang kampanilya at isang granada, isang kampanilya at isang granada, sa ibabaw ng ribete ng balabal sa palibot, upang ipangasiwa (H)gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
27 (I)At kanilang ginawa ang mga tunika na lino na yaring hinabi para kay Aaron, at sa kaniyang mga anak,
28 At ang mitra na lino, at ang mga mainam na tiara na lino, at ang mga salawal na lino na kayong pinili na lino,
29 At ang bigkis na linong pinili, at kayong bughaw at kulay-ube, at pula, na gawa ng mangbuburda; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
30 (J)At kanilang ginawa ang lamina ng banal na korona na taganas na ginto, at sinulatan ng isang titik na ayos ukit ng isang panatak, Banal sa Panginoon.
31 At kanilang tinalian ng isang panaling bughaw, upang ilapat sa ibabaw ng mitra; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Sinuri ni Moises ang kayarian.
32 Gayon natapos ang buong gawa sa tabernakulo ng kapisanan: (K)at ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa buong iniutos ng Panginoon kay Moises: gayon ginawa nila.
33 At kanilang dinala ang tabernakulo kay Moises, ang Tolda at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon, ang mga kawit, ang mga tabla, ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan;
34 At ang takip na mga balat ng mga tupa na tinina sa pula, at ang takip na balat ng mga poka, at ang (L)lambong ng tabing;
35 Ang kaban ng patotoo at ang mga pingga niyaon, at ang luklukan ng awa;
36 Ang dulang, lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang tinapay na handog;
37 (M)Ang dalisay na kandelero, ang mga ilawan niyaon, ang mga ilawan na inayos, at lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang langis na pangilawan;
38 (N)At ang dambanang ginto, at ang langis na pangpahid, ang mabangong kamangyan, at ang tabing na gamit sa pintuan ng Tolda;
39 Ang dambanang tanso, at ang pinakasalang tanso, ang mga pingga at ang lahat ng mga sisidlan niyaon, ang hugasan at ang tungtungan;
40 (O)Ang mga tabing ng looban, ang mga haligi, at ang mga tungtungan at ang tabing na pangpintuang-daan ng looban, ang mga panali, at ang mga tulos, at lahat ng mga kasangkapan sa paglilingkod sa tabernakulo, na gamit sa tabernakulo ng kapisanan;
41 Ang maiinam na pagkayaring kasuutan na gamit sa pangangasiwa sa dakong banal, at ang mga banal na kasuutan para kay Aaron na saserdote, at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.
42 Ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay (P)gayon ginawa ng mga anak ni Israel ang lahat ng gawa.
43 At nakita ni Moises ang lahat ng gawain, at, narito, kanilang nagawa na kung paanong iniutos ng Panginoon ay gayon nila ginawa: (Q)at pinagbabasbasan ni Moises.
Exodus 39
New International Version
The Priestly Garments
39 From the blue, purple and scarlet yarn(A) they made woven garments for ministering in the sanctuary.(B) They also made sacred garments(C) for Aaron, as the Lord commanded Moses.
The Ephod(D)
2 They[a] made the ephod of gold, and of blue, purple and scarlet yarn, and of finely twisted linen. 3 They hammered out thin sheets of gold and cut strands to be worked into the blue, purple and scarlet yarn and fine linen—the work of skilled hands. 4 They made shoulder pieces for the ephod, which were attached to two of its corners, so it could be fastened. 5 Its skillfully woven waistband was like it—of one piece with the ephod and made with gold, and with blue, purple and scarlet yarn, and with finely twisted linen, as the Lord commanded Moses.
6 They mounted the onyx stones in gold filigree settings and engraved them like a seal with the names of the sons of Israel. 7 Then they fastened them on the shoulder pieces of the ephod as memorial(E) stones for the sons of Israel, as the Lord commanded Moses.
The Breastpiece(F)
8 They fashioned the breastpiece(G)—the work of a skilled craftsman. They made it like the ephod: of gold, and of blue, purple and scarlet yarn, and of finely twisted linen. 9 It was square—a span[b] long and a span wide—and folded double. 10 Then they mounted four rows of precious stones on it. The first row was carnelian, chrysolite and beryl; 11 the second row was turquoise, lapis lazuli and emerald; 12 the third row was jacinth, agate and amethyst; 13 the fourth row was topaz, onyx and jasper.[c] They were mounted in gold filigree settings. 14 There were twelve stones, one for each of the names of the sons of Israel, each engraved like a seal with the name of one of the twelve tribes.(H)
15 For the breastpiece they made braided chains of pure gold, like a rope. 16 They made two gold filigree settings and two gold rings, and fastened the rings to two of the corners of the breastpiece. 17 They fastened the two gold chains to the rings at the corners of the breastpiece, 18 and the other ends of the chains to the two settings, attaching them to the shoulder pieces of the ephod at the front. 19 They made two gold rings and attached them to the other two corners of the breastpiece on the inside edge next to the ephod. 20 Then they made two more gold rings and attached them to the bottom of the shoulder pieces on the front of the ephod, close to the seam just above the waistband of the ephod. 21 They tied the rings of the breastpiece to the rings of the ephod with blue cord, connecting it to the waistband so that the breastpiece would not swing out from the ephod—as the Lord commanded Moses.
Other Priestly Garments(I)
22 They made the robe of the ephod entirely of blue cloth—the work of a weaver— 23 with an opening in the center of the robe like the opening of a collar,[d] and a band around this opening, so that it would not tear. 24 They made pomegranates of blue, purple and scarlet yarn and finely twisted linen around the hem of the robe. 25 And they made bells of pure gold and attached them around the hem between the pomegranates. 26 The bells and pomegranates alternated around the hem of the robe to be worn for ministering, as the Lord commanded Moses.
27 For Aaron and his sons, they made tunics of fine linen(J)—the work of a weaver— 28 and the turban(K) of fine linen, the linen caps and the undergarments of finely twisted linen. 29 The sash was made of finely twisted linen and blue, purple and scarlet yarn—the work of an embroiderer—as the Lord commanded Moses.
30 They made the plate, the sacred emblem, out of pure gold and engraved on it, like an inscription on a seal: holy to the Lord.(L) 31 Then they fastened a blue cord to it to attach it to the turban,(M) as the Lord commanded Moses.
Moses Inspects the Tabernacle(N)
32 So all the work on the tabernacle, the tent of meeting, was completed. The Israelites did everything just as the Lord commanded Moses.(O) 33 Then they brought the tabernacle(P) to Moses: the tent and all its furnishings, its clasps, frames, crossbars, posts and bases; 34 the covering of ram skins dyed red and the covering of another durable leather[e] and the shielding curtain; 35 the ark of the covenant law(Q) with its poles and the atonement cover; 36 the table(R) with all its articles and the bread of the Presence;(S) 37 the pure gold lampstand(T) with its row of lamps and all its accessories,(U) and the olive oil(V) for the light; 38 the gold altar,(W) the anointing oil,(X) the fragrant incense,(Y) and the curtain(Z) for the entrance to the tent; 39 the bronze altar(AA) with its bronze grating, its poles and all its utensils; the basin(AB) with its stand; 40 the curtains of the courtyard with its posts and bases, and the curtain for the entrance to the courtyard;(AC) the ropes and tent pegs for the courtyard; all the furnishings for the tabernacle, the tent of meeting; 41 and the woven garments(AD) worn for ministering in the sanctuary, both the sacred garments for Aaron the priest and the garments for his sons when serving as priests.
42 The Israelites had done all the work just as the Lord had commanded Moses.(AE) 43 Moses inspected the work and saw that they had done it just as the Lord had commanded.(AF) So Moses blessed(AG) them.
Footnotes
- Exodus 39:2 Or He; also in verses 7, 8 and 22
- Exodus 39:9 That is, about 9 inches or about 23 centimeters
- Exodus 39:13 The precise identification of some of these precious stones is uncertain.
- Exodus 39:23 The meaning of the Hebrew for this word is uncertain.
- Exodus 39:34 Possibly the hides of large aquatic mammals
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.