Exodo 29
Ang Biblia (1978)
Ang pagtatalaga.
29 At ito ang bagay na iyong gagawin sa kanila na ibukod sila, upang sila'y mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote: (A)kumuha ka ng isang guyang toro at ng dalawang lalaking tupang walang kapintasan.
2 At tinapay na walang lebadura, at mga munting tinapay na walang lebadura na hinaluan ng langis, at mga manipis na tinapay na walang lebadura na pinahiran ng langis: na gagawin mo sa mainam na harina ng trigo.
3 At iyong isisilid sa isang bakol, at dadalhin mo na nasa bakol, sangpu ng toro at ng dalawang tupang lalake.
4 At si Aaron at ang kaniyang mga anak ay iyong dadalhin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at iyong (B)huhugasan sila ng tubig.
5 (C)At iyong kukunin ang mga kasuutan, at iyong isusuot kay Aaron ang tunika niya, at ang balabal ng epod, at ang epod, at ang pektoral, at bibigkisan mo ng mainam na pagkayaring (D)pamigkis ng epod:
6 At (E)iyong ipuputong ang mitra sa kaniyang ulo, at ipapatong mo ang banal na korona sa mitra.
7 Saka mo (F)kukunin ang langis na pangpahid, at ibubuhos mo sa ibabaw ng kaniyang ulo, at papahiran mo ng langis siya.
8 At iyong dadalhin ang kaniyang mga anak, at susuutan mo ng mga tunika sila.
9 At iyong bibigkisan sila ng mga pamigkis, si Aaron at ang kaniyang mga anak, at itatali mo ang mga (G)tiara sa kanikaniyang ulo: at (H)tatamuhin nila ang pagkasaserdote na pinakapalatuntunang palagi: at (I)iyong papagbabanalin si Aaron at ang kaniyang mga anak.
Ang handog ng pagtatalaga para sa mga saserdote.
10 At iyong dadalhin ang toro sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at ipapatong ni (J)Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng toro.
11 At iyong papatayin ang toro sa harap ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
12 At (K)kukuha ka ng dugo ng toro, at ilalagay mo ng iyong daliri sa ibabaw ng (L)mga anyong sungay ng dambana; at iyong ibubuhos ang lahat ng dugo sa paanan ng dambana.
13 At kukunin mo ang buong taba na nakababalot sa bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at susunugin mo sa ibabaw ng dambana.
14 Datapuwa't ang laman ng toro, at ang balat, at ang dumi ay iyong (M)susunugin sa apoy sa labas ng kampamento: handog nga dahil sa kasalanan.
15 Kukunin mo rin ang isang lalaking tupa; at ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng lalaking tupa.
16 At iyong papatayin ang lalaking tupa, at iyong kukunin ang dugo, at iyong iwiwisik sa palibot sa ibabaw ng dambana.
17 At iyong kakatayin ang tupa at huhugasan mo ang bituka, at ang mga hita, at ipapatong mo sa mga pinagputolputol at sa ulo.
18 At iyong susunugin ang buong tupa sa ibabaw ng dambana: handog na susunugin nga sa Panginoon; (N)pinaka masarap na amoy na handog sa Panginoon, na pinaraan sa apoy.
19 At (O)kukunin mo ang isang tupa; at (P)ipapatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang kanilang kamay sa ulo ng tupa.
20 Saka mo papatayin ang tupa, at kukunin mo ang dugo, at ilalagay mo sa pingol ng kanang tainga ni Aaron, at sa pingol ng kanang tainga ng kaniyang mga anak, at sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa, at iwiwisik mo ang dugong labis sa ibabaw ng dambana sa palibot.
21 At kukuha ka ng dugo na nasa ibabaw ng dambana, at (Q)ng langis na pangpahid, at iwiwisik mo kay Aaron, at sa kaniyang mga suot, at sa kaniyang mga anak na kasama niya: at ikapapaging banal niya at ng kaniyang mga suot, at ng kaniyang mga anak, at ng mga suot ng kaniyang mga anak na kasama niya.
22 Kukunin mo rin naman sa lalaking tupa ang taba, at ang matabang buntot, at ang (R)tabang nakababalot sa mga bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at ang kanang hita (sapagka't isang lalaking tupa na (S)itinalaga),
23 (T)At isang malaking tinapay, at isang munting tinapay na nilangisan, at isang manipis na tinapay sa bakol ng tinapay na walang lebadura na nasa harap ng Panginoon:
24 At iyong (U)ilalagay ang kabuoan sa mga kamay ni Aaron, at sa mga kamay ng kaniyang mga anak; at (V)iyong mga luluglugin na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon.
25 At (W)iyong kukunin sa kanilang mga kamay, at iyong susunugin sa dambana sa ibabaw ng handog na susunugin, na pinaka masarap na amoy sa harap ng Panginoon: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
26 At kukunin mo (X)ang dibdib ng tupa na itinalaga ni Aaron, at luglugin mo na pinakahandog na niluglog sa harap ng Panginoon: at magiging iyong bahagi.
27 At iyong ihihiwalay (Y)ang dibdib ng handog na niluglog, at ang hita ng handog na itinaas, ang niluglog at ang itinaas, ng lalaking tupa na itinalaga na kay Aaron at sa kaniyang mga anak;
28 At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak, na pinaka bahagi magpakailan man, na mula sa mga anak ni Israel: sapagka't isang handog na itinaas: at magiging isang handog na itinaas sa ganang mga anak ni Israel, na kinuha sa kanilang mga hain tungkol sa kapayapaan: na dili iba't kanilang handog ngang itinaas sa Panginoon.
29 At ang mga banal na kasuutan ni Aaron ay magiging sa kaniyang mga anak, pagkamatay niya, (Z)upang pahiran ng langis sa mga yaon, at upang italaga sa mga yaon.
30 Pitong araw na isusuot ng anak na magiging (AA)saserdote nakahalili niya, pagka siya'y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan upang mangasiwa sa dakong banal.
31 At kukunin mo ang lalaking tupa na itinalaga at (AB)lulutuin mo ang kaniyang laman sa dakong banal.
32 At kakanin ni Aaron at ng kaniyang mga anak ang laman ng tupa, at ang (AC)tinapay na nasa bakol sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
33 At (AD)kanilang kakanin ang mga bagay na yaon, na ipinangtubos ng sala, upang italaga at pakabanalin sila: datapuwa't (AE)hindi kakain niyaon ang sinomang taga ibang lupa, sapagka't mga bagay na banal.
34 At kung may lumabis sa laman na itinalaga, o sa tinapay, hanggang sa kinaumagahan, ay iyo ngang susunugin sa apoy ang labis: (AF)hindi kakanin, sapagka't yao'y banal.
Handog na pangaraw-araw.
35 At ganito mo gagawin kay Aaron, at sa kaniyang mga anak, ayon sa lahat na aking iniutos sa iyo: (AG)pitong araw na iyong itatalaga sila.
36 At araw-araw ay (AH)maghahandog ka ng toro na pinakahandog, dahil sa kasalanan na pinakapangtubos: at iyong lilinisin ang dambana pagka iyong ipinanggagawa ng katubusan yaon; at (AI)iyong papahiran ng langis upang pakabanalin.
37 Pitong araw na iyong tutubusin sa sala ang dambana, at iyong pakakabanalin; at ang dambana ay magiging kabanalbanalan; (AJ)anomang masagi sa dambana ay magiging banal.
38 Ito nga (AK)ang iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana: dalawang kordero ng unang taon (AL)araw-araw na palagi.
39 Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga; at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon:
40 At kasama ng isang kordero na iyong ihahandog ang ikasangpung bahagi ng isang efa ng mainam na harina na may halong ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo; at ang ikaapat na bahagi ng isang hin na alak, ay pinakahandog na inumin.
41 At (AM)ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon, at iyong gagawin ayon sa handog na harina sa umaga, at ayon sa inuming handog niyaon, na pinaka masarap na amoy, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
42 Magiging isang palaging (AN)handog na susunugin sa buong panahon ng inyong lahi sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa harap ng Panginoon; (AO)na aking pakikipagkitaan sa inyo, upang makipagusap ako roon sa iyo.
43 At doo'y makikipagtagpo ako sa mga anak ni Israel: at (AP)ang Tolda ay pakakabanalin sa pamamagitan ng aking kaluwalhatian.
44 At aking pakakabanalin ang tabernakulo ng kapisanan, at ang dambana; si Aaron man at ang kaniyang mga anak ay aking (AQ)papagbabanalin upang mangasiwa sa akin sa katungkulang saserdote.
45 At (AR)ako'y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel, at ako'y magiging kanilang Dios.
46 At kanilang makikilala, na (AS)ako ang Panginoon nilang Dios, na kumuha sa kanila sa lupain ng Egipto, upang ako'y tumahan sa gitna nila: ako ang Panginoon nilang Dios.
Exodo 29
Ang Biblia, 2001
Ang Pagtatalaga(A)
29 “Ito ang iyong gagawin sa kanila upang italaga sila, at makapaglingkod sa akin bilang mga pari. Kumuha ka ng isang guyang toro at ng dalawang lalaking tupa na walang kapintasan,
2 at ng tinapay na walang pampaalsa, mga bibingkang walang pampaalsa na hinaluan ng langis, at maninipis na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis. Gagawin mo ang mga ito sa piling harinang trigo.
3 Isisilid mo ito sa isang bakol, at dadalhin mo ang mga ito na nasa bakol, kasama ang toro at ang dalawang lalaking tupa.
4 Si Aaron at ang kanyang mga anak ay iyong dadalhin sa pintuan ng toldang tipanan, at iyong huhugasan sila ng tubig.
5 Kukunin mo ang mga kasuotan, at iyong isusuot kay Aaron ang tunika at ang balabal ng efod, at ang efod, ang pektoral, at bibigkisan mo ng mainam na hinabing pamigkis ng efod:
6 at ipapatong mo ang turbante sa kanyang ulo, at ipapatong mo ang banal na korona sa turbante.
7 Saka mo kukunin ang langis na pambuhos, at ibubuhos mo sa ibabaw ng kanyang ulo, at bubuhusan mo siya ng langis.
8 Pagkatapos, iyong dadalhin ang kanyang mga anak, at susuotan mo sila ng mga tunika,
9 at iyong bibigkisan ng mga pamigkis si Aaron at ang kanyang mga anak, at itatali mo ang mga turbante sa kanilang ulo, at mapapasakanila ang pagkapari sa pamamagitan ng isang panghabam-panahong batas. Gayon mo itatalaga si Aaron at ang kanyang mga anak.
Ang Handog ng Pagtatalaga para sa mga Pari
10 “Pagkatapos, iyong dadalhin ang toro sa harap ng toldang tipanan at ipapatong ni Aaron at ng kanyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro.
11 Papatayin mo ang toro sa harapan ng Panginoon, sa pintuan ng toldang tipanan.
12 Kukuha ka ng bahagi ng dugo ng toro, at ilalagay mo iyon sa pamamagitan ng iyong daliri sa ibabaw ng mga sungay ng dambana; at iyong ibubuhos ang lahat ng dugo sa paanan ng dambana.
13 Kukunin mo lahat ng taba na nakabalot sa bituka, at ang mga taba ng atay, at ang dalawang bato at ang taba ng mga iyon, at susunugin mo sa ibabaw ng dambana.
14 Subalit ang laman ng toro, ang balat, at ang dumi ay iyong susunugin sa apoy sa labas ng kampo; ito ay handog pangkasalanan.
15 “Kukunin mo rin ang isa sa mga lalaking tupa, at ipapatong ni Aaron at ng kanyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo ng lalaking tupa.
16 Papatayin mo ang lalaking tupa, kukunin mo ang dugo, at iyong iwiwisik sa palibot sa ibabaw ng dambana.
17 Pagpuputul-putulin mo ang tupa at huhugasan mo ang mga lamang-loob at ang mga hita, at ipapatong mo sa mga piraso at sa ulo nito.
18 Susunugin(B) mo ang buong tupa sa ibabaw ng dambana; ito ay handog na sinusunog para sa Panginoon. Ito ay mabangong samyo, isang handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.
19 “Kukunin mo ang isa pang lalaking tupa at ipapatong ni Aaron at ng kanyang mga anak ang kanilang mga kamay sa ulo ng tupa.
20 Papatayin mo ang tupa, kukunin mo ang dugo, at ilalagay mo sa dulo ng kanang tainga ni Aaron, at sa dulo ng kanang tainga ng kanyang mga anak, at sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa, at iwiwisik mo ang natirang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.
21 Kukuha ka ng bahagi ng dugo na nasa ibabaw ng dambana, at ng langis na pambuhos, at iwiwisik mo kay Aaron at sa kanyang mga kasuotan, at sa kanyang mga anak na kasama niya; pati ang mga kasuotan nila at magiging banal siya at ang kanyang mga kasuotan, at ang kanyang mga anak, at ang mga kasuotan ng kanyang mga anak na kasama niya.
22 “Kukunin mo rin ang taba ng lalaking tupa, at ang matabang buntot, at ang tabang nakabalot sa mga bituka, ang mga taba ng atay, ang dalawang bato, ang taba na nasa ibabaw ng mga iyon, at ang kanang hita (sapagkat iyon ay isang lalaking tupa na itinatalaga),
23 isang malaking tinapay, at isang munting tinapay na may langis, at isang manipis na tinapay sa bakol ng tinapay na walang pampaalsa na nasa harapan ng Panginoon.
24 Ilalagay mo ang lahat ng ito sa mga kamay ni Aaron at sa mga kamay ng kanyang mga anak; at iyong iwawagayway ang mga ito bilang handog na iwinawagayway sa harapan ng Panginoon.
25 Kukunin mo sa kanilang mga kamay ang mga ito, at iyong susunugin sa dambana bilang karagdagan sa handog na sinusunog, bilang isang mabangong samyo sa harapan ng Panginoon; ito ay handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
26 “At kukunin mo ang dibdib ng lalaking tupa na itinalaga ni Aaron, at iwawagayway mo ito bilang handog na iwinawagayway sa harapan ng Panginoon; at iyon ang magiging iyong bahagi.
27 Iyong itatalaga ang dibdib ng handog na iwinawagayway, at ang hitang iwinawagayway na bahagi ng pari, mula sa lalaking tupa na itinalaga para kay Aaron at sa kanyang mga anak.
28 Ito ay magiging kay Aaron at sa kanyang mga anak, na bahaging ukol sa kanila sa habang panahon na mula sa mga anak ni Israel, sapagkat ito ang bahagi ng mga pari na ihahandog ng mga anak ni Israel, na kinuha sa kanilang mga handog pangkapayapaan. Ito ay kanilang handog sa Panginoon.
29 “Ang mga banal na kasuotan ni Aaron ay magiging sa kanyang mga anak pagkamatay niya, upang buhusan ng langis ang mga iyon, at upang italaga sa mga iyon.
30 Pitong araw na isusuot ang mga ito ng anak na magiging pari kapalit niya, kapag siya'y pumapasok sa toldang tipanan upang maglingkod sa dakong banal.
31 “At kukunin mo ang lalaking tupa na itinalaga at ilaga mo ang laman nito sa isang dakong banal.
32 Kakainin ni Aaron at ng kanyang mga anak ang laman ng tupa, at ang tinapay na nasa bakol sa pintuan ng toldang tipanan.
33 Kanilang kakainin ang mga bagay na iyon, na ipinantubos ng sala, upang italaga at pakabanalin sila, subalit hindi kakain niyon ang sinumang dayuhan, sapagkat banal ang mga ito.
34 At kung may lumabis sa laman na itinalaga, o sa tinapay, hanggang sa kinaumagahan, ay iyo ngang susunugin sa apoy ang nalabi, hindi ito kakainin, sapagkat ito'y banal.
Ang mga Pang-araw-araw na Handog(C)
35 “Ito ang gagawin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak, ayon sa lahat ng aking iniutos sa iyo; pitong araw mo silang itatalaga.
36 Araw-araw ay maghahandog ka ng toro na handog pangkasalanan bilang pantubos. Maghahandog ka rin ng handog pangkasalanan para sa dambana, kapag iyong iginagawa ng katubusan iyon; at iyong bubuhusan ito ng langis upang ito'y maitalaga.
37 Pitong araw na iyong gagawan ng katubusan ang dambana, at iyong pakakabanalin ito, at ang dambana ay magiging kabanal-banalan; anumang humipo sa dambana ay magiging banal.
38 “Ito naman ang iyong ihahandog sa ibabaw ng dambana: dalawang kordero na tig-iisang taong gulang, araw-araw sa habang panahon.
39 Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga; at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa hapon;
40 at kasama ng unang kordero ang ikasampung bahagi ng mainam na harina na may halong ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo; at ang ikaapat na bahagi ng isang hin na alak, ang handog na inumin.
41 Ang isa pang kordero ay iyong ihahandog sa hapon, at iyong ihahandog na kasama nito ang handog na butil at handog na inumin tulad ng sa umaga, na mabangong samyo, na isang handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
42 Ito ay magiging isang patuloy na handog na sinusunog sa buong panahon ng inyong mga salinlahi sa pintuan ng toldang tipanan, sa harapan ng Panginoon; kung saan ko kayo tatagpuin, upang makipag-usap ako roon sa iyo.
43 At doo'y makikipagtagpo ako sa mga anak ni Israel, at ito ay pakakabanalin ng aking kaluwalhatian.
44 Aking pakakabanalin ang toldang tipanan, at ang dambana; gayundin si Aaron at ang kanyang mga anak ay aking pakakabanalin upang maglingkod sa akin bilang mga pari.
45 Ako'y mananahan sa gitna ng mga anak ni Israel, at ako'y magiging kanilang Diyos.
46 Kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Diyos na naglabas sa kanila sa lupain ng Ehipto, upang ako'y manirahang kasama nila. Ako ang Panginoon nilang Diyos.
出埃及記 29
Chinese Contemporary Bible (Traditional)
立祭司的條例
29 「你要使亞倫父子們分別出來,做聖潔的祭司事奉我。你要選一頭公牛犢和兩隻毫無殘疾的公綿羊, 2 用細麵粉預備無酵餅、調上油的無酵餅和塗上油的無酵薄餅。 3 所有的餅都要用一個籃子盛,連同公牛和綿羊一起帶到會幕那裡。 4 你要先讓亞倫父子們在會幕門前沐浴, 5 然後給亞倫穿上內袍、以弗得和以弗得的外袍,戴上胸牌,束上精緻的以弗得帶子, 6 戴上禮冠,把聖冠[a]繫在禮冠上。 7 之後,把膏油倒在他的頭上,立他為祭司。 8 接著輪到亞倫的兒子們,要給他們穿上內袍, 9 為他們束上腰帶,戴上帽子,他們就按永遠的條例得到祭司的職分。你要這樣把聖職授予他們。
10 「要把公牛牽到會幕前面,亞倫父子們要把手按在公牛頭上, 11 在會幕門前,在耶和華面前宰牛。 12 然後,把血帶到祭壇那裡,用手指把血塗在壇的四個角上,剩下的血倒在壇腳。 13 再把遮蓋內臟的脂肪、肝、兩個腎臟和附在上面的脂肪都放在祭壇上燒掉。 14 但牛皮、肉和糞要拿到營外焚燒。這是贖罪祭。
15 「要把一隻公綿羊牽來,亞倫父子們要把手按在羊頭上, 16 然後宰羊,把血灑在祭壇的四周。 17 再把羊切成塊狀,用水洗淨所有的內臟和腿,跟肉塊和頭放在一起。 18 然後,把整隻羊放在祭壇上焚燒,這是獻給耶和華的燔祭,是蒙耶和華悅納的馨香火祭。
19 「你要把另一隻公綿羊牽來,亞倫父子們要把手按在羊頭上, 20 然後宰羊,取一點血塗在亞倫和他兒子們的右耳垂、右手的大拇指和右腳的大腳趾上,餘下的血就灑在祭壇的四周。 21 再從祭壇上取一點血,與膏油一起灑在亞倫父子及其衣服上。這樣,他們和他們的衣服就被分別出來,變得聖潔。
22 「你要取出羊的脂肪、肥尾巴、遮蓋內臟的脂肪、肝葉、兩個腎臟和附在上面的脂肪以及右腿,因為這是授聖職時所獻的羊。 23 再從耶和華面前的籃子裡取一個無酵餅、一個調油的無酵餅和一個薄餅。 24 把這些祭物都放在亞倫和他兒子的手中,作為搖祭在耶和華面前搖一搖。 25 然後,你要把這些祭物接過來,放在祭壇上焚燒獻給耶和華,成為蒙耶和華悅納的馨香火祭。 26 你要拿起亞倫承受聖職時所獻的那頭公羊的胸肉,作為搖祭在耶和華面前搖一搖。之後,這份祭肉就歸你。
27 「要將屬於亞倫父子們、授聖職時所獻的搖祭胸肉和舉祭腿肉分別出來,使之聖潔。 28 這些祭物要從以色列人所獻的平安祭中取出來,歸給亞倫父子們,作為永遠的定例。這是以色列人當向耶和華獻的祭物。
29 「亞倫的聖衣要留給他的子孫,他們可以穿上這聖衣受膏,承受聖職。 30 接替亞倫做祭司的那位後裔,每次進會幕的聖所供職時,都要一連七天穿著聖衣。
31 「要在聖潔的地方煮授聖職時所用的公綿羊肉。 32 亞倫父子們可以在會幕的門前吃這些祭肉和籃內的餅。 33 他們要吃這些在授聖職時用來贖罪、使他們聖潔的祭物。但普通人不能吃,因為這些是聖物。 34 若有授聖職時的肉或餅留到早上,就要燒掉,不可再吃,因為這些都是聖物。
35 「你要照我的吩咐,為亞倫父子們舉行授聖職禮,歷時七天。 36 每天要獻一頭公牛作贖罪祭潔淨祭壇,然後用膏油抹祭壇,使祭壇聖潔。 37 你們連續七天都要這樣做,這樣祭壇便完全聖潔,凡是碰到祭壇的都變得聖潔。
38 「你們每天要獻上兩隻一歲的羊羔作燔祭。 39 一隻在早晨獻上,另一隻在黃昏獻上。 40 要用一公斤細麵粉調一升橄欖油做成素祭,與早晨獻的羊羔一同獻上,再獻上一升酒作奠祭。 41 另一隻羊要在黃昏的時候獻上,所獻的素祭和奠祭要跟早晨的一樣,作為蒙耶和華悅納的馨香火祭。
42 「你們世世代代要不斷地在我面前獻上燔祭,祭禮要在會幕門前舉行,這會幕就是我跟你們會面和交談的地方。 43 我要在那裡和以色列人相會,我的榮耀將使整座會幕聖潔。
44 「我要使會幕和祭壇聖潔,也要使亞倫父子們聖潔,做祭司事奉我。 45 我要住在以色列人中間,做他們的上帝。 46 他們必知道我是他們的上帝耶和華。我帶領他們離開埃及,就是為了要住在他們中間。我是他們的上帝耶和華。
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
